Chapter 2 (Part 2)

2 0 0
                                    

"KINAKABAHAN ako."

"Madz, relax ka lang. Baka himatayin ka diyan. Aba, maawa ka naman. Hindi ka naming kayang buhatin. Ang bigat mo din kaya!"

"I'm not fat!" Bulyaw niya kay Shiel.

"I didn't say you're fat. Ang sabi ko mabigat ka."

"What's the difference?" Singit naman ni Daylie.

Sinimangutan niya ang mga ito. Hindi na talaga siya mapakali. She's been very nervous since the time the plane took off. What if hindi pa pala siya napapatawad ng binata? Sa mata ng mga ito ay siya ang may kasalanan sa nangyari sa kanyang kakambal. Ramdam niya na hindi pa rin niya kayang pakiharapan ito. She can still feel the pain caused by what he said before. If only she could turn back the time. She would never ever let that happen.

"Ano ka ba Madz. Ang likot mo. Para ka diyang naiihi na natatae," puna sa kanya ni Eyrie. Everything will be just fine. Just relax."

"Alam mo Sis, kahapon pa ko nauumay diyan sa linya mong yan. 'Everything will be just fine. You'll be fine.'," panggagaya dito ng kakambal.

"Hayaan mo siya kung feel niya mag-english," singit naman ni Ciell.

"Oh, nandiyan ka pala. Akala ko ba Shiel e isinako at itinabi mo na sa baul itong babaeng ito," asar pa ring sabi niya.

"Oo nga. Kaso naiwan ko pala sa loob ng baul yung susi e."

"Tse. Bakit pa ba kita kinakausap."

"Bakit nga ba?"

"Ah ewan. Ang iingay niyo."

"Kung napapansin mo mo hija, ikaw ang kanina pa imik ng imik diyan."

Pansamantalang nanahimik ang mga ito ng mag-serve ng pagkain. Bakit ba masyado niyang iniisip yong kasal na yon. She should already be prepared for it since she has been informed about it years ago. Siguro nga ay tama ang mga ito. She should just relax and go with the flow than complain and make herself miserable. Wala na rin naman talaga siyang magagawa. Napabuntong-hininga na lang siya sa mga iniisip niya.

"Ganyan talaga ang mga ikakasal. Wedding jitters lang yan. Ang pagkakaiba nga lang, hindi ka pwedeng umatras," binuntunan pa yon ni Daylie ng nang-aasar na tawa.

"Thanks friend. Napaka-thoughtful mo talaga at inaalala mo ang kalagayan ko. Kaya mahal na mahal kita e," sarkastikong sabi niya dito.

She just grinned at her then continued eating. She forced herself to focus on the food in front of her and brush of the thoughts that keeps on popping on her mind.

"By the way, the food's great. Tell that to the cook," sabi niya sa napadaang flight attendant sa tabi niya. The woman gave her a warm smile then went off.

KANYA-KANYANG KUHA na sila ng kanilang mga bagahe since wala silang mga kasamang lalaki. Her brother will arrive the next morning for the ceremony with his friends.

"Bilisan na ninyo ang kilos mga hija at tiyak na kanina pa naghihintay ang mga yon. Wag kayong mag-alala. May mga magdadala na ng mga gamit natin pagdating sa labas," nakangiting sabi ng Lola Vernie niya.

"Hay salamat naman. Hindi ako pwedeng magbuhat ng mabibigat baka magka-muscle ako. Masisira ang figure ko so that's a big no-no."

"Okay lang yan Daylie, parang bumabalik ka lang naman sa tunay mong pagkatao. Hindi ba lalaki ka nong past life mo," pang-aasar naman dito ni Shiel.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 13, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Look At MeWhere stories live. Discover now