Chapter 9: Kababata

13 1 0
                                    

Ron's POV

Bakit ganito? Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko sila. Akala ko maaalala na niya ko. Akala ko maaalala na niya kung paano ko siya at paano niya ko pinasaya. Gusto ko na siya kahit nung mga bata pa kami. Oo na, masyado pa kong bata non, pero wala akong magagawa dahil tinamaan na ko sa kanya e. Sobrang close namin noon, we even slept in a tent together. We worked our assignments together. Pero wala na siyang maalala. Ako? Sariwa pa sakin lahat. As in lahat-lahat.

FlashBack

She was my first friend. My first crush and my first love. Nagkakilala kami nung makita niya kong nakaupo sa playground. Napakalungkot ko nung araw na yun, magkaaway ang dad at mom ko, di ako nakuha sa try outs nang badminton sa school namin tapos nakalimutan nina mom at dad yung birthday ko. Kaya sobrang sama ng loob ko ng araw na yon, mabuti na lang dahil dumating siya.

"Oy! Bata. Are you okay?" tanong niya sakin. Napaka cute niya noon, ngayon kasi sobra na niyang ganda.

"Oo ayos lang ako." pagalit kong sagot. Siyempre, napaka sama nga ng loob ko noon, wala akong gana makipag usap ng maayos.

"Ang sungit mo naman. Meron ka?" tanong niya ulit tas tatawa-tawa ng mahina, kaya nagtaka ko kung bakit siya tumatawa.

"Ha? Bakit ka tumatawa bata?" balik na tanong ko naman sa kanya dahil 'di ko talaga ma gets yung sinasabi niya.

"Ane be yen bete. Eng slew me nemen." nanloloko niyang sagot sabay ngiti ulit.

Meron ka? Anong meron ka ba kasi? Di ko ma gets. Kaya medyo naiiyak na ko, kasi kapag bata konting asar lang iiyak na diba? Meron ka? Paulit-ulit sa isip ko habang nakatingin sa kanya. Teka?!

"Hoy bata!" galit kong tawag sa kanya kaya naman natigilan siya sa pagtawa.

"Oh? Did you get it?" nagpipigil tawa niyang tanong sakin. Kaya ako nainis na talaga, kaya umiyak na ko.

"Bakit ba kayo ganyan?" umiiyak kong tanong sa kanya kaya naman natigilan na siya at niyakap niya ko. Teka? Ni....ya....kap..... niya ko? Bakit?

"Alam mo bata? Lahat tayo may problema, nakadepende sa atin kung paano natin ito dadalhin at lalampasan. Kaya wag kana umiyak, if you need a friend, I can be your friend." pagpapaliwanag niya sakin habang yakap-yakap niya pa rin ako.

Di ko namalayan, huminto na pala ako sa paghikbi. Nakangiti na ko. Gumaan na ang pakiramdam ko. Teka? Di ko pa pala alam pangalan niya.

"Ah bata salamat ah, ano pala pangalan mo?" nag aalangan kong sagot habang nakangiti at nakita kong nag smile siya pabalik.

"I am Kath, and you?" pagbabalik niya ng tanong at sabay upo niya sa tabi ko kaya medyo umusog kaya umusog din siya kaya umusog ulit ako kaya umusog din siya kaya umusog ulit ako at.....

AHHHHHHHH!
"Aray!" umiiyak kong sabi sa sarili ko dahil sa kakausog namin, nahulog ako sa upuan at nauna yung pwet ko kaya kasakit at nang tignan ko siya, si Kath, tumatawa siya habang nakahawak sa tiyan niya. Aba?! Imbes na mag alala, tinawanan pa ko?!

"Sige tawa pa, parang di ako nasaktan ah." pabalang kong sigaw sa kanya kaya huminto na siya sa tawa pero nakangiti pa din.

"Sorry na, ang iyakin mo kasi. Ambaba baba ng upuan eh. Ano na pangalan mo dali?" nakangiti niyang sagot sakin sabay upo sa tabi ko at sa pagkakataong ito, 'di na ko umusog.

"Ako si Ron." matipid kong sagot sa kanya habang nakatingin sa malayo kaya naman hinarap niya yung mukha ko sa kanya at dun ako natigilan. Huminto ang paggalaw ng mundo ko, mga mata niya lang ang nakikita ko at ang matatamis niyang ngiti.

"Hoy! Ron!" sigaw niya sakin at duon ko lang napagtanto na nakatulala na pala ako sa kanya kaya agad akong umiwas.

"Ha? Ano? Ah? Bakit?" nauutal kong sagot sa kanya dahil wala talaga ako sa katinuan nang mga oras na 'to.

"Uwi na ko, hinahanap na kasi ako nina Mommy, nice meeting you Batang iyakin!" pang aasar niya sakin sabay pisil ng pisngi ko at mabilis siyang tumakbo pauwi sa kanila.

