Chapter 3

95 16 20
                                    


"Arance, project some grace while you walk. Ano ba yan?!Ang ganda ganda ng mukha pero yung lakad nakikiuso sa tatlong bibe! Ayusin mo yan.", ang hirap naman pala nito! At isa pa, kanina pa ako pinapagalitan nitong nag cho-choreograph samin. Well, hindi lang naman ako pero aba talaga! Nakakasampu na ata yan saken eh. At paanong hindi ako mag mumukhang bibe maglakad eh agad agad naman nila akong pinag 5 inches heels, sa tanang buhay ko pa naman 3 inches palang ang nasusuot ko at madalas pa akong sumemplang kahit sa 3 inch lang. Pakiramdam ko nga magkakapira piraso na ang mga paa ko sa kakabalanse maglakad. Jusko nanginginig na rin ang mga tuhod ko at namamanhid na ang mga daliri ko sa sobrang pagkaka ipit. Ganito pala kaplastik ang mga beauty queens no! Ngingiti at kakaway with full grace and all pero ang totoo nakikipag gyera na ang mga binti nila sa matataas na sapatos >.<

"Moira, focus hija! Magkakabanggaan na kayo ni Isabelle oh! Lakad palang yan ganyan na kayo. Sasayaw pa kayo,", Yeah, well he—she, okay LGBT kasi e, so hindi ko alam kung paano siya I denote basta the guy is making us do all means possible to pull up a good show para sa event ng school. After kasi ng pageant ay proclamation na din ng bagong President ng Colegio kaya talagang level up ang standards.

"Few more steps Isabelle, sway a little, turn! Yan perfect! Kaya mo naman pala eh. Konting emotion hija, you look so nervous pretty, wag mong ipahalata yan, hindi pa pageant ito may 2 weeks pa kayo to practice kaya wag kayong ma tense masyado. Gayahin niyo si Semira. Chill lang ---- blablabla..", Sumimangot naman akong lalo matapos akong paasahin nitong baklang ito. Hahah. Akala ko pa naman good to go na ako para sakanya iyon pala ay icocompare lang kami kay Semira. Aba! Natural na chill nalang yun e suki na kaya yan sa mga rampahan! Lola niya Bb. Pilipinas title holder, Nanay niya fashion icon, mga kapatid niya mapa lalaki man o babae puro model! >.< Nawawalan na talaga ako ng gana. Pero wala eh. Kaylangan kong makakuha ng award, Nakakahiya kay Dean. Ang dami ko pa namang utang na loob dun, mula sa endorsement sa mga pinag kakakitaan ko, approval sa scholarships, at kung ano ano pang pabor na kahit hindi ko hilingin e binibigay niya. Siya nga din ang gagastos dito sa pag Sali ko kaya kaylangan ibigay ko talaga lahat. *sigh*

Yun nga lang ang baba baba ng morale ko ngayon. "Hoy, Isabelle! Babae lamon tayo. Naririndi na ko kay Denver puro siya pang ookray! Ang ingay ng bunganga nung baklang yun.", yamot na yamot yan na boses ni Semira yan. Opo, si Semira na apo ng beauty queen, anak ng fashion icon, at kapatid ng mga model.

Well, siya ang kaibigan ko dito school na to. Ewan pero bestfriends nga daw kami eh. Mas marami kasi ang kaibigan ko sa mga trabahong pinapasukan ko. Mga dalawa? Tapos dito, ayun isa lang. Si Semira lang >.<

Pero mahal ko naman yang babaeng yan. Sinasabay niya ko papunta at pauwi pag sabay kami ng schedule. O kaya ay taga hatid ko sa raket ko. Taga libre na din ng lunch, snacks at taga donate nadin ng damit. Ang laking tulong saken nito eh. XD

"Earth to Belly!", Semira snapped out kaya ayun nagpatangay nalang ako papuntang cafeteria.

"Hi Semira, uhh hello Isabelle", may guy kaming nakasalubong along the way. Aba! Bat namumula yung mokong nay un? Siya yung varsity sa soccer ah. Ay, baka dahil sa init. Inisang lingon ko nga pagkalampas samin at ayun nakahabol parin pala ng tingin. At ano yun? Nung nakita niyang nilingon ko siya bigla nalang bumaling kay Sem. Aba tong mokong na to! Anong akala niya sake--? .... Teka, ano nga ba jyung klaseng tingin na ganun. Bah! Bahala na nga siya, sobrang pula na kaya niya, baka may sakit yun pagala gala pa sa premises ng school eh kung bumulagta siya kung saan?!

"Sem, Yow Isabelle. Gorg as always huh",*winks*

"Arance, Mira, kumusta kayo?"

"Girls, balita ko kasali kayo sa pageant. Good luck. Kayo papanuorin ko. Lalo na ikaw Isa", aba't bakit ako?

"Oh, sila Arance oh!"

"High five naman jan Sem. Gumaganda kayo lalo ah"

"Sem, Isa. Hi!"

"Sabihan mo na si Captain kakain na sila Sem. Mag reserve na ng upuan sa Cafeteria!"

Ano bayan. Ang ingay! Ang gulo At ang OOOOAAAAAAA. Sobrang OA nila! Wala man lang bang tahimik na lugar dito? For sure kahit sa cafeteria maingay parin. Kasalanan yan ni Semira! Masyado siyang sikat >.<

Smile here, smile there. Pero si Semira lang yun. Feel na feel niya kasi maging popular....

Ok rephrase natin. Sanay na kasi siya maging popular. Pamilyang sikat e.

"Hoy! Anong iniisip mo diyan?", untag sakin nitong babaeng maganta. Serious na to. Maganda si Semira ng sobra.

"Hmm. Wala naman. Iniisip ko kung ano ang mura kainin ngayon for lunch. Next week pa yung sahod ko sa café at baka end of the month pa ang dating ng allowance sa pag I student assistant. Kailangan magtipid kung hindi ay mauubusan ako ng datung. Pautangin mo ako ah.", dinire diretso ko na siya. Payag naman yan eh.

"Ililibre kita. Isasabay paguwi, susunduin sa school bukas. Ok ba? Makakatipid ka nun? Ok yung uutangin mo, hintayin mo nalang sa account mo.", Yun. Hahaha. Ang galante! "Pero hoy! Pag totoong mayaman kana. Bayaran mo ako ng triple. Nakalista kaya lahat ng utang mo. Hhahaha. 2 years from now pensyonado na ko sayo. Hahaha", Ok, binabawi ko na ang naisip ko. Kuripot talaga in real life ang magandang babaeng ito. -___-z

Love found in Revenge Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon