Chapter 1
Ayaw ko sana
Dalawang linggo bago ang foundation week. Naging half day na lang ang academics namin, at ang kalahati ay ang pagpapraktis ng sayaw para sa event.
Napag-alaman ko na marami palang kaartehan itong school na 'to. Napakaraming event.
Biglang nawala ang mga bulong bulungan kanina nang pumasok si Mam Jocie.
Siya ang adviser namin at ang science teacher. Masungit siya pero mabait din naman.
"Alam niyo namang malapit na ang foundation week, may mga activities. Isa na roon ang Mr and Ms. ACS."
Nagsitilian ang mga babae habang humiyaw naman ang mga lalake. "Ngayon, magbobotohan tayo kung sino ang ilalaban natin. Kailangan, manalo tayo." sabi ni mam.
Kung idedescribe mo si mam gamit ang isang salita ay palaban. Hinding hindi magpapatalo si mam. Gusto niya laging nasa taas, laban kung laban.
Busy sila sa pag nominate ng mga ilalaban habang ako ay tahimik na nagsusulat lang.
Hindi ko pa rin makalimutan si Hunter. Lagi ko siyang nakikita tuwing recess at lunch pero hindi kami nag-uusap.
Gusto ko siyang lapitan ngunit nahihiya ako sa mga kaibigan niyang nakapalibot sa kanya. Walang babaeng kaibigan si Hunter, malamang dahil sa pagiging suplado niya.
Gwapo si Hunter, maraming nagkakagusto sa kanya, marami ring nagpapapansin. Ang tanong ko sa sarili, ano ang gagawin ko para mapansin niya ako?
"Si Elyse po!" dinig ko mula sa kanan.
Agad ako lumingon sa kanang parte ng room, hinahanap kung sino ang nagnominate sakin.
Sinamaan ko siya ng tingin ngunit ngiti ang iginanti niya.
"Mam!" tawag ko.
Niligon niya ko. "Ayaw ko pong sumali sa mga ganyan. Sa cheering competition na lang po ako."
Hindi ko hilig ang pagsali sa mga ganyang pacontest. Ayaw ko iyong naeexpose ako, ayaw ko sa atensyon.
"Ninominate ka ng mga kaklase mo, ibig sabihin nun ay may tiwala sayo. And come on, na nominate ka pa lang naman, hindi pa naman talaga ikaw 'yung lalaban." nagkibit balikat na lamang ako at bumalik sa pagguhit.
Binanggit ni mam ang surname noong unang nanominate at pinatayo siya. May sumunod pa bago ako. "Salvatore." tawag ni mam.
Tamad akong tumayo at nagtaas ng kilay. Nanlaki ang mga mata ko sa nakikita ko. Ang daming bumoto sakin! Hindi ito maganda!
Tinignan ko ang board. 10, 8, "16." sinulat ni mam sa board kasunod ng pangalan ko.
Umiling iling ako. Ayaw ko!
"Caitlyn Elysia Salvatore," pinapunta ako ni mam sa harapan at tumabi sa isang lalaki na nakangisi.
"Will be our representatives!" hindi ko ganoong naintindihan ang pangalan ng partner ko dahil sa lakas ng hiyawan ng mga kaklase ko.
Nainis ako. Bumuntong hininga ako. Isipin mo na lang Elyse na para sa grades mo ito.
"Mamaya, kakausapin kayo ni Sir Relles. Sasabihin niya ang criteria para sa pageant at makikita niyo rin ang mga makakalaban niyo mamaya." tumango 'yung lalake habang ako naman ay nakasimangot na bumalik sa upuan ko.
Bakit ako pa? Marami naman akong kaklase na mas maganda diyan! Hindi naman sa pagmamayabang, pero may maipagmamalaki rin ako.
Ang buhok ko na may natural na kulot sa dulo, ang matangos kong ilong at mahahabang pilikmata.

BINABASA MO ANG
Intoxicated
RandomMapupungay na mata. Matangos na ilong. Mapupulang labi na laging nakaawang. Iyan ang agad na napansin ni Elysia Salvatore kay Hunter. At noong araw na iyon, alam niyang tinamaan na siya rito. Bata pa man siya maramdaman ito, ngunit sigurado na siyan...