Part 6

1 0 0
                                    

Caramel's POV

Naglalakad ako ngayon papuntang classroom ko at may klase pa ako ng history ngayon.

Di parin mawala sa isipan ko yung nakita ko kanina. Bakit sila nagyayakapan? Di kaya sinagot na ni Vanilla si kuya? Pero sabi niya kaibigan lang turing niya kay kuya?

Argh. Feeling ko nababadtrip ako ngayon. Nasayang lang ang bili kong pagkain.. Akala ko kase makakausap ko siya pero hindi.

Naalala ko pa tuloy ang nangyare kanina..

Flashback...

"Girl may klase ba tayong mamayang history?" Tanong ni raffy kay leslie samantalang ako ay nagbabasa lang ng libro namin sa Accounting..

"Oo bakla! After lunch yun eh mamayang 1:30. Oh wait. Nga pala Cara kamusta na yung ano na pangalan nya?"

Siguro tinutukoy nila si Vanilla.. bigla ko tuloy siyang namiss...

Namiss?

"Hoy Cara!" Napaitlag ako at humarap kay leslie.

"Vanilla Johnsons ang pangalan niya les.."

"WHAAAAAT?" Sabay nilang sinabe.

"You mean.. Vanilla name niya talaga as in? Omyyyy! Nakakatawa!" Nagtawanan si leslie at raffy habang nakatingin na ang tao sakanila ay wala silang pakeelam. Ano ba kaisng nakakatawa dun? Tss.

Para sakin cute nga eh

"Oh.. ehem.. So.. kamusta na nga kayo? Nagkausap parin kayo simula nung last na nagkita kayo?"

"Di na nga e"

"Eh bat para kang binagsakan ng lupa diyan at kulang nalang magkasalubong na yang kilay mo!" Hinawakan ko bigla kilay ko at sabay silang tumawa.. mga bwisit talaga!

"Alam mo girl! What if dalan mo siya ng lunch mamaya? What do you think?"

"No way! Tska les! Nakakahiya no! Ano sasabihin ko bakit ko siya binigyan ng lunch?"

"Hoy Caramel sweet! Type mo yun no?"

"Huh? Sino?"

"Maangan maangan kapa! Malamang si Vanilla mo!" Bumilis bigla ang tibok ng puso ko..

"H..indi ah! Ba..bakit naman ako magkakagusto sakanya? Ha! Tska sa ano... sa babae pa! Mahiya ka nga!"

"Owkaaaay... bahala ka ha!" Bigla namang sumabat si raffy..

"Remember girl! Action speaks louder than voice.."

"Mga baliw! Makaalis na nga dito"

"Hephep! San ka pupunta? Ha!" Hinampas naman siya ni leslie.

"Ano kaba bading! Susundin niya na yung tip ko sakanya kanina... Yieeee" Inirapan ko nalang sila at umalis..

Sumakay ako sa kotse ko at nagdrive papuntang... Saan nga ba ako pupunta? Mabute nalang magaling na benda ko sa braso. Sandali! San nga ako pupunta?

Tinignan ko ang relo ko.. 11:30 na pala..

Kumain na kaya siya? Masyado siyang busy person kaya baka di pa kumakain yun.

Nagpark ako agad sa favorite kong fast food chain. Yipeee!

Pagkatapos kong magorder ay sumakay narin ako papuntang VHotel.. Dun daw kasi siya palage..

"Ahm.. excuse me miss andyan ba si Van--miss johnsons?"

"Oh yes mam. May appointment po ba kayo sakanya? She's on a meeting with Mr. Buenavista. "

Nagtaka ako bigla. Si kuya?

"Ahm miss. Pwede bang pumasok? Mr Buenavista is my brother.."

"I'm sorry Miss buenavista.. Sige po pumasok nalang po kayo"

Teka.. Baka may mahalaga silang pinaguusapan.. Nakakahiya naman kung sisingit pa ako.

Ano kayang pinaguusapan nila.

Hay! Makapasok na nga bahala na.

Pagkabukas ng pinto nakita ko sila kuya at Vanila na magkayakap..

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig na naestatwa na sa kinatatayuan ko.

Nagtama ang mga mata namin ni Vanilla.. Halatang nagulat din siya na makita ako..

Kailangan gumawa ako ng alibi.

K..uya ahm.. nagpunta ako dito para ibigay to, baka kase di kapa naglulunch"

Kahit kay Vanilla naman talaga yun. Pagkatapos kong iabot kay kuya ang pagkain ay di ko na tinignan pa si Vanilla at yunuko nalang at umalis.. Sinabe ko nalang kunware na may driver na naghihintay sakin.

Parang di ko kase kaya ang sumingit dun. At makita pa silang magkasama .
Srsly.. What's happening to me?



Bakit ganito nangyayare sakin?

Tama kaya sinabe ni raff? Na type ko siya? Pero impusible!! Sobrang impusible!

Alam ko sa sarili ko na staright ako! Tska impusibleng magkagusto ako sa maikling panahon na nakilala ko siya!

Siguro magaan lang talaga loob ko sakanya. Dahil mabait siya..


Remember Caramel di ka pwede magkagusto sakanya dahil babae siya at babae ka rin. Magaan lang talaga ang loob mo sakanya. Oo tama. Magaan lang loob ko kay Vanilla...

Falling Inlove With My JulietTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon