Hinihintay namin ang prof para sa susunod kong subject. Nang makahigit trenta minutos na ay pina-dismiss na kami pero kailangan na um-attend sa Club Assesment.Kagabi ko pa pinag iisipan kung saang club ako papasok, sabi ni Serene sa akin kahapon ay sa Athletic Club daw siya sasali dahil nga Tennis Player siya. Ako saan kaya ako? Di ako makapag decide...
Gusto ko sana sa Dance Club kasi namimiss ko ng sumayaw, gusto ko rin naman sa Math Club dahil yun ang favorite subject ko... gusto ko rin sa Artisan Guild! Hay! Ano kaya!
Pumunta ako ng canteen at bumili ng juice.
"Oh Matt! Nandito ka, wala kang klase?" Nag fist bump kami at tumabi na sa kanya. Makikisabay nalang akong bumili.
"Wala pa, mamayang 11am pa, ikaw?" Aniya ng tumitingin sa mga tinda roon. Mukhang ang petiks lang ng mga college no? Gusto ko na rin maging college, buti pa si Baste, Mickey at si Matt.
"Ah tapos na, magka-club assesment na lang ako. Tapos kana ba dun? Anong pinili mong salihan?" Tanong ko sa kanya at sumimsim ako ng juice doon.
Umupo kami sa table, "Tapos na. Sa Artisan ako, ikaw ano bang balak mo? Si Darelle ata sa Scribes tapos si Mickey sa Glee." Sabi niya.
"Uhh," Hinawi ko ang buhok kong hinangin, "Di pa nga ako makapagdesisyon e." At huminga ako ng malalim.
"Ganoon ba? Bakit hindi ka nalang sa dance troupe? You're already talented, mamimili ka lang nalang." Tumawa siya, nakita kong naningkit ang mga mata niya. Seryoso? Madalang kong makitang tumatawa ang isang 'to. Nakakakilabot! Haha!
"Ewan ko, pag iisipan ko munang mabuti." Sagot ko at tumango naman siya.
"Yesh, sandwich oh." Binigay niya sa akin ang isa ng binili niya, tinanggap ko iyon. Mabuti naman at nakiramdam ang isang ito! Nawala na ang balak kong pagpapasabay.
"Thanks, Matt!" Ngumisi siya, naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko at chineck kung sinong nag text.
Baste:
Yesha, nasan ka ba?
Tinipa ko ang keypad, bakit naman kaya ako hinahanap ng isang to?
Ako:
Nasa canteen ako, kasama si Matthew.
Matapos kong sagutin ay napagkwetuhan namin ni Matthew ang gaganaping assembly bukas, at ang performance namin. Maya maya pa ay dumating si Baste kasama si Margaux. Umaalon ang wavyng buhok ni Margaux, ang ganda niya talaga! Ang puti at ang pungay ng mga mata.
"Hi Yesh!" At humalukipkip siya sa tabi ko. Kumunot ang noo ni Baste at hinila agad siya.
"Bakit mo ko hinahanap?" Nagtaas ako ng kilay.
"Kukunin kitang campaign manager ko ha! Alam kong magaling ka dun!" Sabi niya ng unti-unting napalitan ang kunot-noo niya ng ngiti. Ngiting humihingi ng tulong.Tsk.
"Ako?" tinuro ko ang sarili ko, "Bat ako, Baste? Pwede namang si Margaux nalang! Di nga ako makapag decide sa club assessment e tapos poproblemahin ko pa yan?" singhal ko.
Umiling si Margaux, "No Yesha! Magiging bias pag ako ang nag campaign kay Baste, diba? Bb. Francisian ako. Bawal ako pumanig sa magkabilang party, bawal ako mag manager." Hala! Oo nga pala! Beauty queen tong isang 'to! Ang tinutukoy niya ay ang pagka panalo niya sa pageant ng FXU.
"Ah, itong si Matt? Matt ikaw nga!" Hinawakan ko ang balikat niya at agad na hinuli ni Baste ang kamay ko.
"Let's go! Kailangan na tayo dun." Napatayo ko sa pwesto at napasunod kay Baste.
BINABASA MO ANG
Tainted Heart
RomanceBeing in love and falling in love are inevitable. You can't choose who the person you will fall in love with deeply, either. Ang magmahal ng taong hindi mo alam kung mamahalin ka o hindi ay hindi mapipigilan, that's a sad truth. You can choose if y...