Our Story Part II

116 2 0
                                    

[Dion's POV]

"argh! Ang sakit ng ulo ko" unti unti kong minulat ang mga mata ko. Teka? Nasa ospital ako? Pumikit ulit ako para alalahanin yung nangyari. Nang malinawan ako napabalikwas ako ng bangon

"si pinky?" sigaw ko. Natawag nun ang atensyon ng mga tao sa paligid ko kaya agad silang lumapit

"bro easy" pang aalo sakin ng isang lalaki

"sino ka naman?" tanong ko pero nakuha ng isang babaeng nakatalikod ang atensyon ko

"pinky" tawag ko sa babae pero ng humarap ito kahawig lang pala. Pero kung titignan mo sa biglang tingin aakalain mo ngang siya si pinky

"ako si sef. Ito yung kapatid kong si liz" sagot nung lalaki

"ano naman? Bakit ako nandito? Nasan si pinky?" sigaw ko

"kalma ka nga. Gumagawa na ng paraan ang mga pulis para mahanap yung kasama mo" sagot nung lalaki na si sef.

"mahanap? Teka, ano bang nangyayari? Bakit ako nandito?" sunod sunod na tanong ko

"obvious naman na magkahawig yung kasama mo at yung kapatid ko di ba. Nung mga oras nay un may nag tangkang kumidnap sa kapatid ko at sa tingin namin nagkamali sila ng babaeng nakuha. Since ilang araw na ding napapansin ni liz na may nagmamatyag sakanya we conclude na baka nga siya dapat yung kikidnapin unless may kaaway o nagtatangka din sa kasama mo" paliwanag nung sef

Napailing ako. "wala, walang akong nakikitang dahilan para may magtangka kay pinky kaya imposibleng siya talaga yung pakay" mahina kong sagot parang nanghihina ako na malamang nadukot si pinky ng mga masasamang tao.

"so ang nakikita talaga naming ditto ay mistaken identity" sabi naman ng isang pulis

"pero anong gagawin natin? Pano natin mahahanap si pinky? Baka mapano na yun" sabi ko. Hindi ko mapigilan pero bumalik sa alaala ko yung nangyari nung high school pa lang kami. Nang kidnapin ng grupo nila steph si mish at pinky. Kung anong itsura niya ng abutan ko siya, na walang malay at nakandusay sa sahig at naliligo sa sarili niyang dugo. Ayoko ng maulit pa yun, lalo na ngayon na mas halang ang mga dumukot sakanya at hindi lang simpleng away ng mga high school students. Sa pag iisip ko di ko namalayang tumulo na ang luha ko.

"uy kuya wag ka ngang umiyak. Bakla ka ba" sabi nung liz. Tinignan ko lang siya ng masama

"kung ikaw sana yung nadukot edi hindi ako umiiyak ngayon. Kaso hindi eh, yung girlfriend ko na walang kinalaman sainyo yung natangay. Anong gusto mong gawin ko? Magpa-party pa ko?" sagot ko

"hoy wag mong ganyanin yung kapatid ko, wala naman siyang kasalanan ha" sabi naman ni sef

"so sinong may kasalanan? Kami? Ang kapal mo din noh" susugudin ko n asana si sef ng umawat yung pulis

"ano ba kayong mga bata kayo. Ikukulong ko kayo, hindi ito ang oras para mag sisihan pa kayo" pagalit niya samin

"sir, nakita na po yung sasakyang ginamit ng mga kidnapper" biglang sabi ng bagong dating na pulis

Hindi na kami nag atubili at sumama sa mga pulis papunta sa isang ware house sa antipolo. Sobrang kaba ang nararamdaman ko, paano nga kung maulit yung nangyari noon? Paano kung manlaban si pinky?

"kuya si mommy tumatawag" biglang nagsalita si liz na katabi ni sef sa unahan ng sasakyan

"sagutin mo, baka nag aalala na yun na hindi pa tayo nakakauwi" sagot naman niya

"hello? Mommy!" sagot naman ni liz pero maya maya lang ay nagsisigaw na ito

"mommy! Mommy! Hoy wag mong gagalawin ang mommy ko ipapakulong kita" sabi niya habang tuloy ang agos ng luha. Maya maya lang ay binaba niya na ang telepono at umiiyak pa ding tumingin sa kuya niya na siya namang naghihintay sa sasabihin niya.

Destiny's Game: Compilation of One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon