Park Jimin

160 3 0
                                    

Nandito ako sa mall ngayon. Gusto kong bumili ng libro. Di ko alam bakit medyo nahihilig na ako magbasa. Si Namjoon-hyung kasi eh.

Nag-ikot ikot ako sa book store hanggang makarating ako sa dulo. May napansin akong babae na natutulog sa may dulong table.

Grabe ang kalat ng gamit niya. Tinignan ko siya ang amo ng mukha niya. Halatang pagod na pagod talaga siya.

Inayos ko yung mga gamit niyang nakakalat at naupo sa harapan niya.
Di ko alam bakit gusto ko siyang titigan lang.

After ng isang oras nagising din siya. Nagulat siya ng makita ako.

Tinigna niya ang relos niya at bigla siyang nataranta. At nagsimulang magsulat.

May mga oras na tinitignan niya ko. Gwapo ko talaga.

Naya's POV

Ughhh di mag sink in sa utak ko kung sino tong nasa harap ko.

Park Jimin. Isa sa mga member ng Bangtan Boys. At siya ang bias ko >/<

Nakakataranta kasi nasa harapan ko siya at the same time late na pala, di ko pa tapos research ko deadline na bukas.

Ang awkward lang kasi kada tingin ko sa kanya nakatingin din siya sakin.

"Anong pangalan mo?" bigla siyang nagsalita. Ugh that voice.

"Ahh N-naya, I'm Naya" sabi ko sa kanya at tinuloy ko ang pagsulat ko. "Nice to meet a pretty lady like you, I'm Park Jimin" sabi niya sabay ngiti sakin.

"N-nice to meet you too" nahihiya kong sabi.

"Kilala mo ba ang Bangtan Boys?" tanong niya sakin. "O-oo kilala ko, fan niyo ko" sabi ko sa kanya.

"Sino ang paborito mo samin?" nagulat ako sa tanong niya.

"I-ikaw" sabi ko. Nagpatuloy lang ako sa pagsusulat. Tinignan ko siya saglit at nakangiti siya sakin. Nag iwas ako ng tingin.

"Ang cute mo pala noh" nabigla ako sa sinabi niya. Di ko maiwasan ang mapangiti.

"T-thank you" nahihiya kong sabi. Ughh.

"Ano ba yang ginagawa mo? Mukhabg madami, tulungan na kita" sabi niya at kinuha yung isa kong ballpen.

"Research to, kailangan ko ng matapos ngayon kasi deadline na bukas. Buti nalang wala akong pasok ngayon. Kanina ko pa to ginagawa nasa kalahati palang ako" sabi ko sa kanya. Hay kung pwede lang di gumawa eh kaya lang kailangan grumaduate.

"Tulungan na kita, pinaganda mo mood ko eh" sabi niya sakin. Ayweh hahaha. "O-okay thank you" sabi ko sa kanya.

After 3 hours...

"Yes! Natapos din tayo!" masayang sabi niya. Natapos na din namin tong research.

"Thank you talaga sa tulong mo, baka namatay na ko kung ako lang mag isa tumapos neto" sabi ko sa kanya. Buti nalang talaga tinulungan niya ko. Kundi patay ang kagandahan ko.

"Di ko naman hahayaan na mamatay nalang basta-basta ang magandang binibini na katulad mo, maraming manghihinayang pag nagkataon" nagulat ako sa sinabi niya. Bumabanat ba siya o ano? Enebe.

"Ah hahaha" awkward kong tawa sa kanya. Ihh pano naman kasi.

"I'm serious. Maganda ka talaga, nakakahinayang kung mawawala ka pa" seryoso niyang sabi habang nakatingin sakin.

"Anong oras na ba?" sabi ko pambabasag ng katahimikan. Tinignan ko ang relo ko at 5 pm na pala.

"Tara, papakilala kita sa kanila" sabi niya at nilagay sa bag ko ang mga gamit ko. "Papakilala? Kanino? Ako?" takang tanong ko sa kanya.

"Sa Bangtan" simpleng sabi niya. At lumabas na kami ng book store.

Asdfghjkl..... nakakaloka.

BTS One-Shot FanfictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon