Two weeks passed......
Inihilig ni Dreana ang ulo niya sa balikat ko. Tinignan ko naman siya. Anong nakain nito? Aaah. Gusto atang humingi ng tawad sa pinlano nila ni ate Axl.
"Best. Sorry na. Eeeeh. Ang sweet niyo kasing ipares pares eh. Ang isa obvious naman. Ang isa tinatago. Ang isa ayaw aminin." Konklusyon nila yan. Grabe naman kasi, in a span of three weeks? Meron kaagad?
Ugali lang at pangalan at kurso ang alam namin tapos ganito na mag-isip tung isang to.
"Grabee naman kasi ang nasa utak niyo eh. Hindi pa nga tayo naka one month sa university, may minamatch kana sakin. At yun pa talagang hindi pa natin lubos kakilala." Inalog ko ang balikat ko. Napahawak naman siya sa ulo niya.
"Naalog utak ko best ah? Grabe ka! ang brain cells ko te!" Sasapakin ko sana siya kung di lang siya nakatakas sakin. Yan tuloy nabangga niya si Chloe.
"Sorry." Hindi siya pinansin ni Chloe at patuloy lang ito sa paglabas ng room. Napasinghap naman dahil dun si Dreana.
"Kita mo yun best? Humingi na nga ako ng sorry, di man lang pinansin beauty ko. Grabeee." Binigyan ko lang siya ng makahulugang tingin. Nagpout naman siya at umayos na sa pag-upo niya.
"Janiell! May naghahanap sayo oh!" Sigaw ni Francis sa may pintuan. Umingay naman ang mga kaklase ko. Tatayo na sana ako nang nauna pang tumakbo si Dreana papunta sa pintuan.
"Nate? Ano sadya mo? I mean sino--- Wag na. Best! Dali!" Inirapan ako ng ilang babae kong kaklase. Narinig ko pa ngang sabi ni Pia na masyado daw akong papansin. Tsk.
"Oh Nate? Bakit?" Nagkamot naman siya ng batok niya. He smiled at me at sinulyapan si Dreana na gigil na gigil ata sa susunod na gagawin ni Nate.
"D. Dun kana. Di makapagsalita tung si Nate oh. Mukha kang asong nakaabang ng pagkain eh." Sumimangot naman si Dreana. May ibinulong pa nga ito bago bumalik sa upuan niya.
"Ayan nawala na. Spit it out. Bakit ka andito?" Namulsa ito bago ako hinila palapit sa railings. Kitang kita dito ang field at parking lot.
"Gusto ko lang makausap bestfriend ko. Masama ba?" Sagot niya. Kumunot naman noo ko sa sabi niya.
"Anong bestfriend ka diyan? At tsaka malamang! May klase pa ko oh. Test pa nga kami. Ginugulo na nga ako ni Dreana kanina pa tapos ngayon ik--" he lifted his hands and brought it near to my face. Maya maya naramdaman ko naman ang daliri niyang tinutusok ang kunot noo ko.
"Hindi talaga ako magtataka kung maaga kang tutubuan ng mapuputing buhok. Ang hilig mong magkunot noo." Hinawi ko kamay niya at pinagsuntok suntok siya. Napangiwi naman siya sa sakit ng suntok ko sa balikat niya.
"Meron ka ba ngayon? Ba't ba sungit mo?" Tsk. I crossed my arms and glared at him. Napatawa naman siya at inakbayan ako tapos ginulo pa talaga buhok ko.
"Wala ah. Umalis ka na nga. Ang gulo mo eh." Humina ang boses ko. Mukhang nahiya ata ako nung sinabi niya yun. Ang totoo niyan, may mood swings talaga ako kapag malapit nakong magkaroon.
"Sige na nga. Dun ka na. Mukhang may test nga kayo bigla kasing tumahimik ang classmates mo." Tumalima ako sa sinabi niya at agad na tinakbo ang nakasaradong pintuan.
"Omg! Nate patay ka talaga pero mamaya na. Grrr." Tinawanan lang niya ako at tumalikod na. Pumasok naman ako sa loob at saktong pagbigay palang ng papers.
"Napasarap ata kwentuhan niyo ah? Nakalimutan mo tuloy may test tayo. Iba na talaga kapag si Na-- aray!" Kinurot ko siya at inirapan. Nagmake face naman ito at itinuon na ang atensyon sa pasulit.
BINABASA MO ANG
The love that remains
Romansa"Nothing's gonna stand in your way when it comes to loving a person. It's just a matter of choice, it's basically based from your decision. A choice between giving up and holding on. Well in my case, I chose him. I chose to love him. I chose not to...