Chapter 1

1 0 0
                                    

"I don't wanna get married yet! Not with him!" Frustrated na sigaw niya. Nanggigigil na pinagsusuntok niya at pinagkakagat ang stuffed toy na unang nahagip ng kanyang mga kamay.

Matagal na niyang alam ang tungkol sa kasala na iyon. Nasabi na iyon sa kanya noon debut pa lang nila ng kakambal niya. Noong una pa lang ay tutol na siya sa ideyang iyon. Hindi naman sa ayaw niya pero alam naman ng lahat na ang namatay niyang kakambal an g mahal nito. Mula pagkabata ay ang dalawang ito ang sadyang malapit sa isa't isa.

Alam din niya na siya ang sinisisi ng mga ito sa pagkamatay ng kanyang kakambal. Parang kiminal ang nagging tingin niya sa kanyang sarili ng mga panahong nangyari iyon. Ipinilig niya ang kanyang ulo upang burahin ang mga malulungkot na ala-ala na pilit bumabalik sa isip niya.

"Ano na namang inia-arte mo diyan?" Nakataas ang kilay na sabi ni Daylie. Nilingon niya ang mga kaibigang pinagpipyestahan ang mga tsokolateng bigay ng mga so-called admirers niya. Isa-isa niyang tiningna ng masama ang mga ito kahit alam niyang hindi umeepekto sa mga ito ang mga pagtataray at paninindak niya. Napabuntong-hininga na lang siya ng wala man lang kahit isa sa mga ito ang pumansin sa kanya.

Hindi siya makapaniwala na tumagal siya na tanging mga ito lang ang lagging kaulayaw. Alam ng mga ito ang kwento ng buhay niya mula ng nasa tiyan pa lang siya na nanay niya.

"Aaaaaahhhh!!" Asar na sigaw niya. "Ayaw kong magpakasal okay?! Ayoko! As in ayoko!"

"Fine. Sabi mo e. Pero wala ka pa ring magagawa kaya you have no choice but to enjoy your marriage life." Walang ka-emo-emosyong sabi ni Eyrie.

Asar na nilingon niya ang kaibigang dire-diretso ng pag-nguya. Nagkibit-balikat lang ito sa nagging reaksyon niya. "Alam niyo bang sumasakit ang mata ko makita ko pa lang ang anino ninyong magka-kambal?"

Ngiting nang-aasar lang ang isinagot sa kanya ni Daylie habang si Eyrie ay no reaction pa rin.

"Oh kayong dalawa? Wala man lang ba kayong comments? Suggestions? Violent reaction?"

"Masaya na ko sa chocolates na to. Thank you," tanging sa sagot ni Shiel. Lumipat kay Ciell ang tingin niya.

"Ahmm.... Anon gang pinag-uusapan natin?" tanong nito.

"Grrrr.... Mga halimaw kayo! Ayaw niyo kong seryosohin?! Puwes~!" Isa-isa niyang inagaw ang mga nilalantakang chocolates ng mga ito.

"Hey!" Sabay-sabay na angal ng mga ito.

"Ano ba naman kasing problema kung magpapakasal ka kay kuya? E di ba matagal ka na rin namang may pagnanasa-" Napatingin si Ciell sa kanya saka alanganing napangiti. " Ermm... May pagtingin kay kuya. So wala ng problema sa'yo di ba? Hindi ka mahihirapan masyado na pakitunguhan siya."

"Ang tanong ay may gusto ba sa kanya si Ziann?" Banat naman ni Shiel. She glared at her.

"Lapain kaya kita diyan? Wag mong sabihing mas malaki ka saken, kayang-kaya kitang ubusin." Tumawa lang ito sa sinabi niya.

"Ikaw naman masyado ka namang seryoso." Tinapik siya nito sa balikat. "Cool ka lang friend. Hindi pa katapusan ng mundo."

"Pero katapusan na ng pagka-dalaga mo." Singit naman ni Daylie. "You know what girl, just accept the fact that it's going to happen and you can't do anything to stop it. Your mother also agreed with the idea and I think she wouldn't make any decision that she knows you'll not be happy with. Maybe she already predicted that this will be good for you. Painom ako, ang haba ng sinabi ko." Maarteng dagdag nito.

"It's because they though Bhless will be the youngest daughter," malungkot na sagot niya. "They didn't even know that I existed that time," pilit ang tawang dagdag niya.

"Madz, wag kang emo. You already know the truth. Your Mum does know about you from the very start. Nagkamali lang siguro si Tita Lexy ng pagkalkula sa mangyayari kaya nagkaganon," pag-aalo sa kanya ni Eyrie.

"Oo nga," sang-ayon dito ng kakambal nito. "Alam niyang Ziann will be a good influence to you. Ewan ko nga lang kung anong magiging epekto mo sa kalusugan niya pero sa tingin ko naman ay kaya ka niyang i-tolerate."

"Pwede ba? Ilang beses ko bang sasabihin na wala akong gusto sa kanya. I only see him as a brother-"

"You already have a brother hija," putol ni Ciell sa sinasabi niya. "Asawa na lang talaga ang wala."

"Oo nga," patuloy pa rin pagsang-sayon ni Shiel. "Asawa na nga lang ang available position sa buhay mo. Aba! Malaking opportunity na yan para sa'yo. Alam mo bang napakaraming nangangarap na maging Mrs. Lyell. Sabi nga ng professor natin dati, grab all the opportunities na dadaan dahil baka maagaw pa ng iba. Ahmm.. hindi ko sure kung yon nga yong sinabi niya pero sounds like ganon."

"Madz, save your energy for tomorrow kesa makipag-usap ka sa tatlong baliw na yan," tumawa lang ang tatlong tinutukoy nito. "Lalo ka lang mawawala sa katinuan kapag sa tatlong yan ka humingi ng payo. Bukas na lang ulit natin to pag-usapan. Well... on second thought, tanggapin mo na nga lang ang katotohanan. If there is something that we are sure about, iyon ay alam naming makakabuti ito para sa'yo. Kung alam naming na masasaktan ka lang sa gagawin mo ay ora mismo e itatakas ka naming dito. Ikaw pa, e baby ka kaya naming," nakangiting sabi nito. "Don't worry kasi whatever happens, we will always be at your back. We will do whatever it takes to ensure that you'll be happy. Hindi lang kami, meron pang tatlong unggoy na handing pumatay para lang sa'yo. Kulang na nga lang ay ipagpatayo ka ng altar ng mga yon at alayan ka ng bulaklak ng mga yon. Hindi lang nila ipinapahalata kasi ayaw nilang i-spoil ka."

"Hallelujah!"

"Praise the Lord!"

"Amen!"

Naiiyak na sana siya kung hindi lang nagsalita yong tatlong mangkukulam sa likod niya. Sinilip niya ang mga ito at nakita niya ang dahilan ng sandaling pananahimik ng mga ito. Nakuha na pala ulit ng mga ito ang mga chocolates na inagaw niya kanina. Muntik ng mahulog sa kama si Shiel ng tamaan ito sa noon ng ibinato niyang unan.

"Hey! That's foul! Bumabanat ka ng nakatalikod!"

"Gaga! Nakaharap ka kaya. E di sana e sa batok ka tinamaan. Ikaw talaga ang tanda mo na pero hindi mo pa rin alam kung alin ang harap at likod," buwelta naman ni Ciell dito.

"Hay nako, para talaga kayong hindi mga babae kung magsalita at kumilos. Hanggang ngayon ay ay hindi pa rin ako makapaniwalang naging mga kaibigan ko kayo. My gosh! Humuhulas ang make-up ko sa inyo!" Maarteng sabi ni Daylie.

"Parehas pala tayo Sis. Hanggang ngayon kasi e hindi pa rin ako makapaniwalang may kapatid akong kasing arte mo," nandidilat ang matang sabi ng kakambal nito.

"You're mean!"

"I'm just being honest."

"Hey you! That's my chocolate that you're eating!" Sigaw niya kay Shiel.

"Hindi mo naman gusto ang nagbigay nito di ba? Hayaan mo namang mapakinabangan ito ng mga alga naming sa tiyan."

"Wag kang mandamay Shiel, puro abandonado na ang mga tiyan namin.

"Akin pa rin yan kaya ako ang magdedesisyon kung kakainin ko yan o hindi."

"You're on a diet!"

"Says who?"

Nauwi na sa asaran at kulitan ang kanina ay seryoso nilang usapan. Kung matatawag ngang seryoso ang naging pag-uusap nila kanina. 

Look At MeWhere stories live. Discover now