[Pinky's POV]
Magbabakasyon na naman at magda-dalawang taon na din kami ni dion na magka relasyon. Iisang school na kami pumapasok. Kaso engineering siya at ako naman accountancy tulad ni Gino.
Tahimik akong naka upo ngayon at nagbabasa. Nakakalungkot naman tong binabasa ko, totoo kaya to? Possible bang mangyari na bigla nalang mawawala ung spark, ung kilig, ung love sa isang iglap kahit walang third party? Huh saklap! Napa isip ako, sa story kasi after 3 years bigla nalang na fall out si girl at boy sa isa't isa. Parang nasanay na sila na wala na ung isa't isa sa mga buhay nila. Hay! Mangyari kaya yun samin ni dion? Wag naman sana.
Tumayo na ko para puntahan si dion, busy kasi siya sa project nila kaya medyo nawawalan siya ng time pero okay naman kami. Pero sa pag tayo ko nalaglag ung mga naka ipit sa libro ko. Pinulot ko yun at nakita ko ung picture naming lahat nung graduation day namin nila mish kasama ung chikboys. Kumpleto kami dun, si mish, ako, dion, spade, elise, jhake, gino, xander, ken, Alvin, at Anthony. Nakaka miss, nasan na kaya si mish at spade? hindi ko na sila nakita simula nung araw na yun.
Tumayo na ko at naglakad papunta sa college nila dion.
"uy pinky" bigla akong tinawag ng isang lalaki, pag lingon ko si gino pala
"bakit?" tanong ko
"sabi ni dion may gagawin siya ngayon pero sunduin ka nalang daw niya ng 6pm sa boarding house mo" sabi niya.
"ah ganun ba. Pano niya nasabi sayo?" tanong ko
"tumawag siya. Hindi ka daw niya makontak eh" sagot naman ni gino. Pag tingin ko sa phone ko na nasa bulsa ko nadrain na ata.
"ah sige salamat" sagot ko. Nagdesisyon nalang ako na umuwi sa boarding house at magintay ng 6pm.
Sa totoo lang medyo naghihinanakit na k okay dion. 2 weeks straight na kaming hindi nagkikita. Magtetext lang siya pag nag text ako. Di ko maiwasang maisip na baka naman may iba na siya. Balita ko pa naman may kaklase siyang babae na may crush daw sakanya. At umamin pa ung babae, kainis! Nung nalaman ko yun parang oras mismo gusto ko mag shift sa engineering!
—
6PM na. narinig ko nalang na may bumusina mula sa labas ng bahay. At alam ko siya na nga yun
Pag labas ko nakita ko siya habang nakangiti sakin at may dalang isang boquet. Parang lahat ng sama ng loob ko nawala bigla. Gusto ko lang sa mga oras nay un ay isang matagal na yakap. Hindi ko alam kung bakit pero parang nabasa niya ang naiisip ko at bigla niya kong niyakap na sobrang higpit. Kulang na nga lang mabali ang mga buto ko sa higpit. Haha joke.
Nasa sasakyan na kami at binabasa ko yung naging ending nung binabasa ko kanina. Ayun hindi na talaga sila nagka balikan. Kainis!
"Ano yung binabasa mo. Seryoso ka masyado" biglang tanong ni dion
"ito? Isang nakaka bitter na story. Alam mo yung sobrang inlove sila sa isa't isa tapos after ilang years bigla nalang nawala yung spark ng love nila. Napaka imposible!" bitter na sagot ko
"haha baka naman may reason" sabi naman ni dion na natatawa sa reksyon ko
"uhm.. parang wala namang nabanggit na reason ang sabi kasi sa kwento. Isang araw nagising yung girl na sanay na siya na busy sila nung guy. Na hindi na sila madalas magkausap. Then suddenly they both realized that the magic of love left them. It's gone" habang binabanggit ko yun iniisip ko, aling part ba dun ung reason?
"I think yun yung reason, nasanay na sila na wala yung isa't isa. Sa relationship kasi you should be with the one you can't live without" paliwanag niya. Napatingin ako sakanya, hindi ko alam pero biglang lumabas sa bibig ang tanong na ikinabigla naming dalawa.
"parang tayo? Nasasanay na tayong di tayo nagkikita, di nagkakasama. Ibig sabihin mawawala na din yung spark natin?" tanong ko
"ano ka ba my labs, kwento nila yan hindi satin. Kahit na di tayo nagkikita may reason tayo. Tsaka pag di naman tayo busy araw araw tayong nagkikita di ba. Hindi ka masasanay na wala ako dahil hindi kita sasanayin na wala ako sa tabi mo. Just trust me" sa sinabi niya napanatag ako.
Nakarating kami sa isang restaurant.
"hoy dion hindi ata bagay suot ko ditto. Bat di mo sinabing sa high class restau tayo pupunta edi sana nag formal ako" halos hilahin ko na siya pabalik sa sasakyan nakakahiya naman kasi yung suot ko. Green long sleeve with hood pa yung suot kong damit at black pants tapos suot ko pang sapatos yung regalo niyang converse. Nakakahiya akala ko naman kasi sa fast food lang kami >.<
"ok lang yan my labs, ang mahalaga ikaw mismo. I love you" awwts ang sweet niya talaga.
Papasok na kami sa restaurant ng bigla nalang bumagsak si dion at may tumakip ng panyo sa ilong ko at...
author's note:
part II will be posted tomorrow :)
good night
-Charming Scarlet
BINABASA MO ANG
Destiny's Game: Compilation of One Shot Stories
Teen Fictiondito niyo mababasa ang side stories ng mga characters mula sa Destiny's Game book 1 at sa Book 2 na I'm Trapped.