Chapter 2 (Part 1)

1 0 0
                                    


"Good morning sunshine! Bumangon ka na diyan ar mag-aayos ka pa ng mga gamit mo. We have a flight to catch so you better get moving," malumanay na sabi ng lola niya.

"'La, masyado pang maaga at isa pa, na-impake ko na lahat ng gamit ko kagabi pa. So you don't have to worry na male-late tayo," nakapikit pa ring sagot niya.

"That's good. Then why don't you take a shower already and eat your breakfast. We'll be leaving in three hours."

"What?! I thought we'll be leaving this afternoon? Bakit napaaga?"

"Hija, we decided to book an earlier flight para medyo maaga tayong makarating doon. That for you na din my dear apo para mas matagal ka namang makapag-pahinga. It's your special day tomorrow at hindi ko hahayaang magmukha kang walking zombie bukas. Sige na, maghanda ka na. Your future husband and his family will be the one who'll pick us up at the airport," excited na sabi nito bago nagpasyang iwan sila.

"Oh my gosh! Matagal pa namang maligo si Shiel!" hysterical na sabi ni Daylie. "Mauubusan ako ng time Mag-make-up!" Dire-diretso na itong tumakbo sa banyo para unahan si Shiel.

"Haller! Mas matagal ka kaya sakin maligo no!" Bwelta naman ng tinutukoy nito.

"I'm doomed!" Lalong nade-depress na sabi niya. "Tell me it's only a dream," aniya at pabagsak na muling humiga sa kama.

"You're only dreaming honey. Kaya bilisan mo na ang kilos diyan at baka maiwan pa tayo ng flight papuntang dreamland," natatawang wika ni Eyrie.

"Wag ka ngang OA diyan. Ikakasal ka pa lang hindi ka pa mamamatay. Cheer up! We'll be meeting your hubby few hours from now." Tumatawang tumakbo papunta sa pinto si Ciell ng tangkain niya itong sabunutan.

"I'll be using the bathroom downstairs. Kumain na muna kayo habang naliligo ako. Tutubuan kayo ng ugat kapag yong dalawa na nasa banyo ang hihintayin ninyo," Eyrie gave gave her a comforting smile before leaving the room.

"You'll be fine. We're sure about that."

"Thanks Ciell. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala kayo."

"Save your tears for tomorrow. Tiyak na luluha ka niyan ng ilang drum sa pinto pa lang ng simbahan," tumatawang sabi nito.

"Wala ka talagang kwentang kausap. I'm serious!" nakalabing sabi niya dito.

Itinulak siya nito sa kama saka nagtatakbo na ulit sa pinto.

"Ang mahuling matapos kumain ang maghuhugas ng pinggan," nakangising sabi nito.

"Hey! I'm getting married so I shouldn't work myself too much," ganti niya dito.

"So what? Training nga yon para sa'yo. Goodluck!"

Nag-uunahang nagtatakbo sila sa kusina habang tumatawa.

"KINAKABAHAN ako."

"Madz, relax ka lang. Baka himatayin ka diyan. Aba, maawa ka naman. Hindi ka naming kayang buhatin. Ang bigat mo din kaya!"

"I'm not fat!" Bulyaw niya kay Shiel.

"I didn't say you're fat. Ang sabi ko mabigat ka."

"What's the difference?" Singit naman ni Daylie.

Sinimangutan niya ang mga ito. Hindi na talaga siya mapakali. She's been very nervous since the time the plane took off. What if hindi pa pala siya napapatawad ng binata? Sa mata ng mga ito ay siya ang may kasalanan sa nangyari sa kanyang kakambal. Ramdam niya na hindi pa rin niya kayang pakiharapan ito. She can still feel the pain caused by what he said before. If only she could turn back the time. She would never ever let that happen.

"Ano ka ba Madz. Ang likot mo. Para ka diyang naiihi na natatae," puna sa kanya ni Eyrie. Everything will be just fine. Just relax."

"Alam mo Sis, kahapon pa ko nauumay diyan sa linya mong yan. 'Everything will be just fine. You'll be fine.'," panggagaya dito ng kakambal.

"Hayaan mo siya kung feel niya mag-english," singit naman ni Ciell.

"Oh, nandiyan ka pala. Akala ko ba Shiel e isinako at itinabi mo na sa baul itong babaeng ito," asar pa ring sabi niya.

"Oo nga. Kaso naiwan ko pala sa loob ng baul yung susi e."

"Tse. Bakit pa ba kita kinakausap."

"Bakit nga ba?"

"Ah ewan. Ang iingay niyo."

"Kung napapansin mo mo hija, ikaw ang kanina pa imik ng imik diyan."

Pansamantalang nanahimik ang mga ito ng mag-serve ng pagkain. Bakit ba masyado niyang iniisip yong kasal na yon. She should already be prepared for it since she has been informed about it years ago. Siguro nga ay tama ang mga ito. She should just relax and go with the flow than complain and make herself miserable. Wala na rin naman talaga siyang magagawa. Napabuntong-hininga na lang siya sa mga iniisip niya.

"Ganyan talaga ang mga ikakasal. Wedding jitters lang yan. Ang pagkakaiba nga lang, hindi ka pwedeng umatras," binuntunan pa yon ni Daylie ng nang-aasar na tawa.

"Thanks friend. Napaka-thoughtful mo talaga at inaalala mo ang kalagayan ko. Kaya mahal na mahal kita e," sarkastikong sabi niya dito.

She just grinned at her then continued eating. She forced herself to focus on the food in front of her and brush of the thoughts that keeps on popping on her mind.

"By the way, the food's great. Tell that to the cook," sabi niya sa napadaang flight attendant sa tabi niya. The woman gave her a warm smile then went off.

Look At MeWhere stories live. Discover now