Paano kaya yun kung 3 months palang kayong break pero magugulat kang, nakabuntis na agad siya?
*flashback*
Ang saya-saya nyong dalawa habang kayo pa, yung pakiramdam mo hindi na matatapos yung relasyon nyong dalawa. Yung pakiramdam mo, otw to the church na ang ending nyong dalawa. Na inaakala mong siya na yung the one na hinihintay mo. Na siya na yung man of your dreams na hinihintay mo.
Kapag mag-uusap kayong dalawa hindi na naaalis yung ngiti mo sa labi mo. Na nadaig pa nun yung tambay sa pagtambay sa mukha mo. Kakaiba yung feeling na parang lumulutang ka sa pagmamahal na nadadala niya sa bawat araw na magkakausap kayo. Parang cloud 9 yung pakiramdam mo lalo na kapag nag-i I love you siya sayo. Na ayaw mo nang matapos yung mga araw na kinakaharap nyo. Na para siya na yung Jollibee dahil para sayo, siya yung bida sa saya mo. Siya yung dahilan nang bawat sigla at saya ng mga mata mo. Na kapag tinignan ka sa mata kulang nalang eh, ngumiti yung mata mo para malamang masaya ka. Na minsan nagkakatampuhan kayo pero masaya ka parin sa kanya. Pero ika nga sa kantang, Stitches and Burns, everything must come to an end. At oo, dumating nga ang araw na kinakakatakutan mo.
Yung mga maiinit niyang yakap eh, unti-unti nang lumalamig. Yung mahigpit niyang hawak eh, unti-unti nang lumuluwag. Yung kasweetan niya ay unti-unti na ring naglaho. Kasabay nito yung mga araw na nagiging busy na siya at minsa'y wala nang oras para sayo. Pero heto ka, iniisip na kasama lang yun sa relasyon. Hanggang sa heto, nagsisimula na siyang magselos sa kaibigan mo kahit hindi naman dapat at wala namang dapat ikaselos. Pero pinipilit mo siyang intindihin at iniisip mong bahagi lang yun ng relasyon ninyo. Pero habang tumatagal eh, unti-unti naring mas sumasakit yung mga nangyayari. Mga bintang at hinala niyang hindi totoo ang unti-unting dumudurog sayo.
Hanggang sa tuluyan na siyang nagbago. Tila ibang tao na yung taong nasa harap mo ngayon. Nagbago na siya. Hindi na siya yung dating lalaking minahal mo. Yung lalaking dating bumubuhay sa sistema mo ay siya nang unti-unting pumapatay sayo.
Oo, ganon na siya ngayon. Hindi na siya nag-iisip. Unti-unti na siyang lumalamig hanggang sa parang sinlamig na siya ng freezer ninyo. Na naguguluhan ka at hindi mo alam kung kakapit kapa ba o susuko mo nalang siya. masakit. Alam mong mahihirapan ka.
Sa sugal na to, alam mong ikaw ang talo. Na kahit itaya mo pa ang lahat lahat sayo, matatalo ka parin. Pinipilit mong gawing martyr ang sarili mo pinapaniwalang okay lang ang lahat. Pero alam mo sa sarili mong hindi ka okay at hindi na maaayos dahil sobrang gulo na nang nangyayari sa inyo.
Hanggang sa dumating na ang araw na nagparamdam siya ulit sayo na may kakaibang aura. Ibang-iba sa kung ano siya noon. Malayong-malayo.. Nagtanong siya sayo, at dito na natuldukan ang librong isinusulat ng pag-asang natitira sayo.
"Kung mahal mo ko papayag kang makipag-s*x sakin."
Tanong niya sayo. Sa isang iglap na to, nagbago ang lahat sayo. Mali yun. Maling pumayag ka. At siguro nga, tamang pakawalan siya dahil hindi siya ang para sayo. Hindi sa sex masusukat ang pagmamahal nang isang tao. Respeto naman beh.
Doon mo na dapat tuldukan ang lahat. Kasi doon na siya nawalan ng respeto sayo. Kalokohan yang mga sinasabi niya. Mahal mo siya kapag nakipagsex ka sa kanya?! Asan yung pagmamahal don? Nasa titi ba?
Ay nako. Tapos after 3 months magugulat ka nakabuntis na agad ng iba? Aba! Baka nasa titi nga. Pakyuhin mo nalang siya ng trenta tapos kalimutan mo na.

BINABASA MO ANG
Set You Free
Historia Corta• Ang masakit kasi doon, na-friendzoned ka. • Ang masakit kasi doon, mahal ka lang niya kasi libog siya. • Ang masakit kasi doon, hindi niya makita ang halaga mo. • Ang masakit kasi doon, mahal mo siya, mahal ka niya pero mas mahal niya yung isa. •...