《8》

4 0 0
                                    


*Chino's PoV*

"Bakit nangingiti yung isa diyan?"-pangaasar sakin ni mama.

"May naalala lang po"-sabi ko na medyo kinikilig-kilig. Gusto niyo bang malaman.? Wag na! Hahaha jk. Sige ito.

Flashback

"Uy ayos ka lang ba?"-Tanong ko kay Via. Oo alam ko na pangalan niya. Napapansin ko kasi na hinihilot hilot niya yung bandang dibdib niya.

"Oo nama---"-di na niya natuloy sinasabi niya dahil bigla na lang siyang nahimatay. Buti na lang nasalo ko. Tumingin tingin muna ako kung may tao na pwedeng tumulong sakin. Pero sh*t!!! Wala! No choice binuhat ko siya ng pa-bride style.

Habang naglalakad ako papuntang clinic. Lahat ng madadaanan namin titingin sakin--I mean samin pala. Eh sino ba naman kasi ang di magugulat magkaaway kami nitong babae na ito tapos bigla bigla na lang ganito.Nakarating din kami sa wakas.

Pagdating ko sa clinic inassist agad kami ng nurse. Chineck yung BP niya may tinignan sa pulso at kung ano ano pa. Natapos din naman kaagad kaya kinausap ko na yung nurse.

"Bakit siya nahimatay nurse"-sabi ko

"Sobra lang siyang napagod. At inatake lang siya ng hika niya. I suggest na ipagpaalam mo na lang siya sa advicer niyo, para mas makapag pahinga siya."-sabi ng nurse na kinikilig kilig pa. Ano ba yan? Pati ba naman nurse nabighani ng kagwapuhan ko. Wala na talaga ako na!! Ako na gwapo!!.


Ginawa ko naman yung sinabi niya. Pinagpaalam ko siya pati na rin ako para magbantay. Kawawa naman ito. Mamaya sabihin wala akong konsensya. Pagbalik ko sa clinic wala ng nurse doon. Siya na lang na nakahiga at walang malay. Tinignan kong mabuti yung mukha niya. Napakaganda. Yung iba sinasabi angelic face daw ang mukha ng mga palaban at masusungit pag natutulog. Pero siya hindi!!, kahit tulog na fierce pa rin ang mukha niya. Ngayon ko lang napansin na siya palang yung babaeng nakilala ko na walang make up.


Pure Natural beauty lang. Ang ganda ng mga mata niya parang inaakit ka, yung ilong niya hindi matangos pero hindi din pango. Tas yung cheeks niya antaba taba. And yung lips niya walang bahid ng lipstick pero pink at hindi dry. Natetempt tuloy ako. Lumayo ka na Chino baka marape mo pa yan ng wala sa oras.

"Alam mo kung di ka lang masungit at palaban baka nagkagusto na ako sayo. Kasi di mo alam pero kada magkakasagutan tayo lagi akong may natutunan sayo. Ang cute mo pa nga kapag nagagalit para kang sasabog na bulkan. Pero ang talagang nagpapaganda sayo yung ngiti mo, kapag kasama mo si Melody o yung ibang kaibigan mo. Yung mga tawa mo na wala kang pakealam kahit na marinig ng iba basta masaya ka. Di ko alam bakit ako nagkakaganito eh konting panahon palang simula ng makilala kita hahahah ang corny ko na dahil yan sayo."-Sabi ko ng pabulong at nahihiya pa. Bigla naman nagbell hudyat na uwian na. Maya maya lang nakita ko na siyang dumilat.

"Ayos na ba pakiramdam mo?"-kumunot naman noo niya sa sinabi ko." Kasi hinimatay ka kanina. Kaya dinala kita dito"-inexplain ko na baka mamaya magalit na naman yan.

"Salamat"-1 word 7 letters simple word but so meaningful. Nagulat na lang kami ng biglang may kumalabog sa pintuan. Si Melody lang pala.

"V!! Kamusta!? Sinaktan ka ba niya!? Sabihin mo!!"-Oa naman nitong si Melody

"Mel wag ka ngang OA di niya ako sinaktan. Siya pa nga nagdala sakin dito. Nawalan kasi ako ng malay."-pagpapaliwanag ni Via.

"Sorry naman!! Concern lang!!"-Tss. Melody

"Mauna na ako"-sabi ko kasi mukhang kailangan nila ng alone time. Mukhang maraming ikwekwento si Melody. Naglakad na ako papunta sa pinto. Pero napatigil ako ng magsalita siya.

"Salamat ulit Jero"-Sabi niya ng humarap ako nginitian niya ako at ganun din ako. Paglabas,di ko alam pero sa buong maghapon lagi lang ako nakangiti. Sabi pa nga ng mga katropa namumula mula daw ako.

END OF FLASHBACK.

"Ma sa tingin mo-----"-Hindi ko na naituloy yung sasabihin ko dahil parang lumindol ang buong mundo ko sa sinabi ni Mama.

.
.
.
.

.
.
.
.
.
.
"That your inlove?"

********************

If I StayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon