S.A.G ACADEMY 2

208 2 0
                                    


Nagtataka parin ako sa inasal nong mayabang na si Tristan at ang manyak na si Trent.So kung mag kambal sila,bakit hindi sila magkasundo?

"Hi!" ngiting-ngiti si Trent na kumakaway saakin.Pilit naman akong ngumiti.Maya-maya,dumating ang Teacher namin.

"Good Morning Class,may bago daw kayong kaklase?" napatingin naman silang lahat saakin kaya napilitan akong tumayo.

"So ikaw pala iyon?Class,siya si Krisha Gonzales.Be nice to her,okay?" inirapan ako ng iba kaya nag-iwas ako ng tingin.

"TSSSKKKK!" react ni Tristan kaya napasimangot ako.Ano bang problema niya saakin.Umupo nalang ako at nanahimik.

"Miss Gonzales ako si Sir Flores,Love Teacher niyo" pagpapakilala niya kaya napataas ang kilay ko.Ha?Love Teacher?MAY GANON?!May Subject na Love?Kahit takang-taka ako pinili ko nalang na makinig.

"Ano ang Love para sainyo?" tanong ni Sir Flores.Halos lahat nag taas ng kamay except saakin,kay Trent,Tristan at sa tatlong lalaking kasama niya.

Nag palinga-linga si Sir hanggang sa mapatingin siya saakin.

"Miss Gonzales?"

"S-sir?" ngumiti siya saakin at nag tanong.

"Ano ang Love para saiyo?" nag-isip ako pero walang pumapasok sa utak ko.Hindi pa naman kasi ako na-iinlove!

"S-sir hindi ko po alam" nagtawanan sila at parang pinamumukha nilang ang tanga ko.Edi kayo na!Psshhh.

"What do you mean na hindi mo alam?"

"Hindi pa po kasi ako na-iinlove" sagot ko.Aba dapat proud ako kasi NBSB ako.Mas priority ko kasi ang pag-aaral para naman may maipagmalaki ako kay Mommy.

"Really?Hindi ka pa na-iinlove?Wow!" tumango naman ako kaya nginitian niya lang ako.

"No boyfriend since birth ka?" tanong ni Trent.

"Yes" tumingin ako kay Sir Flores na nag sasalita sa harapan.

"Sa pagmamahal,walang sinusukat iyan.Ano ngayon kung mas matanda siya saiyo?Kung mahirap lang siya?Kung hindi siya matalino?Basta't mahal mo siya iyon ang importante.Kakaiba na kasi ngayon eh.Hindi ko nilalahat pero ito kasi ang napansin ko.Kadalasan sa mga kababaihan pag gwapo,sinasagot agad.Basta mayaman,nagpapaligaw agad.Basta maporma,okay na agad.Basta sweet,naiinlove na agad.Listen girls,hindi LOVE ang tawag jan.And kung talagang nagmamahal kayo ng totoo,wala kayong pakealam kahit na mahirap,pangit,hindi sweet ang lalaki kasi nga mahal niyo at iyon ang TOTOONG NAGMAMAHAL.Hirap kasi sa mga babae makakita lang ng gwapo,bumibigay agad.And syempre,pag hindi pa kayo ready na pumasok sa isang relasyon 'wag niyo ng paasahin iyong tao.Sabihin niyo na agad na wala silang pag-asa para hindi na sila umasa"

"And for boys,lalaki ako kaya alam ko ang tipo nating mga lalaki.Karamihan saatin mas gusto natin iyong maputi,sexy,malaki ang boobs at syempre maganda.Ang hirap kasi saatin nililigawan natin agad.Tayo kadalasan ang sumisira ng relasyon dahil ano?Natutukso tayo sa ibang babae.Pero ang tunay na lalaki mas gusto iyong mga babaeng karespe-respeto,may patutunguhan ang buhay,simple,masipag at higit sa lahat makadiyos.Oo kaming mga lalaki mahilig kami sa magaganda pero mas gusto parin naman ang mga babaeng may magandang ugali" mukhang feel na feel ni Sir ang pagtuturo.Ang ganda naman pala ng topic namin eh.Ano nga ba kasing alam ko sa Love na iyan?Hindi naman ako nagmamadali eh kasi alam kong kusa iyang darating.So what kung single ako hanggang ngayon?Wala namang masama eh.

"So iyon lang Class,bukas ulit.Good Bye!" nagpaalam na si Sir kaya tumayo na ang iba at umalis na rin.Grabe 2 hours pala ang Love Subject namin pero hindi ko manlang namalayan.Nadala kasi ako sa mga sinasabi ni Sir.Break time na pala namin ngayon.Saan kaya ako pupunta.Gusto kong mag libot pero baka makakita nanaman ako ng mga estudyanteng gumagawa ng kababalaghan pero sabagay,masasanay rin siguro ako.

SLUT AND GANGSTER ACADEMY (FINAL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon