Naulit pa nang maraming beses ang pagpasyal ni Mark sa aming tahanan, at alam ko na sa bawat pagdalaw na iyon ay natutuwa rin ang aking mga magulang sapagkat mas nakilala nila nang husto ang pagkatao ng aking bagong kaibigan.
Nang malaon ay nagyayaya na rin siyang manood kami ng sine. Medyo matagal na panahon ko ring iniwasang manood ng mga romantic movies dahil ayokong maging emosyonal sa mga eksena, pero it's a breather na mabalikan kong muli ang hilig ko na 'yun.
Mas naging consistent na rin ang communication sa pagitan naming dalawa. Araw‑araw na ang natatanggap kong "good morning" at "good night" messages sa text, bukod pa sa mga mensaheng "Kumain ka na ba?" at kung anu-ano pang messages in between. Minsan pa'y nabiro ko siyang wag masyadong mag-text at baka masanay ako na may nakaka-alala sa akin. Pabayaan ko lang daw siya dahil masaya siya sa ginagawa niya.
Well, masaya rin naman ako.
Pagkasabi ko ng aking morning prayers pagkagising isang umaga ay excited kong kinuha ang cell phone kong nasa bedside table lang naman. Walang message. Walang missed call. Saka ko naalalang wala rin akong natanggap na good night message kagabi.Parang may kung anong tumusok sa dibdib ko.
"Sinabi ko na sa iyo, Kristinella, bawal masanay..." bulong ng isip ko sa puso ko.
Shake it off, Tin.
Bumangon na ako at naghanda para sa pagpunta sa office.
Hindi masyadong busy sa office kaya napakarami kong oras para i-check ang phone ko. Maya't maya ay tinitingnan ko kung may text na ba si Mark. Lumipas ang lunch break at afternoon snacks, wala pa ring message.
Nagsimula na akong mag-alala. Mag-isip.
Kahit pa sabihing simple at paulit-ulit lang ang mga messages niya, iba pala 'yung pakiramdam ngayon na wala akong natanggap na kahit ano na galing sa kaniya.
Nami-miss ko siya.
Napansin nga rin ni Riza na matamlay ako the whole day. Sinabi ko na lang na medyo masama nga rin ang pakiramdam ko.
Palabas na ako ng opisina ng makita ko si Mark na nakaupo sa waiting lounge sa lobby. Kaagad siyang tumayo nang makita akong palabas ng elevator.
Na-holdup pala siya the night before pagkatapos ng isang business meeting niya sa Taguig. Pasakay na sana siya sa Everest nang may dalawang matipunong mga lalaki na naka-motor na humimpil sa kaniyang tabi sabay tutok ng balisong sa kaniyang tagiliran at nagdeclare ng holdup. Nakuha ang wallet niya, laptop, at cell phone.
Bigla ang aking pagkatakot at pag-aalala.
"Oh my, buti at hindi ka nila sinaktan. Did you report it to the police? May mga nakakita ba sa pangyayari? Did you tell Tita Carmen? Is she okay?"
Sunud-sunod ang mga tanong ko kay Mark. Hindi ko namalayang nakangiti na pala siya sa akin.
Saka ko lamang napansin na napakahigpit na pala nang pagkakakapit ko sa braso niya. Agad din naman akong bumitiw nang ma-realize ko 'yung ginawa ko.
"Sorry. Nag-alala lang ako."
"I'm okay, Tin. Okay din si Mommy. She's at home resting. Mabuti at hindi tumaas ang blood pressure when she found out. Walang witnesses kagabi dahil medyo secluded 'yung nakuha kong parking slot ni Blue dahil peak hours pa nang dumating ako sa restaurant. Napuntahan din ng pulis ung scene, at tatawagan na lamang daw ako if they have leads from the CCTV near the area na posibleng dinaan nung mga kawatan."

BINABASA MO ANG
NBSB No More
ChickLitAng ating bidang si Kristinella Arguelles - NBSB no more! Matapos ang unang heart break, ready na ba ang puso niya sa bagong pag-ibig? Let's see!