Chapter Seven:
Jillian POV
Nakakainis ka Nick Evans! Hindi mo man lang ako pinapansin nakakainis kana talaga! Ikaw pa ang may ganang hindi mamansin samantalang ako eto nag eemot... eh bakit ba kasi! Ano bang big deal ang pagiging bampira mo!
Linalaro ko lang kamay ko habang naka simangut o pout ah basta naiinis talaga ako sa kaniya.
Narinig ko sinabi niya pangalan ko kaya napatingin agad ako sa kaniya kaso hindi naman sya naka tingin saakin, mmm baka nabingihan ko lang tssk. Baliw na talaga atta ako kung ano ano nalang naririnig ko at bakit ka din naman tatawagan ng mukong na yun eh hindi ka nga niya pinapansin Jillian.. eto nanaman po ako.... kausap nanaman ang sarili.
Napansin kong biglang tumayo si Nick tinignan ko lang sya, walang emosyon mukha nyang lumabas dito sa classroom dahil din may pagka ewan ko bigla nalang din ako napatayo at sinundan siya, may sariling buhay nga atta paa ko kusa nalang naglalakad.
Nakarating kami dito sa rooftop, hanggang ngayon hindi niya parin namamalayan nakasunod ako sa kaniya kaya nag tago lang ako, pinagmasdan ko lang siya at mukhang malalim iniisip niya problema din ba 'tong tao na 'to?,...kusa nalang ulit nag lakad paa ko papunta sa kaniya.
"N-nick?" Napatakip naman ako ng bibig ko ano ba ginagawa ko? Wag nyong sabihin kakausapin ko tung mukong na 'to eh sya nga ang hindi namansin kanina eh tumalikod nako para umalis na kaso bigla siyang nag salita
"Hindi ka ba natatakot saakin Jillian?" ang cold ng boses niya parang akong naging yelo sa kinatatayuan ko pero nangiinit buong katawan ko (ano yun mix temperature? Hot and Cold) ahy grabe siya...
"A-ako?" sabay turo sa sarili ko tumingin naman ang mokong sa likod ko tskk! Napaka ano nya eh ano?!
"Tsk!" Sabi ko nga ako.
"Bakit naman ako matatakot sayo? Naniniwala naman ako sa bampira ah, tiyaka ano naman kong bampira ka dapat na kitang katakutan?" Nag crossed arms naman ako "Wala akong pake kung bampira ka man o ano basta kahit kailan hindi ako matatakot sa pangit mong mukha unggoy ka!" Pagtataray ko sa kaniya para naman hindi mahalata natatakot talaga ako sa kaniya huehuehue....
"pfffft hahahaha Pffttt" habang hawak niya tian niya sa kakatawa! Aba! Ano ba mali sa sinabi ko!? May nakakatawa ba? Wala naman diba?
*boggggsssshhhh Ehdi tumahimik ang mukong sa kakatawa ng batokan ko siya kakainis eh tatawa hindi ko man lang alam ang dahilan eh di OP nako nun diba!
BINABASA MO ANG
The Human & The Vampire
VampirePlot: Sino nga ba ang mag aakala na ang isang katulad ko na tao lang ay mamahalin nang isang bampira. Bampira na kinatatakutan nang lahat nang angkan niya, isang bampirang napaka lakas at kayang pumatay nang kahit na sino man. Ngunit paano kung tut...