MY HEART'S GUARDIAN - CHAPTER 13

978 14 6
                                    

Chapter Thirteen:

"What was that all about?" taas kilay na tanong ng bading na designer sa kanya.

"Nothing. Masagwa ba?" kinakabahang tanong niya.

"Masagwa? Ofcourse not! You nailed it dharlin! I love it! Ang landi mo!" Bungisngis na sambit ni Elmer sa kanya.

Kinindatan lang niya ito at pumunta na sa isang dressing room para magbihis at makiparty sa mga kasamahan.

Habang nag-aayos siya ng make-up ay nilapitan siya ni Arianne.

"Hey, what was that all about?"

"Nothing."

"Nothing? Hmmmnnnn Nothing or Devin?"

Hindi siya umimik. Alam kasi ni Arianne ang tungkol sa kanila ni Devin dahil wala siyang ibang sumbungan kundi ito. Ito rin ang nagsuggest sa kanyang umalis sa bahay ni Devin.

"I saw him at nakita mo ba ang reaction ng mokong na iyon? Siya pa ang galit! Geeez!!!"

"Hey, calm down! Ano ba ang napag-usapan natin? Settle it with him once for all para makamove on ka. Find the right time to ask him what the kiss is all about and his reaction."

Huminga ng malalim si Samuelle at pilit kinakalma ang sarili.

"Tara na and let's paint the town red. Hinihintay na ako ni Kiko." Sabi nito habang kinikindat-kindatan pa siya.

Nakangiting napailing na lang si Samuelle sa reaction ng kaibigan. Lagi nitong katext kasi si Kiko at ilang beses na ding lumabas ang dalawa pero misteryoso pa rin sa kanya ang score ng dalawa dahil sabi ng kaibigan niya eh no commitment daw silang dalawa. Magkaibigan nga talaga sila dahil parehong malabo ang mga relasyon nila. At meron nga ba silang mga ka-relasyon?

Naunang lumabas si Arianne dahil hindi pa siya tapos sa pagliligpit ng gamit. Dahil natatakot siya na baka may mawala sa mga gamit ay binitbit niya iyon at dadalhin sa sasakyan ni Elmer para dun na iwan.

Paglabas niya ng dressing room ay nakita niyang ang daming tao sa dancefloor at nandun na ang kaibigan sa mga bisig ni Kiko. Napangiti na lang siya kasi alam niyang gusto naman ng dalawa ang isa't-isa pero it will just be a matter of time para magkaaminan at magkaliwanagan ang dalawa.

Dahil siksikan ay hindi na masyadong nakikita ni Samuelle ang mga nakakasalubong. Nagsisi siya kung bakit hindi pa siya dumaan sa backdoor pero mapapalayo kasi siya sa kung saan naka park ang sasakyan ni Elmer.

Biglang napaatras si Samuelle dahil sa pagharang ng isang bulto sa kanyang harap at nanlaki ang mata niya nung makitang si Devin iyon. It was the most awkward moment dahil pareho silang natigilan at nagkatinginan. Palabas si Samuelle at papasok naman si Devin. Nanatili sila sa ganung ayos at bumalik lang sa huwisyo nung makaranig ng sigaw na MOVE!

"Excuse me." Sambit ni Samuelle at akmang aalis na pero hinawakan ni Devin ang kanyang braso.

"Can we talk?"

Tumango siya at sumunod ito sa kanya palabas. Kinuha nito ang hawak niyang travelling bag at sinamahan siya papunta sa kung saan nakaparada ang kotse ni Elmer.

Kinuha din nito ang hawak niyang susi at ito na mismo ang nagbukas ng trunk ng kotse ni Elmer para dun ipasok ang kanyang bag at muling binigay sa kanya ang susi pagkasara nito ng trunk.

"Thanks."

Tinititigan lang siya nito at di pa rin nagsalita.

"1, 2, 3...." She started counting para kumalma ang sarili dahil naiinis na siya sa kotorpehan ng mokong na kaharap.

Pero wala pa rin. Di pa rin ito nagsasalita kaya ikot-mata na si Samuelle sabay iling. Malakas siyang bumuntunghininga at itinaas ang mga kamay na animo'y sumuko at tinalikuran si Devin pero bago pa siya makagalaw ay nayakap na siya nito at sakop na ang kanyang bibig.

Sandaling nanlaki ang mga mata ni Samuelle sa pagkabigla pero sandali lang iyon dahil napalitan ito ng mga ngiti at di na rin siya nangiming tugunin ang halik ni Devin.

Hinawakan ni Devin ang kanyang mukha at maging ito ay nakangiti na rin habang padampi dampi ang labi nito sa kanya.

"Torpe!" mahinang sambit niya rito.

"Tease!" ganting sambit naman nito.

Pareho silang napahalakhak sa nangyari at muli siyang hinalikan ni Devin and this time around ay mas lumalim pa ang halik nito sa kanya.

"People are watching..." paalala niya rito pero di pa rin niya ito pinigilan.

"Let's get out of here." Suhestiyon naman nito.

Hindi na nagdalawang isip si Samuelle at sumang-ayon na agad siya sa sinasabi ni Devin. Hawak kamay silang pumasok ulit sa bar para ibalik ang susi ni Elmer. Namataan nila si Ian sa dancefloor na kasama ng isa sa mga kasamahang model ni Samuelle. Imuwestra nilang dalawa na aalis na sila at hindi pa nakuntento si Devin at iwinagayway nito ang magkahawak nilang kamay para ipakita sa kaibigan na bati na sila ni Samuelle. Nagthumbs-up si Ian sa kanilang dalawa at tumango din kay Samuelle nung nagsambit ng walang boses na thank you si Samuelle dito.

Bago nangyari ang gabing iyon ay nakausap din kasi ni Ian si Samuelle at tinanong ito sa totoong nadarama sa kinakapatid ay iyon na nga umamin si Samuelle sa pagtangi din nito kay Devin kaya gumawa na ng paraan si Ian para magkaaminan na ang dalawa. Dati pa nung bata pa sila ay hindi lang iisang beses na tinanong ni Ian sa magkahiwalay na pagkakataon kung gusto ba nito ang isa't-isa at kahit pa parehong nagdeny ang mga ito ay iba naman ang nadarama ni Ian sa pagtingin ng dalawa sa isa't-isa. Napangiti si Ian at muling kinabig ang kasayaw at muling hinaharot.

Pagdating nila sa kotse ni Devin at pagka-upong pagka-upo nito sa driver's seat ay agad nitong binalingan si Samuelle at muling kinuyumus ng halik. Humahagikhik naman si Samuelle pero nakikipagsabayan din ito kay Devin.

Hindi nila alintana na nasa parking lot pala sila. Hindi nila alintana na ang dalang kotse pala ni Devin ay hindi heavily tinted kaya biglang namilog ang mga mata ni Samuelle nung makitang may papalapit na gwardiya sa kanila.

"Stop! Stop!" Nagmamadaling awat nito kay Devin na ayaw namang bitawan ang kanyang bibig.

"Devin, stop it! May guard na papalapit."

Nanlaki din ang mata ni Devin tapos mabilis na pinaandar ang kotse at humahagikhik na pinaharurut ang kotse at natanaw nila na napakamot na lang sa ulo ang guard.

"That was close!" ang tanging nasambit na lang ni Devin habang nagmamaneho ito palayo ng bar habang hawak nito ang kamay ni Samuelle at maya't maya lang dinadala sa bibig nito't hinahalikan.

My Heart's Guardian (SAMVON FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon