Isang malakas na pagkalabog sa pinto ang nagpagising ng aking diwa isang umaga. Sa bawat tatlong katok ay sandali itong titigil at mapapalitan ng mas malakas pa. Napabalikwas naman ako nang hindi ko na matiis ang ingay."Sandali lang!" Tanging naiusal ko ng nakapikit parin ang mga mata. Tumigil naman ang ingay na tumagal ng ilang segundo kaya dinalaw na naman ako ng antok.
"Ano ba Yesha! Hindi ka ba babangon jan? Gumising ka na at may ipapakita ako sayo!" sigaw ni Baste na nagpadilat ng mata ko. Kahit na hinahatak parin ako ng antok sa kama ay pinili kong bumangon.
Hindi ko na inalintana ang itsura ko at dumiretso sa pintuan ng kwarto. Pagbukas ko ay bumungad sakin ang mukhang presko at bagong ligo na si Baste. Kung kaninang pagbukas ko ng pinto ay malapad ang ngisi niya pero agad ding naglaho ng pasadahan ako ng tingin ng may pandidiring itsura.
"Kahit kailan ba naman ay ang itsurang iyan ang ibubungad mo sakin? Kahit ang muta at panis na laway jan sa gilid ng labi mo ay hindi mo man lang inaalis." reklamo niyang ikinakunot ng noo ko.
"Ang paggising mo nga sakin ng kay aga-aga ay wala kang narinig na reklamo mula sakin. Pero ikaw, kung anu-ano nang sinabi mo. Ano bang kailangan mo?" ismid ko. Mabilis namang akong nagtanggal ng dumi sa mukha dahil sa sinabi ng 'Hari'.
"Tara na nga!" bigla niyang hinatak ang palapulsuhan ko at hinila paakyat sa pangalawang palapag ng mansyon nila.
Isa sa pinakakilalang mansyon ang kayla Baste sa buong lugar ng Punta Fuego. Malaki kasi ito at kahit ang lupain ng kanilang angkan. Kaya kung bago ka lamang dito sa mansyon nila ay hindi na kataka-takang maligaw ka.
Limang taong gulang ako nang lumipat kami ni Papa sa mansyon nila Baste. Si Tatay ang Chef nila kaya mas minabuti nilang dito nalang kami manirahang mag-ama. Anim na taon na kaming naninirahan dito kaya hindi rin maiiwasan na makasundo ko na ang nag-iisang anak ng mag-asawang Narvaez na si Baste.
Tumigil kami sa pintuan ng kanyang kwarto. May nakasabit na 'Third' sa pinto nito. Sa ilang taon kong paninirahan sa mansyon nila ay hindi ko parin maiwasan ang mamangha lalo na sa kwarto ni Baste.
Aligaga niyang pinihit ang seradura ng pinto. Bumungad agad sakin ang preskong hangin mula sa bukas na sliding door ng balcony niya. Ito ang tinutukoy kong nagustuhan ko sa kwarto niya. Nakatapat kasi ito sa magandang tanawin ng Punta Fuego kung saan ang malawak na dagat.
Payapa kung titingnan pero nabubulabog ito sa tuwing tutugtog ng kung anu-anong instrumento si Baste. Nilingon ko siya na tumungo sa malaking aparador niya. Iginala ko naman ang tingin ko sa buong kwarto at napansin ang mga bagong pinamili na mga damit na nakalatag sa kanyang kama.
Tahimik ko siyang sinuri sa ginagawa niya. Naglabas siya ng mga damit doon at inihagis sakin. Sinamaan ko siya ng tingin na ikinatawa niya.
"Sayo na yan! Pinamili ako ni Mama ng mga damit mula sa Maynila nung pumunta siya. Isang beses ko palang naman ang mga iyan nasusuot." ani niya. Hindi na ako umangal pa dahil halos lahat yata ng damit ko ay galing sa kanya.
Malaki ang utang na loob namin sa pamilyang Narvaez. Mabubuting tao sila kaya hindi maiwasan na maituring ko nang kapatid si Baste na anak nina Don Sebastian at Donya Klaryse.
"Salamat." tanging naiusal ko lang.
"Bagay sayo ang mga iyan. Gumagwapo ka." asar niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
Ito lang ang ikinaiinis ko sa kanya. Palagi niya akong tinutukso ng ganyan. Napabuntong hininga na lamang ako dahil ayoko nang makipagtalo sa kanya. Alam ko naman kung sino ang talo, kundi ako.
"Ito lang ba? Babalik na ako sa kwarto nang makapaghilamos na." paalam ko.
"Sige, pero bumalik ka pagkatapos mo ah. Hindi lang yang ang ipapakita ko sayo." pahabol niya bago ko pa maisara ang pinto.
Hindi ko na ipinakita pa ang saya sa kanya dahil alam kong tutuksuhin na naman ako. Noon kasing unang beses na halos maiyak ako sa sayang dahil sa ibinigay niya ay pang-aasar lang ang inabot ko.
Malapad ang ngiting bumaba ako at dumiretso ng kwarto namin ni Tatay Tinoy. Nadatnan ko naman siyang naghahalungkat ng kung ano sa maliit naming tukador. Nilingon niya ako at ngumiti sakin.
"Magandang umaga para sa anak kong dugyot." tukso ni Tatay kaya sumimangot ako. Lumapit ako sa kanya para halikan ako sa buhok. Hindi parin maalis sa kanya ang mapang-asar na ngisi.
"Pati ba naman kayo ay aasarin din ako, 'Tay?" ingit ko. Tumawa lamang ito at tinulungan na ako sa pagbubuhat ng damit na binigay sakin ni Baste.
"Binigay ba uli ito sayo ni Zandro?" paglihis niya sa usapan. Ang tinutukoy niya ay si Baste na si Zandro Sebastian Narvaez III. Ang ama naman nito ang 'II'.
"Ganoon na nga po." tanging sagot ko lang.
"Hindi na talaga kayo mapaghiwalay ng batang iyon, ano? Aba eh kung hindi ko kayo kilala ay iisipin kong magkapatid kayo." sambit ni Tatay. Napangiti ako sa sinabi niya.
"Kailan pa naging magkapatid ang kape at gatas?" sarkastikong sabi ko. Ayan na naman ang halakhak ni Papa.
"May panghilod jan, anak." ani niya. Ngumuso naman ako.
"Biro lang. O sige na at magsepilyo ka na. Iba na ang simoy ng hangin na lumalabas sayo." asar na naman ni Tatay. Imbes na sumimangot ako at tumawa nalang din ako.
"Doon na muna ako sa kusina at magluluto na ako ng agahan." paalam ni Tatay.
Matapos kong magsepilyo at maghilamos ay nagpunas na ako sa tuwalya. Lumabas ako ng banyo at lumapit sa salamin para itali ang mahaba kong buhok. Naaasiwa kasi ako na binalak kong ipagupit ito ng maikli pero pinigilan ako ni Donya Klaryse. Sayang daw kasi ang ganda ng buhok ko kaya wala akong nagawa kundi ang pagpupuyod nito.
Bago pa ako lumabas ng inilaan saming kwarto ng mga Narvaez ay inayos ko muna ang kama ko dahil ayos na ang kay Papa. Lumabas na din ako at patakbong tinungo ang kwarto ni Baste.
Nadatnan ko naman siyang inaayos ang amplifier ng gitara niya. Ayan na naman ang pag-iingay niya at pagbubulabog ng kapayapaan ng kwarto.
"Anong ipapakita mo sakin." agaw ko ng atensyon niya kaya nilingon niya ako.
"You have to see this!" bakas sa mukha niya ang galak at excitement.
Lumapit ako sa kanya at umupo sa mini sofa niya malapit sa kama kung saan siya nakatayo. May hawak siyang gitara. Palagay ko ay bago ito kumpara noong gamit niya. Hindi na ako sumagot at nagsimula na siyang tumugtog.
May papikit-pikit pa siyang nalalaman kaya pigil ang tawa ko. Noon pa mang ay hilig na niya ang tumugtog ng musika. Kaya natutunan niya ang pagdadrums at ngayon ay gitara naman ang kinahumalingan.
Pinagmamasdan ko lamang siya habang ninanamnam ang magandang ritmo na inilalabas ng gitara niya. Hindi ko namalayan na natapos na pala ang pagtutog niya at dumilat na ang mata niya. Isang nakakalokong ngisi ang ipinakita niya.
"Pati ba naman ikaw ay natutulala sakin? Naiinggit ka siguro sa mukha ko kasi mas gwapo ako sayo?" nakangising tukso niya. Napailing lamang ako sa sinabi niya.
"Bukod sa pagiging manonood ko sayo, ano pa ang kailangan kong gawin?" tamad na sabi ko.
"I want you to learn how to play drums!" nanlaki ang mata ko sa kanya.
"Bakit ako? Ayoko nga!" angil ko.
"Gusto kong gumawa ng banda at isasali kita." pinal na sagot niya. Pinakatitigan lang namin ang isa't-isa pero ako ang unang bumawi.
Gaya nga ng sinabi ko ay malaki ang utang na loob ko sa kanila. Kaya pikit-mata ko siyang sinagot.
"Sige na." dumilat na ako at nakita ko siyang lumapad ang ngiti.
"Good Girl..." lumapit siya sakin at ginulo ang buhok ko. Hindi ako natulala sa ginawa niya kundi sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Tainted Heart
RomanceBeing in love and falling in love are inevitable. You can't choose who the person you will fall in love with deeply, either. Ang magmahal ng taong hindi mo alam kung mamahalin ka o hindi ay hindi mapipigilan, that's a sad truth. You can choose if y...