Prologue

4 0 0
                                    


Napaka-tahimik ng lugar na iyon kung ikukumpara sa ibang parte ng kabakuran ng mansion. Tanging ang malutong at matinis na tawa ng isang batang babae ang maririnig. Tahimik na binaybay ng isang batang lalaki ang pasilyo upang sundan ang pinanggagalingan ng munting tinig na iyon. Naka-lock ang pinto ng kusina kaya naisipan nitong upang upang sa tigiliran ng bahay dumaan. Habang papalapit siya ay lalong lumilinaw at lumalakas ang boses na kanyang naririnig.

"Hmm. Tama sa babae nga yong boses na naririnig ko," aniya.

Muntik na itong masubsob ng sumabit ang paa nito sa isang ugat. Nanggigigil na binunot nito ang halamang may sala. Hinid niya alam kung bakit siya nagpapakahirap na sundan ang boses na yon kaya naman balak na niyang bumwelta pabalik ng muli na namang marinig ang munting tawang iyon. Napapailing at napapangiting ipinagpatuloy nito ang paglalakad patungo sa likod ng bahay.

Napaka-ganda sa kanyang pandinig ng tawa ng batang iyon kaya hindi nito maiwasang mahumaling at ma-curious. Pagdating sa pinaka-dulong parte ay dahan-dahan siyang sumilip para aninagin kung may tao doon.

Isang batang babae na nakatalikod ang nakita niyang may inaabot sa isang sanga ng maliit na puno. Sa isang medyo malaking bato lamang ito nakaapak at kia niyang mabuway ang pagkakatayo nito. Tatawagan na dapat niya ito para paalalahanan ng biglang matumba ang inaapakan nitong bato. Nag-alala siya ng makitang hindi ito gumagalaw kaya naman dali-dali siyang lumabas sa pinagtataguan para tulungan ito. Ilang dipa pa ang layo niya dito ng unti-unti itong bumangon.

"Bata, nasak-"

Napatigil siya sa paglapit dito at sa pagsasalita ng biglang tumawa ang batang babae. Yong tawa na tipong tuwang-tuwa pa ito sa nangyari.

"Nag-alala pa naman ako sayo. Hindi ko alam na para ka palang taga-circus," napapa-iling na napapangiting sabi niya.

Mukhang nagulat ito ng bigla siyang magsalita. Hindi naman kasi siya nagparamdam kaya buong akala siguro nito ay mag-isa lang ito sa luar na iyon.

"Sino ka? Bakit ka nandito? Paano ka nakarating dito? Taga-circus?" Sunod-sunod na tanong nito. Unti-unti itong tumayo habang nagpapag-pag ng suot nitong bestida. Hinawi nito ang buhok na tumatabing sa mukha nito habang humaharap.

Tumambad sa kanya ang isang napaka-cute na mukha. Mukha itong manika tat may napaka-among mukha. Pinipilit nitong ayusin ang buhok na tumatabon sa mukha nito. Nang walang magawa ay hinipan na lang nito iyon. Napangiti naman siya sa itsura nitong hirap na hirap sa pag-aayos ng sariling buhok.

Singkit ang mga mata nito na may mahahabang pilik. Matangos ang ilong at may magagandang hugis ng labi, maganda ang kutis nito at maputi. Maganda at mahaba ang buhok nito na alon-alon. Maliit lang ito na halos umabot lang sa kanyang balikat ang tangkad.

"Bakit hindi mo sinasagot ang tanong ko?" Tanong nito. Nagsimula na rin siya nitong tingnan mula ulo hanggang paa. Ibinalik nito ang tingin sa mukha niya at ikiniling ang ulo. Pinaliit pa nito ang mata hbng hinihintay siyang sumagot.

"Sinusubukan ko lang ikutin ang paligid nitong bahay ng makita ko ang mangyari sayo. Ang akala ko kasi kailangan mo ng tulong pero mukhang okay ka lang naman. Sige aalis na ulit ako," aniya. Nagsimula na siyang maglakad mula sa pinanggalingan na muli itong magsalita.

"Bakit ang sungit mo?" Tanong nito.

"Ha?" Nagtatakang napaharap ulit siya dito.

"Para kang yong kuya ko. Hmpt!" Nakalabing sabi nito. Napaka-cute talaga nito.

Bigla itong ngumiti at lumapit sa kanya. "Anong pangalan mo? Bisita ka aba dito? Ako nga pala si Madison. Nice to meet you po!" Medyo yumukod pa ito bilang pagpapakilala.

"I'm Zianne. Short for Briann Reeze. Hi!" Ngumiti ito sa kanya at bahagyang kumaway.

"Hmm. Then call me Madz. My friends and family are the only ones who calls me that name, saka ikaw na rin! Mukha ka namang mabait e." Nakangiting sabi nito kaya naman nahawa na rin siya sa ngiti nito. Nakakadala at napaka-gaan sa pakiramdam ng mga ngiti nito.

"Napaka-pormal mo naman. At saka parang ang tanda mo ng magsalita. Para ka talagang yong kuya ko." Then she giggled. Tuwang-tuwa ito habang pinapanood ang mga nagliliparang paro-paro.

"I'm 11y/o. Ikaw bata i-"

"It's Madz," pagtatama nito. "I'm 8y/o. na." Sabi nito habang binibilang ang daliri at saka ipinakita sa kanya.

"That's only 6," aniya. Nakakunot-noong napatingin ito sa sariling kamay at muling binilang iyon.

"Basta I'm 8y/o. na," mariing sabi nito.

"Anong ginagawa mo ditto sa likuran? Bakit hindi ka nakikipaglaro sa ibang bata sa loob?" Tanong niya dito.

"E ikaw? Ano ding ginagawa mo dito? Dapat andon ka din sa loob."

"Namamasyal nga ako di ba?"

"Ayoko sa kanila. Nagpapa-inggitan lang naman sila kung sino ang may mas magandang laruan at damit," naka-ismid na sabi nito. "At isa pa mas gusto ko dito sa tahimik. Mas maganda pati ang tanawin dito kesa sa loob. My mum's a nature-lover and so am I. Mas komportable ako dito kesa ang makipag-usap at makipag-laro sa mga hindi ko naman kakilala. Tapos parang feeling close pa yong iba kung batiin ako e I don't know them naman," inosenteng sabi nito.

"Me too. I don't like parties. I think I'm still young for that."

Napatawa ito. "Masyado ka namang seryoso tapos parang matanda ka na magsalita. Para kang papa ko." Tumatawa pa ring sabi nito. Pero nagbago ang ekspresyon ng mukha nito ng mabanggit ang papa nito. Napansin niya iyon dahil mataman niya itong pinagmamasdan habang nagsasalita. Napaka-transparent nito sa mga nararamdaman nito. Mukhang matalino ito base na rin sa paraan ng mga pagsagot nito.

"Madison!" Anang tininig mula sa loob ng bahay.

"Oh no! Hindi nila pwedeng malaman na nagpunta ako dito! Magagalit na naman ang papa ko!" Nagpa-panic na sabi nito.

"Madison!"

Mukhang natataranta na talaga ito kaya naman nagmamadali na itong tumayo at tumakbo. Muntik pa itong madapa sa pagmamadali.

"Sige kuya, mauuna na ko. Nice meeting you po ulit!" Bahagya pa itong yumukod saka muling nagtatakbo palayo habang kumakaway.

"Hmm.Cute," aniya habang tahimik na pinagmamasdan ito papalayo

Look At MeWhere stories live. Discover now