"PAULO Santiago, Gregorio Singh, Lorenzo Garcia, Oswald Barbosa, Timothy Romano, Dominic Lozada, Carlo Alarcon, Harry Dela Rosa, Nathaniel Song. Steven Brazula, Benjamin Jacob. Natatandaan mo pa ba sila, Victoria?"
Malinaw niyang narinig ang mga pangalang ito mula sa kung sino man kaya sinubukan niyang imulat ang kanyang mga mata. Subalit ang nakakapagtaka, pakiramdam niya ay mapupunit ang mga talukap nito sa tuwing ginagawa niya iyon.
"Ed, please tulungan mo 'ko! Hindi ako maidilat ang mga mata ko..." pagmamakaawa niya sa pagbabasakaling naririnig siya ng kanyang asawa.
Pinakiramdaman pa niya ang kanyang katawan kaya nalaman niyang nakagapos ang kanyang mga kamay at paa habang siya ay nakahiga sa isang stainless na mesa. Alam na niyang nasa loob na siya ng kanyang lihim na santuwaryo pero hindi niya maisip kung sino ang magtatangka sa kanyang buhay.
"Kahit ilang beses mo siyang tawagin, 'di ka niya maririnig pa," giit pa ng lalaking hindi niya makilala ang tinig.
"Sino ka?!" Agad siyang napaiyak dahil sa pag-aalala sa posibleng kalagayan ni Edmundo. "Bakit idinamay mo pa siya sa mga kasalanan ko?"
"Minahal mo ba talaga si Edmundo o ginamit at niloko mo lang siya gaya ng ginawa mo kay Yoseff?"
"Nasa'n si Ed? Ano'ng ginawa mo sa kanya?"
"'Wag mo na siyang alalahanin pa dahil mayamaya lang ay magkakasama na rin kayong dalawa," nang-uuyam nitong sagot saka humalakhak nang malakas.
Muli siyang napasigaw dahil sa pananakit ng kanyang tiyan at kaselanan kaya agad niyang naisip na dinukot nito roon ang kanyang mga anak.
"Ano'ng ginawa mo sa---" Hindi na niya nailabas ang kanyang panggigigil dahil mahigpit nitong pinisil ang kanyang mga pisngi.
"Gagawin ko silang koleksyon gaya ng ginawa mo sa katawan nina Yoseff."
Demonyo ka! Papatayin kita kapag nakawala ako rito!
Kahit mahirap ay pinilit niyang kagatin ang kamay nito pero malakas naman siyang sinampal nito nang magawa niya iyon.
"Kulang pa 'yan sa sakit na ipinaramdam mo sa kanilang pamilya kaya mas higit pa ang ibibigay ko sa 'yo, Victoria."
"Hindi na ako natatakot mamatay kaya gawin mo na," giit niya dahil tanggap na niyang ito na ang kabayaran para sa kanyang mga kasalanan.
"'Wag kang magmadali dahil gusto kong unti-unti kang malagutan ng hininga," sarkastiko pa nitong sagot bago niya namalayang unti-unti na itong lumalayo sa kanya.
Unti-unti nang nanghihina ang kanyang katawan pero hindi pa rin niya maramdaman ang nalalapit niyang kamatayan. Siguro nga kailangan niyang maramdaman ang paghihiganti ng taong iyon bilang kapalit ng mga buhay na kanyang inutang.MULING nagkamalay si Victoria dahil sa pananakit ng kanyang pagkababae. Tila may malaking bagay na paulit-ulit na ipinapasok doon kaya naisip niyang imulat ang kanyang mga mata, na nakakapagtakang nagawa niya.
"Nasasarapan ka ba sa ginagawa ko, Victoria?" sabi ng misteryosong lalaki, na nakakubli sa suot nitong itim na kasuotan, na may taklob pa sa ulo.
Mahihinang ungol lamang ang kanyang naisagot dahil tinahi pala nito ang kanyang mga labi kaya hindi siya makadaing man lang. Gaya ng ginawa nito sa kanyang mga mata kaya hindi niya maimulat noon.
Tama nga ang hinala niyang nasa loob sila ng kanyang lihim na santuwaryo dahil natanaw niya ang mga glass cases na nasa likuran ng misteryosong lalaki.
Hindi man niya makita ang bagay na ipinapasok nito sa kanyang pagkababae, nararamdaman naman niya ang pagkapunit ng mga laman sa kanyang kaloob-looban dahil sa mga maliliit pero matutulis na bahagi niyon.
"Sige, umungol ka pa! Mas lalo akong natutuwa sa pagpapaligaya sa 'yo..."
Tama na! Tama na, demonyo ka! Mas lalo pang bumilis paggalaw ng bagay na iyon kaya halos magkiskisan na ang kanyang mga ngipin upang indain ang naradamdaman niyang sakit.
"Malapit mo na bang marating ang sukdulan?" sarkastiko pa nitong tanong na lalong nagpaigting sa kanyang galit.
Kitang-kita pa niya ang pagsirit nang masaganang dugo mula sa kanyang pagkababae kasabay ng pakiramdam na tila aabot na iyon sa kanyang mga bituka.
Lord, kakayanin ko pa ba? Ayoko na po kaya kunin N'yo na 'ko...
Tila dininig ang kanyang dalangin dahil bigla na lamang nitong ihininto ang pagwasak sa kanyang pagkababae.
Alam niyang hindi pa natatapos doon ang kanyang paghihirap kaya unti-unti niyang iminulat ang kanyang mga mata. Tama nga siya dahil sabay na sumakit ang malalaki niyang dibdib dahil sa pagsipit sa mga utong nito. Na sinundan nang panginginig ng kanyang buong katawan dahil sa pagdaloy ng ilang boltahe ng kuryente.
Patayin mo na 'ko. Handa na 'ko...
Ilang sandali pa ay unti-unti nang namanhid ang kanyang katawan. Marami mang paghihirap ang danasin nito ay hindi na niya gaanong mararamdaman pa.
Hihintayin ka namin, Victoria... Isa-isa pa niyang naaninag ang nakangising mukha ng mga lalaking kabilang sa kanyang kakaibang koleksyon, kung saan si Yoseff ang pinakahuli.
Halika ka na, Mahal... Tila napawi naman ang kanyang paghihirap nang makita niya si Edmundo, na nakaabang ang mga bisig.
Lord, Kayo na po ang bahala sa 'kin. Sana mapatawad N'yo po ako sa aking mga kasalanan. Ito ang namutawi sa kanyang isipan bago unti-unting nilamon ng kadiliman ang kanyang buong paligid."VICTORIA, naririnig mo ba 'ko?"
Napaiyak na lamang si Edmundo nang hindi man lang kumurap ang mga mata ng kanyang asawa. Nakatulala pa rin ito sa hawak nitong mga manika, na parehong sanggol na lalaki.
"Sir, 'wag po kayong mag-alala, posible pang manumbalik ang kanyang katinuan. Kailangan lamang manatili siya sa ospital na ito nang mahabang panahon," paliwanag ng isang psychiatrist, na si Dr. Jhon Paul Latoza.
"Naiintindihan ko po, Dok," aniya saka mahigpit na hinawakan ang mga kamay ni Victoria, "Mahal, magpagaling ka rito. Hihintayin ka namin nina Yoseff at Yohann."
Kailangan niyang magpakatatag para sa kanyang asawa, lalo na sa kanilang mga anak, na kasalukuyan pa ring nasa kritikal na kondisyon dahil sa maagang panganganak ni Victoria.
"Mahal na mahal kita, Victoria." Mariin pa niyang hinalikan ang mga labi ng kanyang asawa nang mapansin niyang naghihintay na ang dalawang nurse na kukuha rito.
"Goodbye, Sir Edmundo. Ano mang mangyari ay ipaaalam namin sa inyo agad," ani Dr. Latoza nang magpaalam na siya rito.
"Thank you," matipid niyang sagot at tuluyang lumabas sa opisina nito.
Nang makalabas siya sa ospital na iyon ay isang tawag ang kanyang natanggap mula kay Dr. Quirong. Ayon dito, unti-unti nang umaayos ang kalagayan ng kanilang mga anak pero mananatili pa rin ang mga ito sa incubator. Nakahinga siya nang maluwag dahil sa ibinalita nito kaya agad siyang nagmaneho patungo sa Sta. Clara Medical Center upang makita sina Yoseff at Yohann."HINDI ko kayo idadamay sa mga kasalanan niya..." Matamang pinagmamasdan ni Edmundo ang kanilang mga anak ni Victoria nang muli niyang maalala ang mga nangyari, dalawang linggo na ang nakalilipas.
Nawalan ng malay ang kanyang asawa dahil sa pagwawala nito, pagsakal sa sarili at pananakit ng tiyan. Isinugod niya ito sa pinakamalapit na ospital dahil sa pagdurugo ng pagkababae nito. Nakiusap pa siyang ilabas na ang kanilang mga anak sa sinapupunan nito, na sinang-ayunan naman ng isang doktor, si Dr. Veran.
