5: LOVE MOVES

4 0 0
                                    

Maaga pa lang kinabukasan ay may text na akong natanggap mula kay Mark. Nagpapaalam siya na kung maaari raw ay susunduin niya ako paglabas sa opisina. May commitment na akong lalabas kasama ang team ko for some clean fun kaya nag-decline na muna ako, subalit sinabi ko rin namang free ang schedule ko the following day.

Alas-kwatro pa lamang ng hapon ay tumawag na siyang papunta na siya sa office ko. Sinabi kong 5 pa ang out ko dahil may mga kailangan pa akong tapusing E‑mails. Halos 5:30 na rin nga ako nakababa dahil may isa pang correspondence na ipina‑rush si Ma'am Ems sa akin.

Pagbukas ng elevator ay nakita ko na agad si Mark na nakaupo sa may couch sa tabi ng reception area. Maaga pa kaya ang bagong security na si Jessie pa ang naka-duty. Kilala na rin naman ako sa mukha nito, kaya pagdaan ko ay bahagya siyang ngumiti at bumati sa akin.

Pagkakita ni Mark sa akin ay kaagad siyang tumayo habang inaayos ang kaniyang coat na bahagyang nalukot sa pagkakaupo.

"Hi, Tin! How's your day?", masiglang bati ng binata sa akin.

"Hey, Mark, I'm good. Thanks! Formal tayo, ah... sa'n ang lakad?" pabiro kong tanong sa kaniya.

Napangiti na rin siya nang tuluyan. "Ammm, I actually had a meeting with a new business partner kaya nakapang-malakasan."

Pagdating sa parking lot ay agad hinanap ng mga mata ko ang kaniyang asul na sasakyan, subalit wala ito roon. Iginiya niya ako papunta sa direksiyon ng isang maroon na kotse. Mukhang bago pa rin ito at personalized ang plaka sapagkat napansin kong MRK ang mga letra nito.

Tumunog ang alarm ng sasakyan nang kami ay papalapit na. Binuksan ni Mark ang pinto ng kotse sa side ko subalit hindi muna ako pinasakay nito. Yumuko siya pasumandali upang kuhanin ang isang bagay na nakapatong sa may upuan. Paglabas niyang muli ay iniabot sa akin ang isang bouquet ng bulaklak, puro pink Equadorian roses!

"Pink daw ang favorite color mo sabi ni Gelai. So... for you..."

Bahagya kong inamoy ang mga talulot nito at saka ako nagpasalamat sa kaniya sabay pasok na rin sa loob ng sasakyan. Umikot siya papunta sa driver's side at masiglang pinaandar ang kotse.

Magaang ang kwentuhang namagitan sa aming dalawa sa kahabaan ng aming byahe. Biniro pa ako ni Mark na kotse raw ang naisipan niyang dalhin pagsundo sa akin dahil napansin niyang nahihirapan akong mag-akyat-baba sa Ford dahil sa taas nito. Ito kasi ang sasakyan na madalas niyang dala sa tuwing naisasakay niya ako sa ilang pagtitipon dati. Natampal ko nang bahagya ang kaniyang balikat sa aking pagkakatawa.

Kinumusta rin niya ang naging takbo ng aking maghapon sa opisina, at gayundin ang itinanong ko sa kaniya.

Paghimpil sa tapat ng aming bahay ay natanaw kong sumilip si Nanay mula sa kusina. Aninag ang liwanag na nagmumula sa TV sa aming sala, kaya alam kong naroroon din si Tatay.

Batid ng dalawang matanda na kasama kong darating si Mark. Si Nanay na rin ang nagsabing doon na maghapunan ang binata para raw maka-kwentuhan din nila ito. Kinakabahan man ako ay umayon na rin ako sa kagustuhan ng aking mga magulang.

Bago pa kami nakapasok sa aming bakuran ay nakita kong sinenyasan na ni Nanay si Tatay upang lumabas kasama niya.

Relaxed na relaxed lang si Mark.

Pagpasok sa aming terrace ay kaagad itong humalik sa kamay ng mga magulang ko. "Mano po," kaagad na sabi ng aking kasama sabay abot ng isang cake box sa nanay ko.

"Kaawaan ka ng Diyos, anak," tugon naman ng aking Nanay.

Naiwan sa living room ang tatay ko kasama si Mark habang inihahanda namin ng nanay ko ang hapag-kainan. Dahil kanugnog lang naman ng aming komedor ang sala ay mabilis kong nasisipat ang dalawang lalaki.

NBSB No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon