MY HEART'S GUARDIAN - EPILOGUE

1.1K 22 21
  • Dedicated kay Jaimie Liu
                                    

EPILOGUE:

"Ayoko na talaga!!! Huli na talaga ito!" sigaw ni Samuelle.

"Ikaw ang may kasalanan nitong lahat eh. Sabi ko sayo tama na pero sige ka pa rin ng sige! Ayoko na!!! Tama na!" dagdag pa niya.

"Baby, sssshhhhh huwag kang masyadong maingay. Nakakahiya sa mga doctor o. Okay breath in, breath out.... Breath in, breath out. Sige na sabayan mo na ako." Pilit na pinahinahun ni Devin ang asawa.

"Anong breath in breath out ka dyan! Kung ikaw na lang kaya ang mag breath in breath out! Araaaaaayyyyyy!!!!"

Napakamot na lang ng batok si Devin pero pilit pa rin sinasabayan sa paghinga ang asawa gaya ng natutunan nila sa Lamaze class.

"Devin!!!!!!" muling sigaw ni Samuelle.

"Aray! Aray! Aray!"

Dahil sa naramdamang matinding sakit ni Samuelle ay di nito namalayang nahawakan pala nito ang kaliwang tenga ni Devin at duon naibuntun ang lahat ng nadaramang hapdi at di rin nito naririnig ang pag-aray ni Devin.

"Ayan na!!!! Araaaaaayyyyyyyy!!!! Aaahhhhhhhh!!!!"

Isang impit na iyak ng sanggol ang naririnig nila.

"Finally, it's a baby girl!!!!" masayang sigaw ng doktor matapos ipinakita sa kanila ang bata.

Matapos tingnan ni Samuelle na kumpleto ang lahat ng parte ng anak ay nakatulog na ito samantala si Devin ay napasalampak sa sahig ng DR dahil na rin sa naramadamang hapo. Pang-apat na supling na nila ni Samuelle ang bagong luwal na sanggol. Meron na silang tatlong lalaki na may mga pangalang Marc, Peter at AJ. Ayaw na sana ni Samuelle na dagdagan pa ang mga anak dahil tatlong lalaki pa lang ay hindi na siya magkanda-ugaga sa pag-alaga pero isang gabi ay nilasing siya ni Devin dahil humirit pa rin ito ng isa pang anak dahil gusto talaga nito magkaroon ng anak na babae para makumpleto ika nga.

"What's the name of your little princess Devin?" nakangiting tanong ng doktora habang tinatahi na ang sugat ng payapang natutulog na si Samuelle.

"Jaimie. Her name is Jaimie."

"That's a nice name. I have a runner friend who's name is Jaimie. She's really nice. Good choice."

"Thanks Doc."

Naalimpungatan si Samuelle sa naririnig na ingay sa kanyang kwarto. Dahan-dahan niyan iminulat ang mga mata at napabuntunghininga sa dami ng taong nakikita. Ganito lagi kada taong siya'y nanganganak. Ang kanyang mga magulang ay isang linggo bago siya nanganak ay umuwi na. Nag-usap-usap ang magbalae at nakatokang mag-aalaga ng mga apo habang hindi pa bumalik ang lakas ni Samuelle.

Pagkalipas ng dalawang buwan nung mahuli sila ni Ninang Girlie ay idinaos ang kanilang kasal at gaya ng prediksyon ni Ate Angie ay nakabuo agad silang dalawa. Bagama't nasa early twenties pa lang si Samuelle at solong anak at bratinella nung kabataan ay siyang kabaliktaran naman nung nag-asawa dahil hindi matatawaran ang pagkaresponsableng may bahay nito.

Kung nung kabataan nila ay para silang aso't pusa ay nung mag-asawa naman ay parang kambal tuko naman dahil lagi na lang magkadikit. Hindi na nagramp model si Samuelle nung mabuntis pero ipinagpatuloy pa rin nito ang pagiging print-ad model. Suki ito ng kumapre nilang si Ian at maging ang mga cute nilang supling ay kundi man naging model ng gatas, ay diaper naman o di kaya ay pagkain. Medyo artistahin din kasi ang mga anak nila.

"Baby, pahinging tubig." Mahinang sambit ni Samuelle at kinalabit ang asawang nakikipag-usap sa mga bisita.

Lumingon si Devin at binigyan siya ng halik sa noo at inabot ang tubig at binigay sa kanya.

Napansin naman ng mga matatanda na gising na siya kaya dumulong agad ang mga ito at inulan siya ng tanong at papuri sa bagong luwal na prinsesa.

Nagkatinginan at napangiti na lang sina Samuelle at Devin sa isa't-isa. They both can't contain the happinest they are feeling since they got married.

"Nasaan na ang aking bagong model ha????" nagulantang silang lahat sa pagbukas ng pintuan at pagsigaw ni Ian.

Maging ang bagong prinsesa ng mag-anak na Concepcion ay may nakapilang mga commercials na.

"Pareng Ian! Here's your new model!" sabay abot ni Devin sa bagong silang na anak sa director.

"Ninong has a lot of commercial for you my princess." Nakangiting sambit nito.

"Dapat lang Kuya Ian!"

"Things never change huh Samuelle? You still make my back ache!" taas isang kilay na sambit ni Ian sa kanya na nagpabungisngis at nagpapatawa sa mga taong nandun sa silid na iyon.

When destiny strikes, cupid will really find a way to fulfill it. Even if it is in a not so conventional situation. Ika nga, pagkayo ang itinakda ng tadhana, hahamakin nito ang lahat magkatagpo lang ang dalawang pusong nakatala sa aklat ng wagas na pagmamahalan.

My Heart's Guardian (SAMVON FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon