I scribbled the words I'm seeing in front of me in my notebook as I'm patiently waiting for the dismissal. Nakapalumbaba pa ako habang nakaupo sa isang armchair na nakapwesto sa bandang gitna na tabi ng pader. It's already quarter to 5 but I'm still in my class. Nalipat lang ang aking mga mata nang may isinulat ang Prof sa board. Saglit akong napatingin sa bintana na kalapit lamang ng aking pwesto. Sumalubong agad sa akin ang kulay kahel na paligid na dala ng panghapong langit. It's really pretty to see. Its hues that glisten on the surroundings are so satisfying to watch. It can make someone feel calm and heal somehow. Samahan pa ng malamyos na hangin na nagpapasayaw sa mga puno at halaman.
I really like to watch sceneries like this. It's actually my comfort. I appreciated its hidden beauty even in its tiniest details.
Nawala lang agad ang aking mga mata roon nang may sinabing kung ano ang Prof namin na hindi ko agad nasundan. Half-open mouth, I watched him as he went out of the room until he's out of my sight.
Ano raw?
Agad na nalipat ang aking mga mata sa aking gilid nang may kumaluskos doon at bumungad naman sa akin si Trisha. "Tara na," saad niya habang inaayos ang strap ng kanyang bag.
"Ano raw 'yon?" tanong ko na ikinatigil niya.
"Ang alin?"
"'Yung sinasabi ni Sir kanina." Agad ko ring inayos ang aking mga gamit at tumayo na nang matapos. Sabay kaming lumabas ng silid at sumalubong naman agad sa amin ang kalmadong hangin ng panghapon.
"Ah... 'yung gawain? By pair ata 'yon eh at piliin na lang daw ng partner so, tayo na ang magpartner!" anunsyo niya sabay palupot ng braso niya sa akin.
I jokingly sighed. "Sana may choice ako," nguso kong sabi na tinawanan niya.
"Oo, wala ka na talagang choice!" Inakap niyang muli ang aking braso at hinigit sa kung saan.
I continued my walk as I slowly concluded that she's dragging me to the canteen. She pulled me off to one of the vacant tables out there at umupo.
"Akala ko sa labas ka bibili," sabi ko at ipinatong ang aking bag sa ibabaw ng lamesa. She usually buys food outside dahil mahal daw dito at limitado lamang ang mga pagkain kaya nagtaka ako sa kanya kung bakit naisipan niya ngayong bumili rito.
She shook her head. "Hindi na muna ngayon..."
Kumunot naman ang aking noo dahil sa kanyang tono ng pagkakasabi at mukhang napansin niya ang reaksyon ko kaya bigla siyang tumawa. "Para maiba naman!"
I stared at her more because she looks kinda suspicious. She laughed. "Gaga! Gusto ko naman ng siopao rito sa canteen."
I slowly nodded at her na tinawanan n'ya ulit. "Bili lang ako. Kakain ka ba? Ako na lang ang bibili," she suggested while moving her brows, up and down.
I opened my purse at kumuha roon ng barya. "Lemonade na lang sa'kin."
"Alright!" she said and turned her back at me to go to the stall.
Ibinaling ko sa paligid ang aking mga mata at itinuon ito sa labas habang naghihintay. I'm loving the color of the surroundings. The combination of yellow and orange hues are can be seen everywhere. Pinanood ko pa ang mga dumadaang estudyante roon hanggang sa maramdaman ko ang pagdating ni Trisha. Agad niyang inilahad sa akin ang lemonade ko at iniligay naman niya ang kanyang meryenda sa lamesa bago umupo. It's a large size siopao, fries, and lemonade.
"Ang dami ah..." I trailed off at humigop sa aking lemonade.
"Kanina pa tayo nasa klase 'no! Kakagutom kaya," saad niya.
BINABASA MO ANG
If I Didn't Fall
RomanceShe can't remove him from her system even she tried. He's like a magnet to her mind that she can't pull out. Her heart is fragile for him that she never thought that would happen. Falling in love does not always bring butterflies to your stomach, a...