After that getting to know each other, palagi na kaming sabay pumasok, maglaro at minsan sa tent lang kami natutulog. Tuwing sabado naman ay ngpupunta ko sa bahay nila at siya naman sa amin para gumawa ng assignments o kaya namab maglaro lang. Napaka close din ng mga magulang namin kaya ayos lang sa kanila lagi kaming mag kasama. Kapag my kaaway siya sinusumbong niya sakin tsaka naman aawayin. Biro lang, kakausapin lang namin. Lagi ko siyang pinagtatanggol sa school kaya kumbaga ako ang mini body guard niya. Napakasaya namin noon bago mangyari ang isang aksidente.

Naglalaro kami noon sa playground nang biglang napunta yung nilalaro naming bola sa kalsada. Ako naman, tinatamad kaya siya ang pinakuha ko ng bola kaso bago pa man niya makuha ang bola, isang pangyayari ang nagpabago sa akin at pagtingin ko sa sarili ko.

Isang malakas na busina ang pumaibabaw sa tahimik na paligid at kasabay nito ang paglipad ng isang katawan dahil sa pagkakabangga. Wag naman sana. Hindi siya yon. Mabilis akong tumakbo sa pinangyarihan at duon na ako nanlamig at unti-unting tumulo ang mga luha ko. Kasalan ko. Ako ang may kasalanan kung bakit andito siya ngayon. Kung bakit naaksidente si Kath. Patuloy ako sa paghagulgol nang mapansin ko ang mama ni Kath kasama ang isang batang babae din na mganda din katulad ni Kath. Binuhat nila si Kath at dinala na sa ospital. Ako? Nakaluhod pa din sa pinangyarihan ng insidente nang nakaramdam ako ng kamay na yumakap sa akin at tinayo ako. Paglingon ko, si mama pala. Muli, isa isang pumatak ang mga luha ko habang nakayalap kay mama.

"Ma, it was my fault." umiiyak kong sabi kay mama kaya naman niyakap niya pa ko ng mahigpit at pilit na kinakalma.

Ilang araw na ang lumipas, wala pa din kaming balita kay Kath. Hindi na din namin sila nakikita ng pamilya niya sa bahay nila. Napakapayat ko na noong mga araw na yon. Wala akong gana kumain. Gusto ko na ulit makalaro ang bestfriend ko, ang kababat ko. I miss her so much. I want to see her. I really do, kaya pinilit ko si mama na pumunta ulit kina Kathat duon naabutan ang mama ni Kath.

"Ron, dito ka lang ha." mahinahong sabi sakin ni mama, kaya sinunod ko naman kahit na gustong gusto kong lumabas.

Nakita kong nag usap sina mama at mama ni Kath at halatang-halata sa ekspresyon nila na hindi maganda ang nangyayari.

Pagkatapos nila mag-usap, bumalik na si mama sa sasakyan at duon ko siya tinanong. Kung ano nangyari? Asan si Kath? Bakit ganun yung ekspresyon ng mukha nila? At kung buhay pa ba si Kath? Subalit, ni isa don at 'di sinagot ni mama, pero binigyan niya ko ng maiklinh paliwanag.

"Soon anak, malalaman mo din ang totoo. Sa ngayon, hindi muna. Wag muna. Halika na uuwi na tayo." mahinahong palinawag ni Mama.

Umuwi kami ng bahay at nag inpake na din, lilipat na kami ng bahay. Kahit ayoko man, wala akong magagawa dahil si pala na ang nagsabi. Walang akong ideya kung ano na ang nangyayari pero isa lang ang alam ko, kapag nahanap ko siya ulit. Di ko na siya pakakawalan.

End of Flashback

Hanggang ngayon sinisisi ko pa din ang sarili ko sa nangyari. Kung hindi ko siguro siya pinakuha ng bola, magkasama pa din kami ngayon at masaya. Sinabi na din sakin ni mama ang dahilan kung bakit wala si kath nun nagpunta kami sa kanila at kung bakit di ako naaalala ngayon.

Na comatose siya at nagka amnesia. Kaya nung araw na 'di ko siya nakikita ay nakaratay siya sa ospital. Nagka amnesia siya kaya 'di niya ki maalala ngayon, makilala kahit ang pangalan ko lang. Masakit, sobra. Pero kailangan kong tanggapin at magsimula muli.

Ngayong nakita ko na siya, 'di ko na siya pakakawalan pa. Alam kong mahirap, hindi din madali dahil alam kong 'di na lang ako ang may gusto sa kanya.

Sa mga nakalipas na araw, buwan na hindi niya ko kilala, papalitan ko yon ng taon, dekada na ako na ang mahal niya at lagi niyang maaalala.

"Now, Maybe I'm just an unknown planet but when the time of my existing come I'll give her the life and love she deserves."

When Love Hits You Very HardHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin