Chapter 4 - He's Weird

176K 3K 158
                                    




Chapter 4 - He's Weird


"Mano po, 'Nay, Tatang," ani ni Mariz nang dumating na siya sa bahay nila. Alam niyang pasado alas-otso ng gabi na kasi siya dumating dahil sa dami ng ginawa niya sa opisina.

"Anak, buti nakauwi ka ng maayos, kamusta?" Tanong sa kanya ng Nanay Lydia niya matapos niyang magmano sa dalawa. Nanunuod lang ng palabas sa TV ang dalawa sa sala nila.

"Okay lang, 'Nay. Medyo nakakapagod nga lang. Marami kasing pinagawa yung bagong boss namin." Aniya at saka umupo sa sofa katabi ng mga ito. "Sina Sydney po ba?"

"Ayun, nasa kwarto niya, yung dalawa mo namang kapatid na lalake, nasa basketball court ng barangay, nanunuod ng laro, uuwi na rin iyon maya-maya. Tapos si Esme, nandun sa part-time job niya." Sagot naman nito sa kanya.

"Anak, diba yan ang bago mong boss?" Bigla namang nagsalita ang Tatay Leandro niya sabay turo nito sa TV, "Siya na pala ang bagong may-ari ng Fortalejo Shipping Lines." Anito habang pinapanuod nila sa TV ngayon si Ezekiel delos Reyes na nakangiting nakipagkamayan pa sa mga iba't ibang businessman.

Magmula 'nung insidente sa conference room, nang pinapagiba nito ang rest house ni Mrs. Esguerra para magtayo ng isang hotel, hindi na niya nakita pang muli ang lalake. Dalawang araw din ang lumipas nang mangyari iyon.

Ezekiel delos Reyes was not seen anymore in Star for that two days. Nagbigay lang ito ng mga notes sa kanya kung anong dapat niyang gawin sa dalawang araw na iyon. Wala rin siyang alam na dahilan kung bakit hindi ito nagpupunta na doon.

Kaya siguro hindi muna siya nagpakita para maclose ang deal sa shipping lines?

Hindi niya talaga magets kung bakit ganun na lang kagahaman sa pera at kapangyarihan ang lalake.

"Nay, 'Tay, matanong ko lang, ganyan ba talaga lagi, kapag mayaman ka, mag-iiba ang ugali mo?" She asked as her eyes were still on the TV.

"You don't let emotions overcome you. You use your mind."

"Ha? Ano bang ibig sabihin mo, anak?"

"Yung dahil mayaman ka, magiging arogante ka na, mayabang o yung wala kang pakialam kahit nakakasakit ka na ng damdamin ng tao basta makuha mo lang ang gusto mo." She added as she sighed.

Ganun ba talaga kapag mayaman ka? Magiging masama rin ang ugali mo?

Pero mabait naman si Sir Kurt kahit mayaman ito. Hindi rin ito mapangmata sa mga tao.

"Minsan," sagot naman ng nanay niya kaya naman napatingin siya rito.

"M-minsan?"

"May mga ibang tao kasi na kahit mayaman, malungkot sa totoong buhay. Yung akala ng ibang tao na masaya sila kasi nasa kanila ang lahat, pero ang totoo, maskara lang pala iyon. Sa bahay, ang mga magulang puro trabaho pa rin kaya ang mga anak, napabayaan. Kaya minsan,nag-iiba ang ugali. Nasa kanila nga ang lahat pero nag-iisa naman kapag wala na ang mga kayamanan nila. Walang silang mapupuntahan."

Napaisip naman si Mariz sa isinagot ng Nanay niya. Naalala naman niya nang minsang nakapasok siya at nagstay sa bahay ng boss niya.

Mag-isa lang ito doon at tanging aso lang nito ang kasama. Patay na rin ang Papa nito at wala naman siyang alam kung nasaan din ang Mama nito. Her boss didn't even want to talk about his personal life.

May kaibigan din kaya ang abnormal na 'yun?

Hindi rin naman niya ito nababalitaan na nagkaclub, hindi gaya ng Sir Kurt niya dati. Kaya malamang wala rin itong social life. Wala rin naman nagpupunta doon na kaibigan ni Ezekiel na hindi gaya rin ng boss niya dati na magkaibigan ang asawa ng kaibigan niyang si Monique na si Nick Torres. Her previous boss and her friend's husband were friends.

Working for the CEO (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon