Sa wakas! Uwian ko na. Kakalabas ko lang ng room para sa last subject, tinungo ko na ang mahaba-habang hallway.
Nasa studio na kaya sila Baste? Alam ko kasi, may practice kaming banda ngayon para sa General Assembly ng Francis Xavier University, kung saan din ako nag enroll ng grade 12 dahil dito rin si Baste, kasalukuyang 1st year college siya. Since kami ang orihinal na banda dito, ang bandang 'THE THIRD ARTICLE' mula high school, kami ang naatasan sa welcome performance sa General Assembly. Excited na akong gamitin ang regalong drumsticks ni tatay sakin. Binisita niya kasi ako sa dorm kagabi, miss na miss niya na raw ako. Syempre ako din naman no? Halos limang taon na rin ako dito sa Maynila, isa hanggang dalawang beses kada buwan lang ako nabibisita ni tatay. Sa una nanibago ako dito sa Maynila pero dahil napapasyal naman sila Baste dito dati pa ay kabisado niya rin ito kahit papaano kaya hindi ako nangapa sa lugar.
"Yesha, sabay na tayo sa studio." Ani Mickey na bigla na lang sumulpot sa tabi ko.
"Oo ba, nandoon na kaya sila Baste?" Tanong ko.
"Baka naroon na yon, nakasalubong ko kanina pa sila ni Margaux at ihahatid muna ni Baste sa pupuntahan. Himala nga na hindi siya manonood." Sabi niya na mahigpit ang hawak sa bag niya.
Tumango na lamang ako na hindi na dinagdagan ang sinabi niya at sabay na tinungo ang studio.
Binuksan namin ang mabigat na pinto at naramdaman ko agad ang simoy ng aircon. Napakalamig agad, mukhang kanina pa sila rito.
"Finally." ani Darelle na animo nabunutan ng tinik nang dumating kami. Lumapit siya sa amin para makipag-high five.
Tumagos ang tingin ko sa taong nasa likod niya. Lumapit rin si Baste upang makipag-apir.
"Oh Yesha, bago yang drumsticks mo ha? Mabibinyagan agad yan. What do you think bro?" ani Baste ng lumapit kami sa iba pang kabanda.
Kumpleto kaming lahat, narito si Mickey na aming guitarist, si Matthew na keyboardist, si Darelle na bassist, si Baste na lead guitarist at aming vocalist, at ako ang drummer.
"Syempre, baka mapudpod yan. Mag rorock tayo ngayon." Halakhak ni Mickey habang kinokondisyon na ngayon ang gitara.
"Sure ba kayo? Di kaya sila mashock satin? Masyadong wild." Umupo ako sa tapat ng drum set para subukan ang bago kong drumsticks.
Tumawa muna si Baste bago magsalita, "I don't think so, they would like it. Pero sige slow rock muna tayo, 'Never Gonna Be Alone' okay sa inyo?"
"Sure." tipid na sabi ni Matthew na seryoso palagi.
"O sige." Pumayag kaming lahat sa line up ni Baste.
Mabilis naman namin nakuha ang kanta, mahigit isang oras kaming nag-ensayo. Nang matapos kami ay lumapit si Baste sa akin.
"Yesha, saan ang punta mo?" Sambit niya habang isinusukbit niya na ang bag niya.
"Dideretso na ako agad sa dorm, may aasikasuhin pa kasi ako. Bakit? May ipapagawa ka ba? May assignment ba kayo?" sunud-sunod na tanong ko at lumabas na kami sa aming studio.
"Wala naman, magpapasama ako sayo bibili ako ng mga gamit, wala pa akong binder, meron ka na ba?" Tanong niya.
"Wala pa." Sabi ko ng makarating kami sa car park ng school.
"Ibibili na rin kita." Sabay patunog niya sa itim niyang Ford Bronco SVT Raptor.
"Hindi na Baste, may nakalaan na akong pambili. Wag kana mag abala pa." Sabi ko habang pinapapasok niya ako sa front seat.
"Uh-huh." Tumango na lang siya at pinaandar ang sasakyan.
Binasag ng isang kanta ang katahimikan namin sa sasakyan, tumugtog ang my heart ng Paramore.
BINABASA MO ANG
Tainted Heart
RomanceBeing in love and falling in love are inevitable. You can't choose who the person you will fall in love with deeply, either. Ang magmahal ng taong hindi mo alam kung mamahalin ka o hindi ay hindi mapipigilan, that's a sad truth. You can choose if y...