Huminto kami sa may lumang room.Mabilis na pumasok si Tristan habang hawak niya parin ako.Napatingin naman ako sa mga tao doon at ohhh sila iyong anim na lalaking gwapo pero manyak na nakatingin saakin habang naglalakad ako kanina.Naka Black Leather Jacket silang lahat.Napatingin ako sa kabilang side at ito iyong nakita ko kanina sa room pero teka anim na rin sila.Pakiramdam ko nanonood ako ng Action Movie.Sobrang bigat ng paligid at pakiramdam ko any minute ay magpapatayan sila.Teka nga bakit ba ako nandito?"What the fuck do you want?" diretsong tanong ni Tristan.Walang halong emosyon.Napatingin ako sa mga lalaki sa harap namin at imbis na kay Tristan sila tumingin ay saakin sila nakatingin!Kinilabutan ako sa way ng pagtitig nila.Para nila akong hinuhubaran!Ang manyak.
"Simple lang naman ang gusto ko.Gusto ko iyang babaeng nasa tabi mo" nakangising sagot nong lalaking nasa gitna na pakiramdam ko ay lider nila.Humigpit ang pagkakahawak saakin ni Tristan.
"F*ck you Kevin!Huwag na huwag mo siyang gagalawin!" nanggagalaiti niyang sabi pero ngumisi lang si Kevin.Ako naman ay yumuko at medjo sumiksik kay Tristan kasi natatakot ako.So ito na ba ang sign para pumayag ako na maging fake girlfriend niya?Kasi pakiramdam ko may mangyayaring masama saakin any time.
"Chill Tristan,tinatanong mo kung ano ang gusto ko diba?Iyang babaeng iyan ang gusto ko!Masarap siguro iyan!" nakaramdam ako ng kaba.Oh my gee bakit ganyan siya mag salita?Wala siyang respeto ah!
"Don't you dare!SHE'S MY GIRLFRIEND!" sigaw ni Tristan at biglang sinapak si Kevin dahilan para matumba siya.Nakangisi naman si Kevin habang nakatingin kay Tristan.Parang hindi siya nasapak ah!
"Girlfriend?Nag papatawa ka ba?Bago lang iyan dito ah.At diba patay na patay ka kay Lea?Pinagpalit mo siya agad?Really Tristan Girlfriend mo iyan?Kaaagaw ko palang kay Lea last month ah.Kung si Lea nga madali kong naagaw saiyo ng ganon kadali iyan pa kayang babaeng iyan!"
"Fvck you!" pinagsasapak ni Tristan si Kevin na napag alaman kong Leader ng Black Sean Gang.Hindi siya makalaban dahil sa lakas ng suntok ni Tristan.Halos takpan ko ang mga mata ko dahil natatakot ako.Lumingon ako sa mga kasama ni Tristan at tahimik lang silang nanonood pati ang mga kasamahan ni Kevin.
"Awatin niyo!" sigaw ko kasi halos mag patayan na sila.Umiling-iling sila na parang sinasabi na 'wag akong mangealam.Ano?Hindi ko na kayang tignan ito.Dali-dali akong pumagitna para sana awatin sila pero laking gulat ko ng masuntok ako ni Kevin dahilan para bumagsak ako sa lupa.
"KRISHA!"
---
"Damn it!Fvck!Bugbugin niyo hanggang sa mabura ang mukha nila!"
"Shit!Talagang inuubos nila pasensya ko ha!"
"Damn!Fvck!"
Nagising ako dahil sa ingay ng lalaking nasa tabi ko.Shocks ang sakit ng panga ko.Pakiramdam ko namamaga ito.
"Shit!"
"Huwag ka ngang magmura!" inis kong sabi dahilan para mapatingin siya saakin.
"SHUT UP!UMUWI KA NA!" sigaw ni Tristan at padabog na umalis.What the?So ganon-ganon nalang?Hindi niya manlang ako ihahatid?Akala ko ba ganon ang boyfriend.Fine,pumapayag na akong maging fake girlfriend niya.Why not?Nasa panganib ang buhay ko eh!
Sinubukan kong tumayo at sa awa ng Diyos medjo hindi na ako nahihilo.Andito pala ako sa clinic pero bakit walang Nurse?Dahan-dahan akong lumabas ng School at madilim na pala.Hayyy.
Kahit hirap na hirap ako ay umuwi na ako ng bahay.Pagkarating ko ng bahay nagbihis agad ako.Pumunta ako sa kwarto nila Mommy kasi gusto ko siyang kausapin.At dahil nakabukas ang pintuan ng kwarto ni Mommy,kitang-kita ko kung paano niya yakapin ang dalawang Step Sisters ko.Napangiti nalang ako ng mapait ng makita ko ang hawak-hawak nila Jen at Riza,and Step Sisters ko.Puro bag,damit at bagong sapatos.Nag iwas ako ng tingin.By the way,dito ako nakatira kay Mommy.Iyong Daddy ko?May sarili na rin pamilya.Parang saling pusa nga lang ako at aksidenteng nabuo kasi ni minsan hindi ko naramdaman ang pagmamahal saakin ng Parents ko.Ang sakit lang isipin iyon.
"Thank You Mommy" sabay na sagot ni Jen at Riza.Hinalikan naman sila ni Mommy bago sila lumabas ng kwarto.Nakakainggit sila pero hindi ko kayang magalit kasi mababait sila saakin.13 years old na sila pareho.
"Mommy" mahina kong sabi kaya napatingin siya saakin.Kung kanina masaya siya ngayon ay nawalan ng emosyon ang mukha niya.Oo nga pala ayaw na ayaw niya akong nakikita.
"Why are you here?" malamig niyang sabi.Napabuntong hininga ako at malungkot na tumingin sakanya.
"Gusto ko lang po tanungin iyong about sa School ko.B-bakit po doon niyo ako pinasok?"
"Kasi bagay ka doon.Kung ayaw mong mag aral edi 'wag!At ilang beses ko bang sabihin saiyo na Madam Perez ang itawag mo saakin at hindi Mommy?!Ilang beses ko bang sasabihin saiyo na hindi kita anak dahil aksidente lang ang nangyare saamin ng tatay mo kaya ka namin nabuo!Lumayas ka na nga!"
"S-sige po" dahan-dahan akong umalis sa kwarto nila ng asawa niya.Pinipigilan kong hindi lumuha sa harap niya.Bagay ako sa School na iyon?Ang sakit lang isipin na mismong nanay mo ang nag sabi na bagay ka sa eskwelahang iyon.So malandi pala ako sa tingin ni Mommy.At oo,ayaw niyang tinatawag ko siyang Mommy.Gusto niya Madam Perez,apelido ng asawa niya ngayon.Nasasaktan ako pero hindi ko pinapahalata.Ang sakit lang.Hindi ko alam kung saan ako lulugar sa bahay na to.Pakiramdam ko walang nagmamahal saakin.Si Daddy?Wala din naman pakealam iyon saakin eh.Oo buwan-buwan niya ako pinapadalhan ng pera pero hindi ko kailangan iyon.Siya ang kailangan ko at ang pagmamahal nila ni Mommy saakin.Ang sakit lang na lagi nalang pinapamukha saakin na aksidenente lang kaya nandito ako sa mundo.
Hindi ko na napigilang mapaluha pagkarating ko sa kwarto ko.Kung akala ng iba sobrang swerte ko sa buhay ko nagkakamali sila.Sobrang sakit ng pinagdadaanan ko sa buhay kung alam lang nila.Akala ko ba walang magulang ang natitiis ang anak pero bakit ako natitiis ako nila Mommy at Daddy?Pakiramdam ko wala akong kwentang tao.Napaiyak nalang ako hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
BINABASA MO ANG
SLUT AND GANGSTER ACADEMY (FINAL)
Teen FictionIto na po talaga iyong kumpletong story ng SLUT AND GANGSTER ACADEMY.Final Account ko na po ito PROMISE :) ReiLynTad