"And I've got all that I need right here in the passenger seat. And I can't keep my eyes on the road knowing that she's inches from me."
Yan yung unang kantang naituro mo sa kanya sa chords ng gitara. Yan ang unang kantang naitugtog niya dahil sa pagtuturo mo. Kantang naging dahilan kung paano naging posible ang lahat. Doon kayo mas naging close at doon, doon ka unti-unting nahulog sa kanya.
Kagaya nang bawat lirikong kakantahin nyong dalawa, kasabay nito ang pagkanta ng damdamin mo para sa kanya. Sa bawat strum niya sa gitara ay kasabay niyang hinahaplos ang puso mo. Sa bawat tanong niya kung "tama ba to?" Kasabay naman non ang pag-oo nang puso mo. Habang tinitignan mo ang mga mata niya ay parang may saya kang hindi maipaliwanag. Kapag kausap mo siya ay tila inaakyat ka niya papuntang langit. Pataas nang pataas. Nakakalula man sa itaas ay tinitiis mong malula. Hawak ka niya nang mahigpit at tiwala kang hindi ka niya bibitawan. Doon mo na nasimulang maramdaman ang lumutang. Lumulutang ka sa pag mamahal na nadadala niya sayo. Pagmamahal na parang palagi siyang nakayakap sayo. Pagmamahal na sa kanya mo lang naramdaman.
Hinatak ka pa niya paakyat. Hinatak ka niya sa abot nang lakas niya. Hinatak ka niya hanggang sa marating ninyo ang tuktok. At doon mo nakita ang lahat. Doon mo nasilayan kung gaano kaganda ang lahat. Doon ka nabighani sa ganda ng pag-ibig na hatid niya. Ganda na inakala mong hindi na kukupas. Doon ka na nagsimulang kumapit pabalik sa kanya. Pero bago ka nakakapit, binitawan ka na niya.
At doon, nalaglag ka. Habang nasa itaas ay unti-unti kang nahulog pababa. Unti-unti kang nahulog sa sahig hanggang sa naramdaman mong lumapag na sa lupa ang iyong katawan. Doon na kumalat ang pulang likidong nasa lupa. Kumakalat yon palabas sa ulo mo. Hanggang sa dumami ang tao. Binuhat ka nila, at ipinasok sa sasakyang maingay ang wang wang. Habang pinapasok ka nila sa sasakyang yon ay hinanap mo siya. Hinanap mo ang babaeng naghulog sayo mula sa taas. Ngunit wala siya. Hindi mo siya nakita. At doon na marahang pumikit ang yong mga mata.
Nagulat ka nang pagmulat ng mga mata mo, nakita mo siya. Balak mo siyang yakapin ngunit hindi mo siya mahawakan. Nakita mo ang sarili mong tinakpan ng puting tela at siya? Nandoon siya, pero may kasama na siyang iba. Naiiyak ka sa galit dahil niloko ka niya. Ang masakit pa ron, mas mahal niya yung isa. Narinig mong pinagplanuhan nila ang iwanan ka. Para makawala siya sa yakap mo at doon...doon ay nagising ka.
Basang-basa ang unan mo at tila naghahabol ka nang hininga. Napaisip ka bigla. Marahil ay ipinakita nang panaginip mo ang bagay na hindi mo makita sa realidad. Pero hindi ka parin naniwala. At tadhana na ang mismong gumawa nang paraan para tuluyan ka nang magising.
Nalaman mong palihim silang nagkikita ng ex boyfriend niya habang hulog na hulog ka sa patibong niya. At oo, patibong lang ang lahat. Laro lang pala ang lahat. Nilaro ka lang niya at inetchos ka lang ng tadhana. Oo, doon ka natalo, doon ka nagpadaya.
Hindi ikaw ang mahal niya. Hindi mo winawasak ang mga taong mahal mo. Hindi mo ginagawang tanga, o pinapaasa sa wala ang taong mahal mo. Kasi pag mahal mo, lahat nang imposible, nagiging posible.
BINABASA MO ANG
Set You Free
Short Story• Ang masakit kasi doon, na-friendzoned ka. • Ang masakit kasi doon, mahal ka lang niya kasi libog siya. • Ang masakit kasi doon, hindi niya makita ang halaga mo. • Ang masakit kasi doon, mahal mo siya, mahal ka niya pero mas mahal niya yung isa. •...