Part 5.

434 16 0
                                    

EYA'S POV
"A-aray ko!!" Ang sakit ng tuhod ko. Syet. Nasa clinic kasi kami ngayon. Alam niyo kung sino may kasalanan kung bakit ako andito?? Si Bryan!! Oo. Siya!! Nakakainis kasi ehh. Ang epal!!
FLASHBACK
"Sige sampalin mo siya. Papaduguin ko yang labi mo." Hinila na ako ni Bryan papalayo sa lugar na yun. Teka, si Bryan??!!
"Huy. Ano baaaaaa!! Bitawan mo nga ako." Tinignan niya lang ako at parang naiinis na siya.
"Wala ka ring utak nohh?? Buti nga tinulungan pa kitang makawala dun ehh. Ano ba kasing ginawa mo at sasampalin ka na nung babaeng yun ??!!" Inis niyang sinabi. Tuloy-tuloy pa rin siya sa paghila sakin hanggang sa makarating kami sa. . . rooftop??
"Huy. Bakit tayo andito??" Hindi pa rin siya nagsasalita.
"Huy." Wala pa ring kibo.
"Huy." Aba, Nakngteteng. Wala pa ring kibo??
"HOOOOOOOOOOY BRYAN!!" Tinignan lang ako ng mokong. Abnormal ba siya??
"Ano??" Bored niyang sagot.
"Problema mo??"
"Problema mo rin??"
"Wala ka ring kwentang kausap noh?? Dyan kana nga." Aalis na sana ako ng hinila niya ako bigla. . .
"Dito kana lang muna. Baka mamaya, anong manyari sayo ehh." Pero dahil sa pagkalakas ng hila niya. Ayun nadapa ako. 00. Sa harapan niya. At sa kamalasan ko ehh nadislocate ata tuhod ko.
"Hahaha. Tanga." Aba tinawanan lang ako nito?? Ang sakit kaya. Tinignan ko lang siya. Bigla naman siyang tumahimik.
"Ayyyy masakit ba ??"
"BOBO KA TALAGA BRYAN!! NAKITA MONG DI NA AKO MAKATAYO. TATANUNGIN MO PA AKO NG GANYAN!! ABA!! DALHIN MO AKO SA CLINIC!!" Galit na ko nyan.
"Sus. Ganti ko lang yan sayo nohh. Iniwan mo ba namn ako dun sa mga fangirls ko." Tas sabay ngiti
ABA.
"Letse. Taka may mga fangirls ka?? Hahaha!!"
"Mang-aasar ka pa o tutulungan na kita??"
"Ayy. Sige na. Tulungan muna ako. Hehe. Ikaw rin naman may kasalanan ehh. BELATTTTTTT!!"
"Buhatin kita ha." Saka ako binuhat ng parang pangkasal. OMG. Ang awkward tignan!!
"WAHHHHHH. IBABA MO AKO!!"
"Bobo ka rin nohh. Mas madali na to." Sabay smile niya. Bale nakaharap ako sa gwapo niyang mukha. LOL. Did I just day that??
"Ano ba yan. Ang lapit ng mukha mo!! May bad breath kapa naman. Yuck!!" Joke lang yun mabango amoy niya. Hahaha sarap asarin ehh.
"Halikan kita ulit gusto mo??" Ayy mahangin pala si Kuya.
"Pakamatay ka muna."
"Isasama kita pag gagawin ko yun."
"WEHH. I love my life nohh."
"Mine too."
"Tss. EWAN KO SAYO."
"Tumahimik kana nga lang!!" Inis na siya kaya tumahimik nalang ako. Baka halikan talaga ako nito ehh. Nyahahahaha. Pangit niya.
END OF FLASHBACK
"Miss masakit pa ba??" Sabi nung nurse na naglagay ng hot compress sa tuhod ko. Mukhang kaka graduate lang ata nito ehh.
"Ayy hindi na po. Unti na lang." Nagsmile naman siya sakin.
"Naku buti naman."
"Haha. Oo nga ehh. Buti medyo nawawala na yung sakit."
"Ang sweet namn ng boyfriend mo, kinikilig ako sainyo!!"
BOYFRIEND??
"Ayyy ate nurse hindi po kami!!"
"Aysos. Wag kana magdeny. Ganyan rin ako sa EX ko kaya nagbreak kami. Dineny ko kasi siya dati. Naalala ko tuloy siya." Ayy magreminisce?? TINATANONG KO BA??
"Hehe. Ganun po ba?? Okay lang yan. Madami pang lalaki dyan."
"Haha. Kakatuwa ka. Well, Sana. Pero infairness, Ang swerte mo!!"
"Bakit naman po??"
"Kung hindi mo man boyfriend si Bryan Lim, at least kakilala mo siya."
"Nye. Ano naman pong meron sakanya?? Bakit ba sikat na sikat siya dito ate nurse?? Anak ba siya ng principal??
"Hahaha!! Baliw ka talaga!! Nyahhahaha!! Patawa ka rin." Bakit ako tinatawanan nito?? Seriously. : |
"Ate mukha ba akong nagjojoke??" Tumigil siya sa kakatawa at biglang kumunot noo niya.
"You seriously don't know??"
"Hindi nga po. Who the hell is he??"
"Kasama mo pero di mo kilala??"
"Hinatid lang niya ko dito sa clinic, di po kami close. Okay na??"
"Siya lang naman ang pinaka-hot na teenager sa America ngayon. Kahit sa buong Asia, siya. Dahil na rin yun sa kagwapuhan niya at magaling rin sa singing, dancing and even acting!! Saan kapa ALL-IN-ONE siya." Hahaha. Yung kumag na yun?? Sikat?? Artista??
"OHSHITDINGAPOOOOOOOOOOOOOOOO??"
"Oo nga ang kulit. May fanbase yun, over 3 million fans niya. Ang reason na andito siya, is to experience her Mom's lifestyle. Hindi pa yun nagkaka-gf!! Kaya, kung madaming nakakakita sainyo kanina, panigurado, susugurin ka lahat ng fangirls nun." NAKUPOOOOOOOOOOOOO!!
"Sige po. Alis na po ako. Bye."
Bigla akong tumayo. Lumabas na ako ng clinic. Hindi na masyadong masakit yung tuhod ko ha. Kaya nga nakalabas na ako ehh. Anyways, ngayon clear na saakin ang mga pangyayari.
1. Artista si Bryan. Sikat na sikat siya.
2. Siya yung humalik saaikn kahapon, yung mayabang na mokong pero siya rin naghatid saakin sa clinic ngayon.
3. Madami siyang fangirls. Ayoko pang mamatay.
Kailangan makabalik ako sa classroom ng buhay!! Although I doubt it kasi may naghihintay saakin sa labas ng clinic. Kaya pala biglang timibok ang puso ko.

ANG BOYFRIEND KUNG ARTISTA  (LoiNie)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon