Prologue

2 1 0
                                    


Kapag mahal mo ba ang isang tao, kailangan mo pang malaman kung bakit at pano? Kung hanggang kailan at hanggang saan? Kung ito ba ay tunay na galing sa puso o isa lamang ilusyon ng utak?

"Bakit hindi?! Bakit hindi mo kaya? Ang sabi mo kaya mong gawin ang lahat. Pero bakit ganito? Bakit mahirap para sayo?" Nakaluhod na ako sa paanan niya. Tumutulo ang luha at nahihirapan nang makahinga.

Naaalala ko pa kung pano niya sinabi ang mga katagang hindi ko kayang limutan. Mga salitang nagpapatibay ng paniniwala ko na hindi siya mawawala. Hindi niya ako iiwan. Dahil mahal niya ako. At mahal ko siya. Dahil sa mga pangakong binitawan niya.

"Hindi ako mawawala sayo. Trust me and my words. But trust more my actions Janiell. I will be here for you always. I may not love you enough today pero I know mamahalin din kita balang araw ng buong buo at walang pag-aalinlangan. Mamahalin kita every single day of my life and until masabi ko nang nagawa ko na lahat para sayo. Kahit eto man lang paniwalaan mo." Those words I treasured deep within my heart. I treasure him. So much more than anything else. Ang sakit lang na nawala yung pagasa na matagal ko nang kinakapitan. Ang sakit. Ang sakit sakit.

Tiningala ko siya. His expression was cold. Then he looked at me. Walang trace ng pagmamahal. Wala siyang pinapakitang emosyon sa mga mata niya. Kahit awa man lang para sakin. Wala.

"Bakit ko gagawin? Sa tingin mo kailan ko kayang gawin? Sabihin mo kung pano kita kayang mahalin?" Then...he left me without looking back. My heart was shattered into fragments but it hurts to feel it now shattering into million pieces.

I thought wala nang mas masakit pa nung iniwan ako ng mga mahal ko sa buhay. I thought nothing could surpass that storm in my life. But damn. I was too wrong! Sobrang mali. At sobrang sakit!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 29, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The love that remainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon