MY HEART'S GUARDIAN - CHAPTER 3

1K 13 10
  • Dedicated kay Kazel Marie Kimpo
                                    

Chapter Three

"Ano na naman ba ang isinumbong mo kay Mommy ha?"

Nangagalaiti sa galit si Devin na sinugod si Samuelle na tahimik nagbabasa ng libro. Sa tindi ng galit nito ay kinuha nito ang librong hawak ng dalaga at binalibag.

"What are you talking about Kuya?"

"Huwag ka ng mag maang-maangan pa. What did you tell Mom?" pulang-pula na sa galit si Devin.

Nag-umpisa ng tumulo ang mga luha ni Samuelle dahil sa takot na rin sa kinakapatid. Hindi niya maintindihan kung ano ang ibinibintang nito sa kanya.

"Kuya, hindi talaga kita maintindihan. Ano ba kasi ang problema?"

"Ikaw ang nagsumbong kay Mommy tungkol sa paninigarilyo ko di ba? Ikaw di ba? Kahit kailan talaga asungot ka sa buhay ko!"

"No Kuya! I never said anything to Ninang Girlie."

"Spare me with your lies Samuelle. Sino pa ba ang magsusumbong eh ikaw lang ang nakakita sa akin!"

"Pero hindi nga ako ang nagsumbong sabi eh! Hindi ako nagsabi kay Ninang. But I told my Mom but I told her na huwag sabihin kay Ninang!"

Nasabunutan ni Devin ang sariling buhok. Bata pa nga talaga itong kausap niya. Natural na pagbinanggit ni Samuelle sa ina ang nakita nito ay tiyak sasabihin din ng kanyang pangalawang ina ang nalalaman sa Mommy niya.

"What were you thinking? Bakit mo sinabi kay Ninang Rachel? Right!!! As if hindi sasabihin ni Ninang kay Mommy! Gusto kitang sakalin kung pwede nga lang!" nangigigil na sambit ni Devin at halata ang pagpipigil nito sa sariling gawin ang sinabi kanina.

"I'm sorry Kuya Devin. Natatakot lang kasi ako sa ginawa mo. Di ba bad ang smoking..." hindi na natuloy ni Samuelle ang sasabihin dahil biglang umalis si Devin kaya humabol siya dito at sige pa rin sa paghingi ng paumanhin.

"Kuya, sorry na po. I won't do it again. Kuya please."

Pero sige pa rin sa paglayo si Devin kahit na kumakapit na si Samuelle dito.

"Kuya!!!!!"

Iwinaksi ni Devin ang braso para bitawan ito ni Samuelle at dahil dun ay nabalibag si Samuelle at napa-upo sa damuhan.

Tiningnan nito si Samuelle pero dahil sa sobrang galit ay hindi nito nagawang tulungang tumayo ang kinakapatid. Pero hindi nawawalan ng pag-asa si Samuelle dahil muli itong tumayo at kumapit kay Devin at sige pa rin sa paghiningi ng paumanhin sa nagawa.

"Kuya, sorry na po talaga. I'll talk to Ninang Girlie. Please Kuya, don't be mad at me."

"Alam mo ikaw, para kang aninong sunod ng sunod sa akin and most of the time lagi akong napapahamak ng dahil sayo. Daig mo pa ang aso dahil hindi ka lang mahilig bumuntot, mahilig ka pang kumahol! I want you out of my life completely!"

"Kuya, please sorry na po talaga. I promise na hindi na ako susunod sayo. Please Kuya don't be mad at me."

Nakayakap na si Samuelle sa nagwawalang si Devin. Hinawakan ni Devin sa magkabilang braso si Samuelle at iniharap.

"Utang na loob, tigilan mo na ako. Can't you get it in your thick head, I don't want you in my life!" at marahas siyang binitiwan nito at basta na lang iniwanan.

Naubos ang lahat ng pagtitimpi at nagsawa na si Samuelle sa pagmamakaawa at paghingi ng paumanhin kay Devin kay sumigaw ito at may sinabi na nagpalingon muli sa galit na galit na binata.

My Heart's Guardian (SAMVON FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon