Chapter 3 - He's Rude

187K 3.2K 169
                                    




Chapter 3 - He's Rude

"There's a bathroom located near the dining area. May laundry room din kasunod doon. You can use the dryer to dry your clothes. There are also some spare clothes found there, you can use it."

Kaagad naman itong nilingon ni Mariz sa likod niya. Tinignan naman niya ito ng masama. "Hindi porque pumayag ako na magstay ako rito sa lugar mo, may utang na loob na ako sayo. Wala lang akong choice." Aniya saka inirapan ito. Naiinis na talaga kasi siya. Kung hindi kasi dahil sa buwisit na ulan, nalunok tuloy niya ang pride niya.

She heard him chuckling. Kung kanina lang ay naging seryoso ito tapos ngayon, bigla na lang mag-iiba ng mood. Abnormal talaga ang lalakeng 'to.

"Ganyan na ba talaga kahirap magpasalamat sa 'kin, Ms. Ochua?" He said in amusement as she turned her head at him. Nasa likod pa nito ang aso nitong si Dambo. Oo, Dambo ang tawag niya dahil mas malaki pa ito sa baboy.

"Che! Kailanman hindi ako magpapasalamat sayo. Ikaw naman ang may kasalanan kung bakit ako nastranded dito. Diyan ka na! Magsho-shower na ako!" Tumalikod na siya at mabilis na tinungo ang sinasabi nitong bathroom. Rinig na rinig naman niya ang pagtawa nito.

"Weird girl." Narinig pa niyang sabi nito.

Kapal talaga.

Muli naman niya itong nilingon. She immediately stuck her tongue out at him. "Abnormal ka naman!" She then went back to her feet and quickly went to the bathroom.

Most despicable person:
Top 1: Ezekiel delos Reyes

●●●

Huminga naman ng malalim si Mariz nang malapit na siya sa living room ng bahay ng lalake. Katatapos lang kasi niyang magshower at magbihis dahil talagang nabasa kasi siya ng ulan.

Pumunta rin kaagad siya sa sinasabi nitong laundry room at nilagay sa dryer ang basa niyang office uniform. Aaminin nga niya na mas malaki pa ang banyo at ang laundry room nito sa bahay nila. Tapos ang bathroom nito, may malaki pang jacuzzi. Eh 'di siya na mayaman. Sa bahay nila, sapat na sa kanya ang tabo at balde lang.

Napatingin naman si Mariz sa suot niya. She was now wearing a huge plain white shirt at pajamas. Buti na lang e may garter ang pajama na suot niya dahil talagang pulos malalaki naman ang mga damit nito doon.

Natatanaw naman niya ngayon ang boss niyang nakaupo sa sofa habang katabi ang aso nito. He was patting his dog's head gently as his eyes were focused on the TV. Talagang malakas pa rin kasi ang buhos ng ulan sa mga oras na iyon.

Napapansin niya, Ezekiel delos Reyes is the only one living in this huge house. Kahit doon kasi sa laundry room nito, wala siyang napansing ibang damit maliban sa mga damit nitong pambahay.

Nilingon naman siya nito. He then smiled at her slyly. "Why not join me here, Ms. Ochua?" He said, tapping the empty seat next to him. Inaasar na naman siya nito. Gusto talaga niyang burahin ang ngiting binibigay nito sa kanya ngayon.

"Natatakot ka ba sa 'kin, Ms. Ochua?" He smirked.

"H-hindi no! Bakit naman ako matatakot sayo?"Shet. Bakit ba siya nauutal? Leche.

"Then sit beside me."

She rolled her eyes as she make way in going to his place. Tumabi naman kaagad siya rito.

Napansin naman niyang ang aso na katabi rin nito. Nakatingin ito sa kanya ng masama at parang lalapain na naman siya, "H-hoy Dambo, hindi na ako natutuwa sa'yo." Ano bang ginawa niya kung bakit ganito na lang kalaki ang galit ng aso nitong abnormal sa kanya?

Working for the CEO (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon