Chapter 2

40 4 1
                                        

Chapter 2

Iniwan

"Dun lang ako sa mga upuan. Papanoorin kita." kinindatan ako ni Sheena at umalis na sa tabi ko.

Lunch time. Maraming manonood. Nagsisimula na kumapal ang tao sa quadrangle kahit praktis pa lang ito.

Tinawag na kami ni sir Relles. "'Yung mga partner niyo, tabihan niyo!" sigaw niya.

Nagmaterialize sa tabi ko si Nick. Saan 'to galing?

"May isusuot ka na ba?" tanong niya.

"Para saan naman?" tanong ko.

"Para sa contest." tinaasan niya ako ng kilay. "Hindi ka nakinig, no?"

Tumango ako. "Nakakatamad eh."

Pinapila kami ni sir sa likod ng stage. May maliit na hagdan roon at may mga makakapal na kurtina.

Dito kami manggagaling sa likod.

"Kailangan mo ng sports wear tapos isa para sa talent portion at isa pa para sa finale." aniya.

"Ang dami naman nun." napakagat labi ako.

Ginusto mo 'to Elyse para mapansin ka ni Hunter.

"'Yung sa mga susuotin natin, mas maganda na terno." tumango na lang ako.

Nahagip ng mata ko si Hunter na katabi na naman iyong babaeng 'yun. Hay. Partner niya 'yun Elyse. Wala kang magagawa.

Titig na titig 'yung babae sa kanya at hindi niya alam na naglalaway na sa kanya 'yung babae.

"Listen up," ibinaling ko ang tingin ko sa harapan. "Rarampa kayo. Maglalakad kayo ng deretso, pag nasa dulo na kayo ay strike a pose then sa kaliwa, pose ulit kayo at ganun din sa kanan." instruct ni sir.

Kailangan mong galingan Elyse para mapukaw mo ang atensyon ni Hunter lalo na't siya ang kasunod mo.

"Pumila kayo by grade. Sa harap ang grade 7 at sa dulo ang 12." ani sir.

Pangalawa kami ng pila ni Nick. 'Yung sa kabilang section na representative ang nasa unahan.

Tumingin ako sa likod, laking gulat ko na nasa likuran ko si Hunter na nakapamulsa.

Namumula akong umiwas ng tingin. Gosh, Elyse. Ang lakas ng epekto niya sakin!

"Arevalo at Pascual, humanda na kayo." tawag ni sir sa nasa unahan namin.

Unang naglakad si Arevalo at susunod na si Pascual pagkatapos ako.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Marami ba talagang nanonood samin? Pumikit ako at kinagat ang ibaba kong labi.

"Kinakabahan ako Hunter." sabi ng babaeng partner ni Hunter.

"Tss." pagsusungit ni Hunter.

Ayaw niya sa partner niya! Biglang lumiwanag ang mukha ko. Breathe in, breathe out. Kaya mo 'to Elyse! Hanapin mo lang si Sheena roon sa crowd at siya ang titigan mo para hindi ka kabahan.

"Salvatore and Moldez, ready." umabante na kami ni Nick.

Eto na.

Nakita kong pabalik na si Pascual. Hinilamos ko ang magkabilang kamay ko sa mukha ko. Fierce, Elyse! Fierce!

Humugot ako ng malalim na hininga bago rumampa. Nakakasilaw.

Ang daming tao. Halos yata buong school ay pinapanood kami.

Hinanap ng mga mata ko si Sheena at nakita ko siyang nakaupo, may hawak hawak na cellphone at mukhang kinukuhanan ako ng litrato!

Nang marating ko ang dulo ng ramp ay nagstrike ako ng pose at naglakad sa kaliwa ng ramp.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 05, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

IntoxicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon