Natapos na kami sa dinner and we decided to watch a tv show. Magkatabi kami ni Ephraim at si kuya naman, nagpakabusog dun sa kusina. Tsk. Matakaw talaga."I think it's past 8 already Jenna. Hindi ka ba hahanapin ni Ian niyan?" Sinisiko pa ni tita Amara si tita Jenna. I guess she probably should go then and I bet tito Ian is waiting for his lovely wife.
"I hope I'll see you again iha. I'll be busy na kasi the upcoming days."
"I'll keep in touch tita ganda." Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.
"Jenna you should probably go. Your son might be waiting for you outside already." Son? Ow...... I remember now.... He's a year older than me. And we're not that close kasi palagi niya akong binu-bully noon. And! He probably doesnt even know my name. Psh.
"Well okay. Bye for now." Inihatid siya ni tita Amara sa may gate pero hanggang main door lang ako. True enough, mukhang naghihintay nga ang anak ni tita sa labas.
"Nubanaman to, di man lang lumabas ng sasakyan para mapagbuksan si tita." Paratang ko sabay ngiwi.
Nakita kong binuksan na ni tita ang passenger's seat at may kinausap pa siya. Naaninag ko naman ang anak ni tita pero ang dilim. Kumaway pa ito kay tita Amara at umalis na nga sila.
"Janiell! Maghuhugas ka pa ng pinagkainan natin!" Umirap ako sa kawalan at bumalik sa kusina. Naabutan ko namang nililigpit ni manang Lita ang mga naiwang pagkain.
"Kuya! Assigned ako kahapon no?! Ikaw kaya ngayon." Tinuturo ko pa siya. Nameywang naman siya at itinagilid ang ulo niya. oh? Tsk! Nakalimutan na naman ba niya?
"Busog ako. Ikaw muna ngayon ah?" Nanghingi ba siya ng permiso? Parang hindi eh kasi iniwan lang ako pagkatapos sabihin yun. Arghhh! Hmph.
"Okay na Janjan. Ako na bahala dito kung may gagawin ka pa." Sabi ni manang Lita. Kung si kuya walang konsensya pwes ako meron. Hays. Hindi ko naman pwede iasa kay manang Lita ang lahat.
"Ako na Nang. Wala po akong gagawin. Magpahinga na po kayo." She still insisted na okay lang sa kanya but being a hard headed girl simula pa nong bata ako, I encouraged her to rest.
"Kamusta first day mo?" Tanong sakin ni Tita. I glanced at her at ibinalik ang atensyon sa paghuhugas.
"It was fine. Nagkita kami ni ate Axl and I made a few friends." Mukhang napukaw ang atensyon niya sa sinabing kong friends. Hays. Naku talaga tung si tita. Hula ko, yun na naman ang sasabihin niya.
"Friends? Babae o lalaki?" Napasimangot ako. Ish. Kapag babae parang wala lang kasi si tita. Iibahin ang pinaguusapan. Pero kapag lalaki, naku! All ears ata at hindi namamalikmata kapag nakikinig.
"Lalaki. Seven of them. Well I could count that jerk out so six nalang wait! Actually dalawa pala silang asungot so five." Narinig kong pumalakpak si tita. I mentally slappedy forehead. Ghad. Tatandang dalaga na siguro ako neto. Palagi kasi nakakunot noo ko.
"Tita naman eh! Friends ang sinabi ko. Iba na naman yang iniisip mo no?" I got a hint of naughtiness sa pagngiti ni tita. She obviously have something in mind. Naku!
"Ikaw talaga! Wait till Jenna hears about this. Alam mo namang sabik kaming tatlo ng mom------ I'm sorry." Ang kaninang nakita kong ngiting kay saya ay napalitan ng lungkot.
"It's okay tita. You'll get to know them any time soon okay? I'll tell them para mabuhayan yang pangarap niyo ni mommy at tita Jenna. Baka nga mahirapan pa kayong pumili eh." She just smiled and patted my head at nagpaalam na sa kwarto lang muna siya. I sighed. Pumikit ako ng ilang beses and later proceeded to washing the dishes.
BINABASA MO ANG
The love that remains
Romance"Nothing's gonna stand in your way when it comes to loving a person. It's just a matter of choice, it's basically based from your decision. A choice between giving up and holding on. Well in my case, I chose him. I chose to love him. I chose not to...