Chapter 3

372 135 71
                                    

"Nakikita mo ba? Pakopya ako," ani Trisha na nasa tabi ko habang nakatingin sa aking notebook.

Tumango ako at ibinigay sa kanya ang akin. This is our last class for today at patapos na rin ito.

"Ang bilis mo magsulat," puna niya.

Napatawa naman ako. "Ikaw naman ang bagal mo. Pino-perfect mo pa ata kada letter."

Hinampas niya ako. "Hindi ko kaya makita!"

"Baka tinatamad ka lang magsulat,"

"Well, medyo. Labas na labas na 'ko. Gusto ko nang magmeryenda. Gusto ko ng smoothie," she said while pouting.

I laughed. "Naubos mo na 'yung biscuits na binili mo kanina?"

"Oo. Nauuhaw na 'ko ngayon."

Napailing ako habang natatawa sa kanya. May halimaw ata ang kanyang tiyan.

Trisha hurriedly fixed her thing upon our prof went out of our room. Sinabayan ko na rin siya dahil alam kong kanina pa niya gustong lumabas.

"Cr lang ako. Hintayin mo na lang ako sa labas ng room," paalam niya kaya tumango na lamang ako.

Seconds passed at akala ko ay nakaalis na siya nang bigla na lang niya akong tinawag. Napalingon ako sa kanya at nakitang nasa hamba siya ng pintuan.

"Bilisan mo. May naghihintay sayo rito!" she said with a tone while smiling. 

Hindi pa ako nakakasagot sa kanya ay bigla na lamang siyang kumaripas palabas. Napailing na lamang ako at itinuloy ang pagliligpit ng aking mga gamit. Nang matapos ay kaagad naman akong lumabas at bumangad sa akin ang isang pamilyar na pigura. Ngumisi siya nang makita ako. Lumapit pa siya kaya sinalubong ko na rin. 

"Tapos na ang klase mo?" I asked him and he nodded.

"'Yung groupwork n'yo kanina, tapos na rin?" tanong ko pa habang naglalakad papunta sa gilid dahil baka nakaharang na kami sa daanan.

"Yes, ma'am." I frowned at what he just called me and he just laughed it off.

"Tumulong ako kung iyon ang iniisip mo. Ako pa ba,"

I hit his arm. "Bakit ka pa ba pumuntang canteen kanina? May klase pa pala kayo, kung saan-saan ka pa nagpupupunta."

"I told you, may tiningnan nga ako. Tsaka sinamahan ko 'yung kaklase ko. May binili s'ya kanina sa canteen."

Hindi ko alam kung maniniwala ako sa kanyang sinabi dahil sa ngising ipinapakita niya ngayon sa akin. Naputol naman agad ang tinginan namin nang biglang dumating si Trisha.

"Ayos pa ba tayo d'yan," aniya.

Tumango ako.

"Saan kayo?" Exel's asked.

Tumingin sa akin si Trish. "Meryenda tayo?"

I nodded at tumingin naman sa lalaking kasamahan namin. "Sama ka?"

He grinned and nodded. "Syempre."

We decided to go to a cafe along our campus dahil nga sa kagustuhan na rin ni Trisha na uminom ng smoothie. Unfortunately, wala pang bakanteng lamesa nang pumasok kami roon. Dayuhin kasi ito ng mga estudyante kaya madalas ay punuan. Milk teas at smoothies ang mabili sa kanilang menu dahil kadalasan ngayon ay pampalamig lang ay busog na ang mga customer. They also offer brownies, cupcakes, and different varieties of bread na masarap ipares sa mga iyon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 07, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

If I Didn't FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon