Chapter 3: Classmate

45 2 3
                                    

Mark's POV

It's Monday, napakasaya ko ngayon! Whoo! Wala naman sanang bumasag ng trip ko na to, haha. Napakasaya ko kagabi dahil nakausap ko siya. Yeah, yung babaeng pinagtanggol ko nung last Friday. Ganto kasi yan, pag kauwi ko sa bahay sinisisi ko yung sarili ko kung bakit di ko nakuha panglan niya. Kaya nahiga na ko sa kama at nag open ng facebook account, tapos nang i open ko yung messenger ko. Nagulat ako at natuwa at the same time. She sent me a message. And her name is Nelly. Ohhhh what a gorgeous name. So we chated. Andami ko nang nalaman sa kanya. May kapatid pa lang siyang babae tapos wala na daw siyang dad dahil pinagpalit sila sa ibang babae. Pero may stepdaw naman silang sobra ang bait sa kanila. So yun hanggang sa sabay kaming natulog.

Naglalakad ako ngayon sa hallway nang makita ko sina Ron at Neth tas kasama na din nila si Pj.

Good morning mga tol! Bati ko sa kanila.

Napakatagal mo. Late na naman tayo kay Mrs. Garcia. Galit na sabi ni Ron.

Lah? Sorry na agad bro. Haha. Sagot ko kay Ron.

O siya tara na, baka mahuli na talaga tayo. Mahinahong sabi ni Pj.

Hmm? Teka? Parang may bago dito ah. Tss. Pero mas ayos na yung ganito yung matino siya. Pero bat wala si Shawn pala? Etong mga 'to naman di naalala.

Hoy mga ugok, bat wala pala si shawn? Tanong ko.

Oo nga noh, wala si shawn. Pag sang ayon ni Neth.

Na contact niyo na ba? Tanong naman ni Ron.

Tumingin kami kay lester dahil siya naman lagi ang may load.

Wala akong load. Mga tingin niyo eh. Irita niyang sagot.

O siya ako na tatawag hahahahhaha. Tumatawang sagot ni Neth.

Mga uto uto talaga oh, oh. Habang tinatawagan ni Neth si Shawn, mabilis na kaming papunta sa class namin dahil ayaw naming ma late.

Wala pa si Mrs. Garcia pag dating namin. Kaya nag usap usap muna kami.

Ano Neth? Ano sabi ni Shawn? Tanong ko sa kanya.

Hindi siya sumasagot sa tawag eh. Nagtatakang sagot ni neth.

Ha?! Bakit kaya di pumasok yun ngayon? Tapos di pa ma contact.
Habang nag dadaldalan kami, dumating na si Mrs. Garcia.

Okay class, I have an annoucement today. I'm sure you're gonna like it. Are you ready?

Pa suspense naman si ma'am oh. Haha sa isip isip ko.

We're having a fieldtrip! Sigaw ni Mrs. Garcia

Nagsigawan naman mga kaklase ko siyempre pati kaming The Overnight.

We're going to? Baguio! Sigaw ni Mrs. Garcia

Tuwang tuwa naman kaming lahat, lalo na ang The Overnight.

Okay class. Yun lang ang announcement. Dugtong ni Mrs. Garcia

So, pag tapos ng klase, nagpunta na kami ng canteen para kumain at himala dahil kasama namin ngayon si Pj.

Guys, nagtext na si shawn. Sigaw ni Neth.

Ano daw sabi? Tanong namin sa kanya.

Habang seryoso kami tumatawa siya.

Oy mukhang gag* naman to oh! Ano na sabi?! Sigaw ni Pj.

Nalate lang daw ng gising si mokong, tapos kaya di macontact na lowbat daw siya at kaka charge lang niya. Tumatawang sagot ni Neth.

Yun lang pala, eh bat tawa ka ng tawa?! Pasigaw na tanong ni Ron.

Yung mga mukha niyo kasi hahahhahaha! Sagot ni Neth habang tumatawa.

When Love Hits You Very HardHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin