Jeon Jungkook

163 6 0
                                    

"Kookie! Kookie!"

Tsk yan na naman ang maingay -_-

"Hello Kookie! Bakit ang gwapo mo? Hihihi" sabi niya. Araw-araw niyang bungad sakin yan.

"Hey Kookie! Kausapin mo naman ako" makulit niyang sabi.

Inirapan ko lang siya at lumabas na ng practice room.

Narie's POV

Nasilayan ko na naman ang gwapong mukha ni Kookie. Kaya lang as usual, dedma lang siya. Ewan ko kung bakit di niya ko pinapansin. Pero kahit ganun gusto ko pa rin siya.

Umalis na ko ng Big Hit at umuwi sa bahay, nga pala I'm Ate Misha's younger sister. Swerte niya nga eh, kasi alam niyo ba gusto niya si Jin-oppa pero bestfriend lang tingin sa kanya then isang araw biglang nagconfess si oppa sa kanya. Ayun kilig na kilig ang lokaret. Kesyo daw di niya ineexpect yun akala daw niya wala na siyang pag asa. Mga ganun ba. Tapos neto lang nagpropose si oppa sa kanya, kilig na kilig na naman ang loka. Hahaha shhh lang kayo ah baka masapak ako nun.

Pero she's lucky talaga. Sana ganun din ako, magconfess sakin si Kookie, di ako nawawalan ng pag asa. Fighting!

"Sistarette! Where u?" sigaw ko pag pasok ng bahay. Nag out of town sila mama at papa so kami lang dalawa ni ate dito.

"Dito sa taas!" rinig kong sigaw niya. Umakyat ako sa taas at dumiretso sa kwarto niya.

"Hallo!" bungad ko pagpasok ng kwarto niya.

"O sis kamusta lakad mo?" tanong niya sakin. "As usual, dedma lang si Kookie, iniwan pa ko sa practice room kanina" sabi ko sa kanya at sumalampak sa kama niya.

"Okay lang yan sis, baka di pa to yung tamang time, konting wait pa" sabi niya. Simula nung naging sila ni Jin-oppa ganyan na lagi sinasabi niya sakin. "Ewan ko sayo ate, malay mo di naman tayo parehas ng kapalaran" sabi ko sa kanya.

Nginitian niya lang ako. Ughh inaantok ako.

Misha's POV

Pagtingin ko sa kama ko tulog na si Narie. Hay tong batang to talaga. Ayoko makielam sa kung ano man meron sa lovelife niya basta ang sakin lang kwentuhan niya ko para naman alam ko nangyayari sa kanya.

**phone rings**

"Hubby! Napatawag ka?" sabi ko sa kabilang linya hihihi.

"Nandito ako sa labas ng bahay niyo--

"Pasok ka nalang nandito ako sa kwarto eh" bigla kong sabat sa kanya. Di naman nakalock pinto eh tsaka okay lang si Hubby naman eh.

"Okay, see you gorgeous" sabi niya at binaba na ang phone. Ehemmm hahaha.

**tok tok**

"Wifey"

Binuksan ko pinto ng kwarto at kumpleto silang pito.

"Akala ko ikaw lang pumunta, di ako nakapag luto ng pagkain" sabi ko kay Hubby.

"Noona papasok sa kwarto mo" dirediretsong sabi ni Jungkook at pumasok bigla. Sumunod yung iba -_-

"Hoy labas kayo natutulog si Narie" sabi ko sa kanila. Tinignan nila ako tapos si Narie at lumabas na.

"Sige wifey baba ka na din" sabi ni hubby at umalis na. Pagkatalikod ko nakita ko si Jungkook na nakatayo pa din sa tapat ni Narie.

"Jungkook bumaba na sila" pang istorbo ko sa kanya. "Ahh eh sige ate baba na ko" sabi biya at nagmamadaling umalis.

Aba aba hmmm...

Jungkook's POV

Ang ganda niya pag natutulog siya, pero araw-araw naman siyang maganda eh. Sht lang bakit di ko napansin na bumaba na sila hyung. Nakakahiya tuloy kay noona.

Narie's POV

Hay ang sarap matulog hmm. Dito pala ako nakatulog sa kwarto ni unnie. Hehehe.

Bumaba ako para kumuha ng pagkain at nadatnan ko ang Bangtan sa sala kasama si sistarette.

"Hi Narie!!!" sabay sabay nilang bati sakin. Nginitian ko lang sila at dumiretso na ng kusina.

Nagulat ako ng biglang may yumakap sakin sa likod. Paglingon ko si Kookie lang pala.

Wait what si Kookie lang pala?!

Tinignan ko ulit siya at si Kookie nga. Ohmygee this.

"I-i love you" biglang sabi niya. Totoo ba to? Nagcconfess siya sakin?!

"Narie, I love you" sabi niya ulit.

Hinarap niya ko sa kanya at hinalikan pero smack lang. Shems first kiss ko yun!!!

Niyakap niya ulit ako this time mahigpit na.

"I love you. I'm sorry kung lagi kitang dinededma. Hindi lang ako sanay na babae ang naghahabol sakin ng ganun-ganun tapos kapatid ka pa ni noona Misha. I'm sorry" sabi niya.

"O-okay lang Kookie. I-i love you too. T-thank you for loving me back" sabi ko at niyakap ko din siya.

"OMG sis! Sabi ko sayo eh konting wait pa" kinikilig na sabi ni ate habang nakayakap kay Jin-oppa. Kumakawala ako kay Jungkook pero ayaw niya ko bitawan.

"Kookie nakakahiya nandito sila" bulong ko sa kanya. Dedma lang siya.



BTS One-Shot FanfictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon