*Via's PoV*Ughhhh!! Sakit ng ulo ko.!! Paguwi ko kasi galing kay Jero(read as jiro) di pa agad ako nakatulog. Kaya ngayon lang ako ansakit sakit ng ulo ko, nabigla siguro. May pasok pa naman kami. Makabangon na nga mawawala rin ito.
I do my daily routines tas bumaba na.
"Good Morning"- Sabi ko
"Good Morning too"-Si mama lang sumagot busy kasi papa sa kausap niya sa phone. At si Venom busy sa cellphone niya dahil nakikipagflirt na naman.! Walang kamatayang pakikipaglandian..Tinuon ko na lang ang pansin ko sa pagkain. Pagtapos namin kumain hinatid na kami ni papa. As usual pagdating ko lahat na naman ng mata nasa akin. Mag iisang linggo na rin pala simula ng pumasok ako dito sa Villema. I admit medyo dumami mga admirers ko. May mga chocolate lagi sa locker ko. At ang magaling na Chino, malakas mangasar at at pinagtritripan ako. Bwisit!!
"Via!!"-Kahit pala papaano may rason pa rin ako para pumasok.
"Melody!! Ano? Punta tayo Cafeteria?"-umiling iling siya."Eh san mo gusto pumunta?"-tanong ko
"Sa lib kasi wala pa akong ass. Sa History natin."-Sabi niya. Tumango na lang ako at naglakad na. Nasa 3rd floor pa naman ang lib andami pang hagdanan. Habang umaakyat kami, di ko maintindihan pero parang hinihingal ako. Nasa 1st 1/2 floor pa lang naman kami. Hanggang sa di ko na kinakaya huminto muna ako. Napansin naman ata yun ni Melody kaya napahinto rin siya.
"Ayos ka lang ba? Malayo layo pa tayo. Kaya mo pa ba? -Tanong niya nasa ground floor kasi kami kanina.
"Kaya pa"-naghihinang sabi ko
"Hindi ka naman mataba pero bakit ang bilis mo hingalin. Atsaka tignan mo yung paghinga mo parang hindi naman hika yan."-sabi niya.
"Hika lang ito ano ka ba!! Tara na okay na ako!"-tumayo na ako at nagsimulang maglakad pag dating namin sa 3rd floor iba na talaga yung paghinga ko. Masakit na parang tinatakpan yung mga butas para sa hingahan mo. Tapos yung bandang sa may puso masakit na di ko maipaliwanag.
Binuksan ko na yung pintuan atsaka sinundan si Melody. Masakit na talaga siya di ko na kaya. Lumayo muna ako ng konti kay Melody nagpunta ako sa mga teen fiction books. Kapag stress kasi o naiinis ako nagbabasa lang ako. Nang makakita ako ng maganda gandang libro aabutin ko na sana kaya lang may kumuha namang iba.
"Ako nauna diyan!"-Sabi ko habang namimilipit sa sakit.
"Ikaw ang unang nakakita pero ako ang unang kumuha"-Pang aasar niya sakin. Kung di lang may nararamdaman akong kakaiba sa paghinga ko nabatukan ko na itong gag*ong ito.
"Pwede ba.! Kahit ngayon lang magpaka gentleman ka."-sabi ko sa kanya.
"Sorry ka di ako kagaya ng iniisip mo."-Sagot niya sakin. Maya maya konti unti unti na namang sumasakit pero ngayon lalong sumasakit. Bwisit!! Mag nebolizer lang ako mawawala na din ito.
"Uy ayos ka lang ba?"-tanong ni chino
"Oo nama-------"-di ko na natapos ang sasabihin ko dahil lahat ng nasa paligid ko biglang
.
.
...
.
.
.
.
.
.
..
.
..
.
..
.
.
.
.
.Dumilim..***************
BINABASA MO ANG
If I Stay
Teen FictionPaano kung sa pag-iibigan niyo maraming humadlang,itutuloy niyo pa rin ba? Paano kung ang relasyon niyo sinusubok ng madaming problema,makakayanan mo ba? Paano kung isakripisyo niya ang buhay niya para sayo,gagawin mo din ba?