Humawak ako sa braso ni mama papunta sa accounting office upang mag-enroll ngayon pasukan.
Grade 7 ako pagpasok at napagdesisyunan nila mama na dito na lang ako mag-aral, kung saan mas malapit ang bahay namin. Walking distance lang, 'di tulad noong dati kong school na napakalayo.
Bago kami pumasok ng office ay may nadaanan kaming isang room. Maraming tao ang nasa loob noon pero isang tao lang ang umagaw ng atensyon ko.
Ngiting-ngiti siya noon, malamang ay nakikipagtawanan sa kanyang barkada. May pagkakulay brown ang kanyang buhok pero hindi masyadong halata. Mahaba ang kanyang pilikmata at matangos ang ilong.
"Nak." ibinalik ko ang tingin ko kay mama na naghihintay na sa akin sa loob ng office.
Sumulyap pa ako ng isang beses sa room at tumungo na kay mama.
Inilabas ni mama ang requirements ko at iniabot doon sa babae. May tinawag siyang staff na naka uniporme at pinasamahan ako.
Nanlaki ang mga mata ko nang nalaman ko na papunta kami sa room kung saan nandoon 'yung gwapo.
Bumilis ang tibok ng puso ko. Jusko, ano namang nangyayari sakin? 'Wag niyo kong kunin ng maaga pakiusap. Hayaan niya po muna akog masilayan ang kagwapuhan niya.
Pinaupo ako ng babae malayo roon sa pwesto ni Hunter. Hindi ako ganoong sigurado sa pangalan niya dahil narinig ko lamang iyon sa kausap niya.
Inabutan ako ng babae ng booklet, papel at bolpen. Kailangan kong ipasa 'to para araw araw kong masisilayan si Hunter.
Isang oras lang ang nakalaan para sa pagsasagot ko. Kada ilang item ay napapasulyap ako kina Hunter.
Umiling iling ako. Elyse, seryosohin mo muna 'tong exam.
Agad kong sinagutan ang exam. Sisiw lang sakin 'to. Hindi sa pagmamayabang pero nasa top ako sa dati kong school kaya kahit papaano ay may alam ako.
Tinanong ako nung babae kung tapos na ko, sinabi ko na oo ngunit rereviewhin ko muna para sigurado. Tumango ang babae at sinabi na iiwan niya raw muna ako saglit.
Nilaro laro ko ang bolpen na hawak ko habang nakatitig kay Hunter. Ito na ba ang sinasabi nilang love at first sight?
Tumayo siya at nagpaalam sa mga kaibigan niya. Mukhang uuwi na siya. Nadurong ang puso ko. Nadismaya ako. Saglit ko pa lang na nasisilayan ang kagwapuhan niya tapos uuwi na siya agad?
Nakabusangot akong naghihintay sa babae. Bakit ba ang tagal niya? Ang init init naman dito. Walang aircon kundi iilang fan lang, at hindi pa nakatutok sakin. Bukas ang pintuan at mga bintana para pumasok ang hangin ngunit kulang pa rin iyon.
Nang namataan ko iyong babae na palapit na ay lumiwanag ang mukha ko. Sa wakas!
Iniabot ko na ang exam at bolpen at lumabas na. Pinuntahan ko si mama at sinabing pupunta muna ng canteen dahil nauuhaw na ko.
Dumudukot ako ng barya sa aking bulsa nang may nabunggo ako. Nagsilaglagan ang mga barya kong hawak.
Agad akong lumuhod upang pulutin ito. Nagulat ako noong lumuhod din siya. Tiningala ko 'yung lalake, nanlaki ang mga mata ko nang nakita kong si Hunter iyon.
May kung anong bumara sa lalamunan ko. Nanuyo ang laway ko. Hindi ako makapagsalita.
Tumayo na kami, iniabot niya sakin ang barya niyang napulot. "Sa susunod kasi, tumingin ka sa dinaraanan mo." malamig niyang sabi bago umalis sa harapan ko.

BINABASA MO ANG
Intoxicated
RastgeleMapupungay na mata. Matangos na ilong. Mapupulang labi na laging nakaawang. Iyan ang agad na napansin ni Elysia Salvatore kay Hunter. At noong araw na iyon, alam niyang tinamaan na siya rito. Bata pa man siya maramdaman ito, ngunit sigurado na siyan...