Chapter 11: Confession

32 2 3
                                    

Hey guys!! Sorry sa napakatagal na update. Bawi na lang sa mga susunod na chapters! Enjoy guys! :)

Vote and Comment! Salamat! :)

PJ's POV

Kinakabahan ako. Natatakot ako sa pwede niyang isagot. Pero siguro ito na yung tamang oras para sabihin ko na sa kanya 'to. Oo, medyo confident ako na gusto niya din ako. Pero gusto ko yung sigurado para kapag mali ang nasa isip ko. Maaga akong masasaktan. Masisira. Mawawarak. Na wag naman sana mangyari. Kaya eto na. Sasabihin ko na. Aaminin ko nang mahal ko siya. Mahal ko na siya.

"Kath, I have to tell you something." kinakabahan kong wika sa kanya. Ni hindi ako makatingin sa mga magaganda niyang mata ng diretso. Alam kong nakatingin siya sakin kaya lalakasan ko na ang loob ko. Tama! Anuman ang mangyare, ang mahalga naamin ko na 'tong nararamdaman ko.

"Kath, ganito kasi yan........." bigla niya na lang pinutol ang sasabihin ko. Inilagay niya ang index finger niya sa mga labi ko. Napatigil naman ako sa ginawa niya. Para akong na statwa. Hindi ako makagalaw, hanggang sa siya na ang nagsalita.

"Pj, alam mo bang matagal na kitang gusto?" nangingiti niyang sabi at nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Natigilan ako. Magsasalita na sana ko pero nagsalita siya ulit.

"Noong kayo palang ni Sue, gustong gusto na kita. Kaso sabi ko sa sarili ko "Alam kong hindi mo ko mapapansin pero hindi naman yun yung dahilan para hindi kita mahalin." Kaya kahit alam kong walang tiyansang mabaling mo ang tingin sa iba, umasa ko. Antanga ko diba? Pero ganun talaga, mahal kita e." walang hinto niyang paliwanag. Pero naguguluhan ako. Gusto na niya ko? Noong kami pa ni Sue? Ibig sabihin kilala niya si Sue? Pero paano?

"Kilala ko si Sue. Kilalang kilala." mahina niyang tugon. Nagulat naman ako sa sinabi niya. At isa pa? Nabasa niya ba ang iniisip ko? Naguguluhan na ko ngayon. Gusto ko pang marinig ang mga sasabihin niya.

"Sue is my bestfriend. Kapatid na nga kung maituturing. Pero kahit na bestfriend ko siya, 'di ko maiwasang mainggit sa kanya. Isa na nga dun ay ang pagmamahal na binibigay mo sa kanya. Alam kong maling mainggit pero kahit na pigilan ko 'di ko magawa. Naiingit ako na buti pa siya merong katulad mo. Napaka swerte niya sayo. Npakaswerte." patuloy niya lang na paliwanag habang nakatingin sa malayo. Nakita ko naman ang mga luhang nagbabadyang tumulo mula sa kanyang mga mata. Ambigat na din ng pakiramdam ko, pero hindi ko alam kung bakit.

"Nung sinaktan ka niya. Gusto kong magalit sa kanya, gusto ko siyang sigawan at paliwanagan na hindi niya dapat ginawa yon. Aaminin ko. Sa kabila nang nangyari, may ngiting nabuo sa puso ko. Dahil inisip kong, kung wala nang kayo ibig sabihin baka pwede nang magkaroon ng tayo. Ang corny ano? Pero ganun talaga. Selfih na kung selfish pero wala na akong nagawa! Mahal na mahal kita Pj!" nakita kong tumulo na ang mga luha niya at humihikbi na din siya. Sobrang bigat na ng pakiramdam ko. Andami ko nang nalaman, kailangang malaman niya na din 'tong nararamdaman ko.

"Kath, alam mo bang........" pinutol niya na naman ang dapat kong sabihin at inilagay niya na naman akong index finger niya sa labi ko at kagaya ng kanina, na statwa na naman ako.

"Let me confess first." seryoso niyang wika. Nakita ko ring may nabuong mga ngiti sa labi niya.

"Naaalala mo ba? Yung gabing iniligtas mo ako? Di ko akalain na dadating ka. Wala akong inasahang dadating. Pero dumating ka. Gusto kong tumalon at sumigaw sa tuwa dahil ikaw ang ngligtas sakin kaya walang sabi-sabi kitang niyakap. Ansaya sa pakiramdam na nayakap mo ang taong mahal mo. At duon na nga nagsimula ang paglalapit natin sa isa't isa. Sinabi ko sa sarili ko na, hindi dapat ako kiligin sa mga pinapakita mo. Sinabi ko din sa sarili ko na "Ikaw dapat ang unang mahulog, hindi ako." kaya sinubukan kong hindi mgpahalata." tuloy-tuloy niyang paliwanag habang nakatulala pa rin akong nakikinig sa kanya at patuloy pa ring ang pagtulo ng kanyang mga luha.

When Love Hits You Very HardHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin