Chapter 5 - He's Despicable"Bruha, kinakabahan ako." Sabi ni Mariz sa pinsan niyang si Esme nang kasama niya ngayon ito sa kwarto niya. Kasama rin nila ang nobyo nitong si Axel pati na rin si Paula na siyang nagmemake-up sa kanya.
Nasa bahay pa kasi siya at naghahanda para sa party na dadaluin niya mamaya -- ang Foundationg Day Party ng EDR Telecommunications.
Magmula nung ibinigay sa kanya ng abnormal niyang boss ang invitation ay talagang nagsimula na siyang kabahan. Bakit naman kasi bibigyan siya nito ng invitation ng isang party? Sa dami ba naman ng atraso niya rito--lalo na 'yung nalasing siya at nang nasampal niya ito bigla.
"Bakit naman? Baka gusto ka lang gawing date 'nung tao?" Esme replied back habang inaayos nito ang suot niyang dress. Isang black tube dress kasi ang suot niya ngayon na ipapares niya sa isang puting blazer. Kasama rin ang black heels na susuotin din niya mamaya. Lahat pa naman ng suot niya ngayon ay nirenta niya sa isang fashion boutique shop. Napagastos pa tuloy siya.
"Date? Kaloka! Hindi mangyayari 'yun!" Marinig palang niya na kasama niya ang lalake sa party ay nandidiri na siya, "Saka kung maghahanap man ng date iyon, 'dun yun sa mga supermodels, hindi sa tulad kong isang hamak na assistant lang." Aniya habang tinignan ang sarili sa salamin.
"Lokaret 'to," kumento naman ni Paula sa kanya habang pinapakulot ang ibabang bahagi ng buhok niya. "Exotic ang beauty natin mga 'teh. We are beautiful in our way." OA na react ng baklitang kaibigan niya.
Natawa naman si Mariz sa sinabi nito. "Shunga! Parang sinasabi mo lang din na chaka tayo. Kaloka ka."
"Pero mga beh," she pouted. "May nararamdaman talaga akong hidden agenda e. Nasampal ko kasi siya di ba noong nalasing ako? Baka gusto niyang makaganti." Kaya nga siguro beastmode ito buong linggo dahil sa nagawa niya. Ang gaga mo kasi, Mariz!
Nakwento rin kasi niya sa mga ito 'nung minsan naglasing siya dahil sa pagluluksa niya sa sawing pag-ibig niya kay Sir Kurt. Si Sir Abnormal ang naghatid sa kanya papauwi at dahil sa kalasingan, kung anu-ano na lang mga sinabi niya.
"Gaga ka rin kasi! Ba't mo kasi sinampal? Ikaw na nga hinatid, nag-iinarte ka pa!" Paula then rolled her eyes at her.
"Kasalanan ko ba na nagluluksa ako kay Sir Kurt." Nasaktan lang siya sa sawi niyang pag-ibig kaya nagluluksa siya ng todo.
"Pinapatay mo naman agad si Kuya Kurt, Mariz." Sabat naman ni Axel na kanina pa silang tatlo inoobserbahan. Ito kasi ang maghahatid sa kanya papunta sa hotel. Siyempre kasama ang girlfriend nitong pinsan niya.
Mabuti pa ang bruha, nakabingwit din ng mayaman.
Mayaman din kasi si Axel Santillan dahil kapatid ito ng nobya ng dati niyang boss. They own the Santillan Luxury Group.
At dahil na rin kay Esme, naging kaibigan niya na rin ito.
"Hayaan niyo na akong magdrama. Mabuti nga kayo may malalandi kayo, e ako waley!" Reklamo niya.
"Pero EDR Telecommunications ang celebrant ng party di ba?" Axel then asked. Mariz nodded.
"Mag-ingat ka sa kanya, Mariz." Tila seryosong sabi sa kanya ni Axel.
"Huh? Bakit naman?"
"Siya lang naman kasi ang dahilan kung bakit nag-away ulit dati si Ate Alice at si Kuya Kurt," Sabi naman ni Esme sa kanya. "Business partner kasi ni Kuya Kurt yung Delos Reyes tapos gusto 'nung Delos Reyes na makuha rin ang SLG kaya ginamit niya si Kuya Kurt para mabigay ni Ate Alice ang hotel chains ng Santillan Luxury Group sa kanya. Kaya buong akala ni Ate Alice ay niloko na naman siya ni Kuya Kurt."
BINABASA MO ANG
Working for the CEO (Finished)
ChickLitBubbly and fierce, Mariz Ochua, is not a typical secretary. She worked hard and was getting ahead when all of a sudden, the CEO for whom she was a secretary, resigns. Now, forced to work under the mysterious Ezekiel delos Reyes, her life is turned u...