SHE’S GONE (Full Story)
[Author’s Note: yes, ito yung entry ko sa writer at heart na nanalo ng 3rd place. And yes, this is the full story. Sa contest ay (2000) two thousand words limit kaya pinilit kong paikliin ang kwento pero nandun pa din yung complete thought ng story. Pero para mas maintindihan niyo kung saan ba talaga nagsimula si martin at Brianna, ipo-post ko na yung full story :) hope you’ll like it]
P.S. Martin Oliver Torres is a Character from DG II: I'M TRAPPED. ito na talaga yung side story niya bago pa man magkaron ng contest na writer at heart kaya dun ko muna ipinasa since drama naman talaga ang genre nito. ayun lang, enjoy reading.
--
Nasa backstage pa ko pero abot langit na yung kaba ko. malakas kasi ang pakiramdam ko na ako ang mananalo. Final show na ng talent search na sinalihan ko and today I will give my best. Because today, I will perform for my dreams and for the girl who gave me strength to push forward everything.
“let’s welcome, Mr. Tom Torres” narinig ko na yung host. Yes, I am Tom Torres. Yan ang binigay nilang screen name ko at yan na ang pangalang tatandaan ng tao. Pero ako pa din si martin ng nag-iisang Brianna ng buhay ko.
Pag labas ko ng stage nakakasilaw na liwanag ng spotlight ang sumalubong sa’kin, ilang saglit pa ay naaninag ko na ang napakaraming taong nanunuod sa gabing yun. Napangiti ako, iniisip ko kung sa dami ng taong nandito… isa kaya d’yan si Brianna? Sana kahit man lang sa TV nanonood siya. Pero bahala na, basta ang lahat ng ‘to ay para sakanya. Narinig ko na yung panimulang tugtog, Kung akin ang mundo by Kahlil Ramos. Sa pagsisimula kong kumanta Unti-unting bumalik sa alaala ko ang lahat mula ng una naming pagkikita.
**
“hoy! Ikaw si Martin Oliver Torres di ba!” naglalakad ako nun sa campus ng lumapit yung babaeng pamilyar sa’kin. Inisip ko muna kung saan ko siya nakita dahil pamilyar siya. At tama nga ko, madalas ko siyang Makita kasama yung mga kaibigan niya. Maganda siya kaya mabilis mapansin kaso nakaka-turn off tumawa, parang hindi babae kung makanganga.
“ano naman sa’yo kung ako nga” sagot ko.
“ako nga pala si Brianna Louise Mayen at inuutusan kitang maging boyfriend ko for 100 days, okay!” nanlaki yung mga mata ko sa gulat.
“baliw ka ba? Excuse me miss ha, una sa lahat wala kang karapatang utusan ako. Pangalawa, wala akong balak kumuha ng sakit sa ulo kaya lumayo ka sa harapan ko at pangatlo, magpa-check up ka na sa psychiatrist, malala ka na” umalis na ko at nilagpasan siya pero hinawakan niya yung likod ng polo ko.
“sige hindi na kita uutusan. Pero pwede mo ba ko maging girlfriend? 100 days lang” nakatalikod ako sakanya pero alam kong nagpapaawa yung mukha niya base na din sa boses niya.
“yung totoo miss, may saltik ka noh? ano namang mapapala ko kung magiging girlfriend kita?” this time lumingon ako sakanya. Ngumiti muna siya bago nagsalita.
“maganda ako at mayaman. Sikat ako sa school. Matalino din ako. Di ba transferee ka? Dito, pag girlfriend mo ko siguradong sikat ka. Madaming makikipag kaibigan sa’yo” napataas yung kaliwang kilay ko.
“miss alam mo maganda ka nga, pero sa tingin mo? Hindi ka ba masyadong mahangin? Eh nagbubuhat ka na ng sarili mong bangko eh. Tsaka kung sikat ka bakit wala kang boyfriend?” yung tono ko nang-aasar na. ngumiti pa din siya.
“kasi ikaw yung gusto ko” confident na sabi niya.
“alam kong gwapo ako, pero mas gusto kong ligawan yung babaeng magugustuhan ko. wala kong balak magkaron ng girlfriend na tulad mo! Hindi ba uso sa’yo si maria clara?” nang-aasar na sagot ko.
BINABASA MO ANG
Destiny's Game: Compilation of One Shot Stories
Teen Fictiondito niyo mababasa ang side stories ng mga characters mula sa Destiny's Game book 1 at sa Book 2 na I'm Trapped.