Chapter Six:
Nick POV
Pag kauwi ko galing council napatigil ako sa malaking frame ni papa nakangiti siya sa litrato nyang ’to. Naalala ko nanaman kung gaano siya kabait saakin at kung papaano siya pinatay.
~Flashback~
"Nick anak?" tawag saakin ng isang lalaki, tumingin ako sa kanya si papa pala kaya lumapit ako kay papa tiyaka yinakap.
"Papa akala ko ba next week pa uwi mo?" tanong ko kay papa dahil sabi nya next week pa sya uuwi galing Spain pero nandito na sya ngayon
"Kasi birthday ng babyboy ko bukas dapat meron si papa kapag birthday niya diba?" yumakap lang ulit ako ng napaka higpit kay papa dahil napaka bait niya saakin "anak anong gusto mung regalo?" tanong ni papa saakin
"papa wala po akong gusto, ang gusto ko lang po sana hindi kana po umalis ulit" ginulo naman ni papa buhok ko habang nakangiti siya saakin
"ikaw talaga anak" binuhat niya ako at iniupo sa kanyang hita "anak hindi pwedeng hindi bumalik si papa sa Spain" nalungkot naman ako sa sinabi niya.
"bakit naman po papa?" nakasimangot kung tanung sa kaniya
"dahil dun kumukuha si papa ng pera natin anak"
"bakit po papa marami ba tayong pera sa spain? kung ganun mayaman po pala talaga tayo?"
tumawa si papa si papa yung tawa nyang yung alam kung napipilitan sya "hindi iyon ang ibig kung sabihin anak"
"eh ano po papa?"
"dun kasi nag tratrabaho si papa" tumango lang ako dahil hindi ko naman siya mapipigilan sa gusto niya
Ibinababa na ako ni papa sa pag kakakandung niya saakin "anak mag bihis ka may pupuntahan tayo"
BINABASA MO ANG
The Human & The Vampire
VampirePlot: Sino nga ba ang mag aakala na ang isang katulad ko na tao lang ay mamahalin nang isang bampira. Bampira na kinatatakutan nang lahat nang angkan niya, isang bampirang napaka lakas at kayang pumatay nang kahit na sino man. Ngunit paano kung tut...