2: COINCIDENCES

10 0 0
                                    


"Nay, punta muna po ako ng mall. May titingnan lang po ako sa book store," paalam ko sa nanay ko isang Sabado ng tanghali. May mga bagong libro akong nais mabasa. Mas preferred ko pa din kasi ang tunay na aklat kumpara sa mga digital o audio books na usung-uso ngayon. Iba pa rin ang fulfillment habang sinisinghut‑singhot ko ang bawat pahina ng mga bagong libro. Excited din akong balutan ang mga ito ng self-adhesive plastic covers para manatiling nasa maayos na kundisyon.

Mall-wide sale pala noong araw na iyon. Hindi magkamayaw ang mga tao sa pamimili lalo na ng mga gamit ng mga anak nila sa school.

Wrong move.

Hindi na muna ako pumunta sa bookstore.

Pinili ko na lamang mag-ikut-ikot para malibang. Dumaan muna ako sa paborito kong pet shop para tingnan ang mga isda na nasa malalaking aquariums. Nakakatanggal ng pagod ang panonood sa mga ito sa kanilang paglangoy. Maya‑maya ay napadaan ako sa cinema. Nakita ko na showing na pala 'yung hinihintay kong movie.

Nakatayo ako sa harap ng poster ng "Pitch Perfect 2" para tingnan ang mga oras ng palabas nito.

"Miss, tunaw na 'yung poster!"

Paglingon ko ay nasa may likuran ko si Mark. May kasama itong isang matandang babae na nakakapit sa kaniyang kanang braso habang bitbit sa kabilang kamay ang isang designer handbag.

"Hi, Mark! Yeah, plan ko sana mag-bookstore, kaso ang daming tao dahil sa sale. Then nakita ko na showing na ang Pitch Perfect 2, so I decided na manood na lang ng sine to kill time."

"Are you with someone?" Umiling ako.

"Oh by the way, let me introduce you to my mom."

Pagkasabi nito'y humarap ako nang tuluyan sa dalawa.

Tantiya ko ay nasa late 60s na ang mommy ni Mark. Banaag sa mukha nito ang kagandahan marahil lalo na noong kabataan niya. Iniabot ko ang aking kamay sa matanda bilang tanda ng paggalang.

"Nice to meet you, Ma'am."

"Oh no, forget about the formalities, hija. You may call me Tita Carmen like everyone does," kasunod nito ay isang napaka-warm na ngiti.

Inulit ko ang aking pagbati, "Nice to meet you po, Tita Carmen."

Natanong ko na din tuloy ang mag-ina sa pakay nila sa mall. Nabanggit ni Mark na nagustuhan daw ng mama niya ang Pitch Perfect 1 kaya naisipan niyang i‑treat ito para manood ng Pitch Perfect 2.

Niyaya na ako ng mag-ina na sumabay sa kanila. Tumanggi ako sa simula dahil naisip ko na mother-son bonding nila 'yun, pero nag-insist si Tita Carmen.

"Miss, Pitch Perfect, tatlo," kasabay nito'y ang pag-aabot ni Mark ng card niya sa takilyera. Lumingon siya saglit matapos ipakita ng babae sa kanya ang available seats, "Tin, any preferred seats?"

"Ikaw na ang bahala, Mark."

Nakahawak pa rin ang mga kamay ni Tita Carmen kay Mark nang muli itong magsalita, "Magsisimula na ba, anak, 'yung movie? If not, let's go grab something to eat first."

Biglang sumigla ang mood ni Mark. "Mahigit isang oras pa, 'ma. We have lots of time. Tin, would you like to join us for a late lunch?"

Pakiramdam ko ay namula ang aking mga pisngi sa biglaang tanong na iyon ni Mark. "Ay naku, hindi na. Moment ninyo ng mom mo yan. Go ahead. Mag-iikut-ikot muna ko and then I'll just see you maya sa movie. See you later po, Tita..."

NBSB No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon