Kabanata 2

150 17 12
                                        

Dear Pok,

Oktubre 21,2008, natatandaan mo pa ba ang importanting date? Birthday yan ng kaibigan natin o classmate. Pero ikaw ang umeksena sa harap ng gate.

"Pahawak naman" abot ng paper bag at sinabi. Pagtingin ko ay isang rosas na pula at dalawang puti. Regalo para kay **** dahil birthday niya, itago mo at wag na wag mong ipapakita.

Ginawa ko naman ang sinabi mo. Tinago ko nga ito ng buong puso ko. Ang buong akala ko naman kasi parte ito. Ng surpresang pinaghandaan niyo.

Pagdating sa bahay nila ay nagkainan. Palakpakan kasabay ng tugtugan at kwentuhan. Happy na birthday pa sabi mo pa nga. Sinong makakalimot ng barkadang kaysaya.

Pero ang masayang tugtugan ay napalitan ng love song. Pagtingin ko sa barkada sila ay tikom. Tumugtog ang kantang"rush" ng blackstreet. Ikaw na nga talaga ang may galawang malupit.

"It came over me in a rush when I realized that I love you so much"sabi ng kanta . Tanong ko lang yun din ba ang nadarama sinta? Kung yun nga aba! "thank you so much". Dahil pinasaya mo ako ng sobra sobra.

Lumapit ang nanay ng celebrant at nag abot ng puting rosas sakin. Tinanggihan ko ito at sinabing "ay naku hindi po ito para sakin " Pero pinilit niyang kunin ko at siya ay pangiti ngiti. Dun ko napagtanto "ah! may gagawin ka nanaman siguro.Talaga naman! Shit!"

Hindi ko alam kung nasan ka nanaman. Bigla ka nalang nawala sa iyong pinwestuhan. Ayan tuloy ako lahat ang sumalo. Ng banat nilang pang "asar talo"

Lumabas mula sa bahay ang may birthday at dumeretso sakin. Nag abot muli ng puting rosas at ngumiti ng mahinhin. "Inagawan mo ako ng moment "biro pa niya. Pasensya nalang din dahil inosente ako talaga.

Maya maya pa nga ay nagpakita ka na. Inabot mo ang pulang rosas ng makalapit na. Kasabay ng tugtog na nakadagdag sa kilig. Namula ako at napatingin nalang sa sahig.

Dun ko narealize na ang 3 rosas kung dala.Ay para sa akin at hindi pala kanya.Aaminin ko nga na naisahan mo ako . Yun ba ang 'white lie' sa wikang kano?

Tinignan mo ako at nagtanong ka bigla. Kung sa panliligaw ay pwede ng magsimula. "Oo na yan " sigaw naman nila. At di na nga ako tumanggi sa kaharap kong biyaya.

At dun mo nga ako pinaalalahanan. Na ang mga rosas ay may pakahulugan. Pula para sa pagmamahalan. At Puti para sa busilak mong kalooban.

Akala ko pa naman na ang pag amin sa tambayan. Ay siya ng umpisa ng tunay na laban. Pero eto ako mali nanaman. Kelan ba ako masasanay sa mga surpresang ganyan.

Sa susunod na kabanata ko nalang ikekwento Pok. Kung paano ka nanligaw ng walang abog. Bawat detalye ay aalalahanin ko. Tatawagan kita pag may nalimutan pa ako.

Love,
Nat

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 13, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dear Pok,|| Love, NatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon