Hugot 103 "Buti nalang Mahal kita"
Buti nalang mahal kita kasi nagagawa ko pang maging matatag para sating dalawa. Kahit na alam ko namang wala tayo. Buti nalang mahal kita kasi nagagawa ko pang maghintay. Nagagawa ko pang maghintay na baka sakaling mahalin mo rin ako pabalik. Naghihintay na dumating yung araw na ikaw ang babaeng pangangakuang kasama ko habang buhay sa hirap man o ginhawa. Sa harap ng maraming tao. At sa harap ng Diyos.
Naghihintay na dumating ang araw na paggising ko sa umaga, muka mo na ang una kong makikita. Titigan ka, at iisipin kong gano ako kaswerte na naging akin ka. Ngunit alam kong di mangyayari yun dahil alam kong hindi tayo para sa isa't isa. Naghihintay na tuwing may sakit ako aalagaan mo ako. Lulutuan ng soup at papainumin ng gamot. Pero alam kong hindi dahil alam kong nakatagpo ka na naglalaking gagawan mo non. Buti nalang mahal kita kaya nagagawa ko ang lahat para ika'y lumigaya. Pinapatawa ka tuwing malungkot ka. Sinusurpresa ka sa DR mo pag ikaw lang mag-isa. Nireregaluhan ng kung ano ano. Lahat ginagawa ko para mapasaya ka. Ako kaya kelan sasaya?Buti nalang mahal kita kasi kahit anong gawin ko, pag ikaw na ang katapat ko, nanghihina na ako. Di ko magawang saktan ka dahil mahal kita. Buti nalang mahal kita at ikaw ang inspirsyon ko kahit na tuwing titignan ko ang litatro nyong dalawa, dinudurog ang aking puso. Buti nalang mahal kita kasi kahit na layuan at iwasan mo ako minsan na hindi ko alam kung bakit pero alam ko dahil sa boyfriend mo. Kahit na iwasan mo ko, hindi parin nababawasan ang pagmamahal ko sayk. Ikaw parin Anne. Ang laman ng puso ko.
Buti nalang mahal kita kasi kahit ang sakit na, nagagawa ko paring umarte o magpretend na parang walang sakit sa aking puso twing nakikita mo ko dahil ayokong magduda at nang malaman mo, ako'y layuan mo. At di na pansinin.
Buti nalang mahal kita kaya nakahawak parin ako sa pagasa. Na sana dumating ang pagkakataon ako naman ang sasabihan mong "Mahal Kita. "
Buti nalang mahal kita kaya 'kaya g pakawalan para lamang sa ikakasaya at ikakaligaya nang iyong puso......
BINABASA MO ANG
Hugot ng VhongAnne (VhongAnne)
NonfiksiMadam Bertud :) DM me your lovelife, foodlife, problems and ill give you an advice. AGAINST VHONGANNE :)