"Erin" Rinig kong sigaw mula saming likuran. Lumingon ako sa kanila at may nakita akong babaeng naka-maong jeans at plain green shirt. Nakalugay ang natural na kulot na buhok ngunit nakatalikod.Di ko alam kung bakit gusto kong makita ang mukha ng babae. Gusto ko siyang lumingon pero ayaw ko rin sa di malamang dahilan.
Erin" Erin? Sino ba kasi si Erin? May tumatawag na naman kasi sa pangalan niya. Nakaupo lang ako sa may sulok ng food park o cafeteria ng school kasama ang kaibigan ko.
Naririndihan na ako sa kakatawag ng babae sa pangalang Erin. Ngunit eto nga, di ko maalis ang tingin ko sa babaeng naka green na shirt. Nakatalikod parin.
"Jian! Nakikinig ka ba?" Tawag sakin ni Benedict. Sinulyapan ko siya saglit at nakita ko siyang nakakunot-noo. Ngunit agad ko namang ibinawi ang tingin ko sa kanya at ibinalik ang atensyon ko sa babae kanina.
Ganun nalang din ang pagkadismaya ko kasi wala na sa karoroonan niya ang babae. Nilibot ko kaagad ang paningin sa food park ngunit wala na akong nakitang babaeng nakagreen na shirt.
"Sino ba kasi ang tinitignan o hinahanap mo?" May halong asar na tanong ni Josh pagdating niya. Umiling lang ako sa kanila pero pagkatingin ko sa likuran ni Josh, nandun siya! Ang babaeng nakagreen shirt.
Agad umangat ang labi ko.
"Erin!" Biglang lumakas ang tibok ng puso ko nang lumingon ang babae sa kinaroroonan ko. Ewan kung bakit ganun nalang ang reaksyon ko. Everything around me became blurry at parang siya lang ang nakikita ko.
"Kuya! Malilate ka na!" Huh?! Nagmulat ako ngunit agad pinagsisihan ang ginawa dahil sa sumilaw na liwanag sa aking paningin.
Nang nakaadjust na, ay bumangon nako. Hinilamos ko ang mga palad ko. May kamay namang nagalis ng mga nito at ang una kong nakita ay ang nagiisa kong kapatid na babae.
"Malilate ka na sabi ni Mommy! Ang tagal mo namang gisingin eh!" Tulala parin ako sa kanya. Kinakawayan naman niya ako at pinisil ang ilong ko.
"Aray naman Gina! Masakit!" Inirapan naman niya ako. Psh. Minsan talaga, parang mas matanda pa eto sakin kung umasta pero malayong malayo ang agwat niya sa edad ko.
"Bilisan mo na nga!" Pabagsak niyang isinarado ang pintuan ng kwarto ko. Humiga naman ulit ako.
Bakit ganun ang napaginipan ko? Sino siya? Kilala ko ba siya? Bakit ganito nalang ang kagustuhan kong makita siya sa personal?
"Akala ko totoo! Panaginip lang pala?" Ipinatong ko ang kanang braso sa mga mata ko at bumuntong hininga. Hindi siguro yun importante. Panaginip lang yon.
Pero may nagsasabi saking totoo siya. Totoong tao ang babaeng nakaberde na shirt and i have a feeling na makikita ko ulit siya. Ewan ko ba, sa panaginip lang ba o sa totoong buhay na.
Naligo nako at nagbihis. Isang blue shirt at jeans ang sinuot ko. Nang matapos na akong magayos, kinuha ko ang susi ng sasakyan at bumaba nako.
"Kuya, ihahatid mo pa ako sa school ah?" Tinanguan ko si Regina at umupo na para kumain. Nag-aayos si mama ng baon ni Regina nang dumating si papa sa kusina.
BINABASA MO ANG
The love that remains
Romance"Nothing's gonna stand in your way when it comes to loving a person. It's just a matter of choice, it's basically based from your decision. A choice between giving up and holding on. Well in my case, I chose him. I chose to love him. I chose not to...