Makalipas ang ilang araw ay hindi na bumalik pa ang katinuan ni Victoria dahil sa pag-aakalang namatay ang kanilang mga anak. Ipinayo ni Dr. Latoza na ipasok na ito sa isang mental hospital upang maalagaan nang maayos at maibalik ang kamalayan nito.
"Pero hindi ko hahayaang manumbalik pa ang katinuan niya..." nakangisi pa niya sabi.
Hinding-hindi niya hahayaang masira ang kanyang paghihiganti sa babaeng pumatay sa kanyang ina at nakababatang kapatid kaya sisiguraduhin niyang mamamatay ito bago pa mangyari iyon.
"Yoseff, 'di man sapat ang naranasan niyang sakit, hinding-hindi niya makakalimutan ang mga iyon. Paulit-ulit iyong magbabalik sa kanyang isipan hanggang sa tuluyan na siyang mamatay," giit pa niya.
Isang linggo matapos ang kamatayan ni Yoseff, ginambala nito ang kanyang mga panaginip. Naguguluhan man siya sa mga gusto nitong ipahiwatig, unti-unti pa rin niyang inalam ang mga nangyari rito.
Napag-alaman niyang pinatay si Yoseff ng isang babaeng nagngangalang Victoria, ang babaeng nakita rin niya sa kanyang unang panaginip. Iginuhit niya ang mukha nito at masusing hinanap sa internet.
Makalipas ang mahigit anim na buwan, masuwerte niyang nahanap si Victoria dahil sa larawang inilabas ng tagahanga nito. Ayon sa lalaking iyon ito ang sikat na erotic writer na si Yv Montealegre ng Yv's Secrets website.
"Nanay Amelia, sana po matahimik na rin ang kaluluwa n'yo..."
Sa tulong pa ng isang malapit na kaibigan ng kinikilala niyang mga magulang, nalaman niyang siya si Yohann Gonzaga, ang bunga ng pang-aabuso sa noo'y labing-anim na taong gulang niyang ina na si Amelia.
Ipinamigay siya ng kanyang Lolo Juancho dahil sa kahihiyang sinapit ng kanilang pamilya. Tinangka man siyang hanapin ng kanyang ina subalit hindi na sila nagkatagpo pang muli.
Isang malaking plano ang unti-unti niyang isinagawa upang maipaghiganti ang kanyang ina at kapatid. Nang makilala niya si Victoria, isang orasyon ang ibinulong niya upang agad na mahulog ang loob nito sa kanya. Natutunan niya iyon mula sa isang malapit na kaibigan na may kakaibang kakayahan.
Nang araw na alukin niya ng kasal si Victoria, natuklasan niya rin ang daan patungo sa sikreto nitong santuwaryo. Nanlumo siya nang makita niya roon ang katawan ni Yoseff na nasa loob ng isang glass case kaya mas lalo pang umigting ang kanyang galit kay Victoria.
Nang magkasama na sila bilang mag-asawa, ipinagpatuloy pa rin niya ang panggagambala rito hanggang sa mawala ito sa katinuan. Kabilang na roon ang pagbibigay ng pangalang Yoseff at Yohann sa kanilang magiging anak.
"'Wag kang mag-alala, Victoria, wala nang makakaalam pa sa mga sikreto mo."
Inilihim na lamang niya iyon dahil siguradong mapaghihinalaan siyang may kinalaman sa pagkabaliw ni Victoria sa oras na maungkat ang kakaibang hilig nito.
Isa pa, nang mailabas na nito ang kanilang mga anak, muli siyang bumalik sa kanilang mansyon. Isa-isa niyang sinunog ang mga katawang nasa loob ng glass cases, maliban kay Yoseff na inilibing niya sa malawak na hardin ng mansyon. Ang ilang mga importanteng bagay na naroon na maaari pa niyang magamit ay muli niyang itinago.
Ngayong unti-unting nang naisakatuparan ang kanyang mga plano, matatahimik na ang kanilang mga buhay. Mapapalaki niya ang kanilang mga anak na hindi nalalaman ang mga nangyari. Higit sa lahat, muli niyang babalikan ang kanyang kasintahang si Mary Ann, na nakaligtas sa panglalason ni Victoria.Wakas.
©Mysterious Eyes | Xerun Salmirro
©Honorio 'Oreo' Santos | 13th_silvernitrate
BINABASA MO ANG
Koleksiyon Series 1: Victoria Avila
Ficción General"Ikaw ay aking obra, Yoseff. Hindi-hindi ko hahayaang maangkin ka ng iba..." Koleksiyon Series 1: Victoria Avila (Necrophiliac) ©Mysterious Eyes | Xerun Salmirro (Credit to the owner of the original photo.)