Chapter 5

94 17 20
                                    

"Hindi mo na ba talaga mapapatawad ang nanay ko?", naitanong ko nalang. Siguro kahit nasa langit na si mama ngayon, hindi parin siya matahimik. Pano ba naman siya matatahimik e kaming mga naiwan niya ay wala ng ginawa kung hindi magkasakitan. 


"Kuya---"


"Don't call me that!" he spat at me. 


Napahikbi na naman ako sa inasal niya. Mabuti pa ang ibang tao pwede siyang tawagin ng kahit ano, kuya, sir, boss, bro, pare. Ako na kapatid din naman niya eh hindi. What a life!, naisaloob ko nalang. Why can't life be fair to me? or atleast be easy on me?


"Please forgive her, she loves you. Hindi ko man siya nakasama, alam ko, nararamdaman ko na mahal ka niya. Mahal na mahal niya kayo." Humugot ako ng isang malalim na hininga sa pag aakalang mapipigilan ko ang pagpiyok ko. Yun nga lang ay hindi talaga, bumigay parin ang tinig ko. Ba't ba kasi ang hina hina ko pagdating sa mga kapatid kong ito? 


"I'm not asking you to forget everything you've said she has done. Please, patawarin mo lang siya. Pakiusap, Nakikiusap ako." Lumuluha man ay itinuloy ko parin ang pagsasalita. For once, maiparinig ko man lang sakanya ang saloobin ko.


"Hah! you really think I didn't do that? " sa sagot niyang iyon ako natigilan.


"Sinubukan ko naman e. I was what? eleven? Sila Gleian 7 and 5! Everything before her pregnancy with you was perfect! i was happy and everything was fine. It was all fine, until your father came into picture and ruined everything we had!", Goodness natatakot na ako. Sumisigaw na naman kasi si kuya. Nag kakaphobia na ata ako sa mga sigawan. Lord wag naman pong ganito. Baka himatayin nalang ako bigla dito.


"Sobrang laki ng nawala saamin. Kaya galit na galit na galit ako sa tatay mo, sa nanay mo, at      . sayo," thank god my brothers voice was a little modulated na nung sinabi nya yun. Baka maihi na ko sa takot at kaba. Kahit naman kapatid ko to at buong buhay ko ito na ang nakamulatan kong paraan ng pagtrato nila e natatakot parin naman ako. Lalo na ngayon. He's like pouring all his anger to me. "S--sorry", 'nasabi ko nalang.


"If you weren't born, sana wala ng  ebidensya sa panggagago ng magulang mo sa tatay ko. Your just an added insult to the injury that they inflicted to us, you know that? Ikaw ang tagapag paalala saamin na malandi ang nanay namin at hindi siya makuntento sa isang lalaki lang. Karma niya nalang na iniwan din siya ng lalaking pinatulan niya", humugot ako ng malalim na hininga bago nagsalita. Ito yung matagal ko ng gustong itanong sakanila pero hindi ko lang magawa. Sabi din kasi nila nung mga dating katulong dito nung bata pa ako e hindi daw makakabuti. Baka mas magalit lang sila ang mgsa Arance.


"My dad, tou know him?", alanganin kong bitaw ng tanong. Umupo muna siya bago tumingin saken.


"You can't know him. Yun na lang ang maitutulong ko sayo maliban sa pagtira mo dito at pagpapahiram ni papa sa apelyidong ginagamit  mo", doon ako napatitig sakanya. Nakapag tataka kasi. Maitutulong? bakit? 


"Napaka walang kwenta ng tatay mo, hindi ka manlang kinuha samin ng mamatay ang nanay mo. Huwag ka ng umasa pa sakanya", yun lang at umakyat na siya.


As I watch my brother ascend the stairs, I realize, ito na yung pinakamabait na naging pakikitungo niya saakin. O baka nga mabait na siya dati pa, pero ganito lang niya ipinapakita. With that thought I found my self smiling. Be thankful Ysabelle, sinusubukan din naman nilang maging mabuti sayo.


"Ysabelle, kape ko, bilisan mo!", hmmp. At ang mga utos nila, ituturing ko nalang yun na lambing saakin ng mga kapatisd ko.


"Yes, sir!", balik na sigaw ko. Wala e. Masaya ako ngayon. Ito na ang isa sa pinaka masasayang gabi ko





-------------------------------


Hi everyone. Tell me something about this chapter :) 

Love found in Revenge Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon