Nakakuyom ang mga palad ko, noong sinabi kong hindi kita gusto
Para bang sinusubukang pang-hawakan ng aking mga kamay ang bagay na pinipilit nang bitawan ng aking isipan
Noong itunulak kita papalayo, kasama ng posibilidad na magkaroon ng tayo
Sinabi ko sarili ko na ayos lang ako
Na kagustuhan ko ito
Pinaniwala ko ang sarili, na kagaya ng lahat ng nagniningas na apoy ay mauupos din ito
At katulad ng mga dating ugnayan, ito'y unti unting rurupok at mapapatid
Lilipas din ito
Ayos lang akoPaulit-ulit kong sinasabi sa sarili:
Lilipas din ito
Lilipas din itoLilipas din ito
Lilipas din itoLilipas at lilipas din ito
Pero mahal, ilang taon na ang lumipas...
Wala paring nagbago.

BINABASA MO ANG
Words We Cannot Say
PoetryWords We Cannot Say is a collection of short poems I wrote about life, love, grief, cynicism, family, faith & friendship. These words are born from personal experiences & my observation of others. One of my favorite thing about poetry is we can make...