*Via's PoV*
"GUMISING KA NA!!!!!! ATE V!!"- wala ng iba pa kundi ang magaling kong kapatid na si Venom. Hayys!. Naman! Inaantok pa ako eh!
"Pwede ba Venom mamaya na. Antok na antok pa talaga ako."-Bwisit! Anong oras kasi ako nakatulog mag-aalas tres na ata yun. Kakapanood ko ng korean movies.
"MANOOD KA PA KASI!!BIBIGYAN LANG KITA NG 30 MINS. PAG DI KA PA BUMABA KAKALADKARIN NA KITA!!"-Narinig kong sigaw niya bago siya lumabas. Bwisit! Asungot talaga! Ayyy! Di pa pala ako nagpapakilala. Haha okay eto na
Ako nga pala si Via Salvatorre. I'm only 16 years old. 4th yr. Highschool na ako. Single pero naghahanap hahaha jk. Kanina yung sumisigaw sakin ay si Venom baby bro. ko. V ang tawag nila sakin kasi mahaba daw bigkasin yung Via. Sila kaya nag pangalan sakin mga baliw!. Makababa na nga, mahirap na baka makaladkad pa tayo. I do my daily routines then bumaba na ako.(ay!conyo lang)
Masaya kasama ang pamilya ko. Sila kasi yung tipo na strikto pero di nakakasakal ang rules kahit na paulit ulit na sinasabi samin ng kapatid ko,lalo na sakin. Sila din yung kapag kausap mo parang tropa tropa lang kayo. Si mama yung magiging bestfriend mo kapag na brokenhearted ka at si papa naman ang mag-aadvice sayo. Isang rules lang naman ang di ko maintindihan yung:Wag na wag maiinlove sa kahit na sinong kabilang sa Pamilya Verano.
"Anak,kain ka na. Niluto yan ng papa mo"-O gad!! Si Papa nagluto!! Siguradong masarap toh!! Nilantakan ko agad yung nilutong breakfast ni papa. Grabe! Bilib talaga ako kay papa kapag pagluluto na ang paguusapan. No doubt kung bakit nainlove si mama kay papa.
"May bibilin ka ba sa mall ngayon? Bukas na ang first day mo sa VS.(Villema School)"- Sabi ni papa. Wala naman akong bibilin. Mamasyal na lang ako tutal last day na ito. Gagawin ko ng makabuluhan. (Wow naman lalim)
"Mamasyal na lang ako Pa."-paalam ko
"Sige. Wag ka masyadong gumastos ha. Para di na uubos yang allowance mo."-sa aming apat si papa ang pinaka-matipid. Alam kasi ni papa kung pano maging mahirap. Si mama kasi anak-mayaman yan kaya nagpursige si papa para ipakita kay Grandpa na karapat-dapat siya kay mama.
Pagtapos ko kumain, umakyat na ako para maligo at magbihis. Umalis na rin sila papa para pumunta sa restaurant. Si Venom naman if i know mag-hahanap lang yan babae. Playboy kasi.
¤MALL¤
(Iphone ringtone)
Ay! Sh*t tumutunog yung phone ko. Naka shoulderbag pa naman ako ngayon. Samsung lang cp ko pero yung ringtone pang iphone hahaha wala para effect lang. Hanap... hanap...hanap"Sh*t"- bulong ko
HALA!!!!!!! Natapunan yung damit ko.!! Bwisit!! Pag nalaman ko lang kung sino tumapon nito ipapakin ko sa kanya yung damit ko. Pag -angat ko..........
.
.
.
.
.
.
..
.
.
.
.
.
.Bakit!! Ang gwapo niya!!
"Are you blind?"-Pagalit niyang sabi.***************
@BlahhBalahh
BINABASA MO ANG
If I Stay
Teen FictionPaano kung sa pag-iibigan niyo maraming humadlang,itutuloy niyo pa rin ba? Paano kung ang relasyon niyo sinusubok ng madaming problema,makakayanan mo ba? Paano kung isakripisyo niya ang buhay niya para sayo,gagawin mo din ba?